✿ CHAPTER 81 ✿

20 4 0
                                    

[Vernon's POV]

Narinig kong tumunog ang alarm clock ko kaya nagising ako. Umupo muna ako sa kinahihigaan ko bago ko pinatay ang alarm clock na nakapatong lang sa lamesa na nasa tabi ng hinihigaan ko.

Napatingin ako sa bintana at napangiti ako nang naisip ko si Rhaine. Pero naalala ko na pinagsarahan niya ako ng bintana kagabi at hindi niya ako kinausap kaya nawala rin ang ngiti ko.

Nagtaka ako kung bakit niya ginawa yun kaya agad akong tumayo. Pupuntahan ko siya ngayon sa bahay niya. Baka kasi nagtatampo siya sa akin kaya hindi niya ako kinakausap kagabi. O kaya baka may nagawa o nasabi ako sa kanya na hindi niya nagustuhan.

Lumabas ako sa kwarto ko at tiningnan ko ang buong paligid kung may tao ba. Napangisi ako nang nakita kong wala at palihim akong bumaba sa hagdanan ng bahay namin.

                  

"At saan ka na naman pupunta?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa gulat at napatingin ako kay mommy na nakatingin lang sa akin habang nakatayo. Bakit siya nandito? Inaabangan ba niya ako?

                   

"Mom, pupuntahan ko lang po ang bestfriend ko. Babalik po ako kaagad...."

Sabi ko at nagpatuloy ako sa paglalakad. Akala ko ay papayagan niya akong puntahan siya pero hindi. Hinarangan niya ako gamit ang braso niya kaya napahinto ulit ako sa paglalakad. Anong ginagawa niya?

                    

"Anak naman! Diba sabi ko sayo wag ka nang makikipagkita o makikipag usap sa mamamatay tao na yun?!"

Napatingin ako sa kanya at napailing iling ako. Bakit ba talaga niya sinasabihan na mamamatay tao o kriminal si Rhaine? Hindi siya ganun!

                 

"Mom! Ilang beses ko pa po ba kailangang ipaliwanag sa inyo na hindi mamamatay tao o kriminal si Rhaine?! May sakit po siya kaya niya nagawa yun!!!"

Sumbat ko sa kanya pero inirapan lang niya ako.

                 

"Kahit na!!! Kahit na anong sabihin mo nakapatay parin siya ng tao!!! At hindi lang basta isa o dalawa!! Kundi tatlo!!!"

Sigaw niya kaya napailing iling ako. Tiningnan ko siya ng masama at umakyat nalang ulit ako sa hagdanan saka ako pumasok sa kwarto ko.

Umupo ako sa hinihigaan ko at binuksan ko ang bintana ng kwarto ko. Inakyat ko ito at tumalon ako dun sa bubong ng bahay nila ni VAL. Kinatok ko ang pintuan niya para malaman ko kung nandito ba siya.

                     

"VAL! Nandyan ka ba? Mag usap naman tayo oh!! Napansin ko kasi na parang hindi ka okay kagabi!"

Malakas na sabi ko para marinig niya yun mula sa loob. Nag antay ako ng ilang saglit pero wala namang sumasagot sa akin. Napansin ko rin na parang sobrang tahimik talaga sa loob kaya naisip ko na baka wala siya dito.

Mula sa bubong ng bahay nila ay tumalon ako para makalabas. Pumunta ako sa labas ng gate ng bahay nila at tinawag ko ang mga magulang niya.

                   

"Tao po!!!"

Sigaw ko para marinig yun ng mga magulang ni VAL. Baka kasi ayaw lang akong makausap ni VAL kaya hindi siya lumalabas o sumasagot man lang.

Maya maya ay pinagbuksan na ako ng gate ng mama at papa niya kaya napangiti ako. Nginitian lang din naman nila ako at pinapasok nila ako sa bahay nila pero umiling iling lang ako bilang pagtanggi.

                   

"Nandyan po ba si Rhaine? Gusto ko po siyang makausap. Kanina ko pa po kasi siya tinatawag mula sa kwarto niya pero hindi naman siya sumasagot..."

Sabi ko kaya nawala ang mga ngiti sa mga mukha nila at nagkatinginan sila sa isa't isa. Nagtaka ako kung bakit ganun ang reaksyon nila kaya kumunot ang noo ko.

                    

"May problema po ba tungkol kay Rhaine?"

Umiling iling lang sila kaya mas lalo pa akong nagtaka. Kung wala, eh bakit ganun ang reaksyon nila?

                     

"Hindi ka pala niya sinabihan iho? Umalis na siya papuntang Maynila kanina lang. Kagabi sana siya aalis kaso wala nang bumabyahe na bus o taxi kaya ngayon nalang siya umalis...."

Ano?!

Bakit hindi manlang niya ako sinabihan na aalis na pala siya?!

Dahil sa narinig ko ay dali dali akong tumakbo papasok sa bahay namin. Agad akong sumakay sa kotse ko at pumunta ako sa terminal. Gusto kong puntahan si VAL. Gusto ko siyang makita ulit bago siya makaalis.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon