✿ CHAPTER 2 ✿

77 5 1
                                    

[Rhaine's POV]

"Ahhhhh!!!! Tulong!!!! Tulungan niyo ako!!!! Pinagkakaisahan ako ng mga babae dito!!! Tulong!!!"

Palihim akong natawa nang narinig kong sumisigaw na ang bespren ko dun sa loob ng fitting room. Naririnig ko ring pinagsasampal at pinagmumura pa siya nung mga babaeng sumugod sa kanya dito kaya mas lalo pa akong natawa.

"Tama na!!! Hindi ko kayo kayang pakasalan lahat!!! Hindi ako si Naruto kaya hindi ako pwedeng dumami!!!!"

Ayan! Nagjowa ka kasi ng bente sa isang araw! Karma mo na yan! Punyeta talaga.

"Iha, anong nangyayari dun sa loob? Bakit parang nagkakagulo?"

Tanong ni ate kaya sinigurado ko munang wala nang tao sa paligid saka ako lumingon sa kanya para sagutin ang tanong niya.

"Ate, mga babae ni Vernon yun. Alam niyo namang babaero talaga yung lalaking yun kaya ayan! Pinagtutulungan na siya ng mga naging babae niya..."

Napailing iling lang naman si ate at maya maya ay nagulat kami nang kumakalabog na ang pintuan ng fitting room namin. Anong kababalaghan na naman ba yun?

"Teka lang aawatin ko lang yung mga yun. Pumunta punta pa sila dito para lang manggulo? Aba mga kabataan nga naman!"

Sabi ni ate at agad niyang nilapitan yung fitting room namin kaya inayos ko narin ang posisyon ko

"HOY!!! SIGE SIRAIN NIYO NALANG YANG FITTING ROOM NAMIN!!! BASTA SIGURADUHIN NIYO LANG NA MAY PERA KAYO PAMPAAYOS NIYAN AH??!!"

Malakas na sigaw ni ate kaya natahimik silang lahat. Nagsilabasan na yung mga naging babae ni Vernon na parang inis na inis pa. Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang trabaho ko.

"Ikaw naman kasing lalake ka!!! Kailan ka ba titino ha??!! Akala ko ba tinigilan mo na yang pagiging babaero mo! Haynako naman Vernon!!!"

Muntik na akong matawa nang nakita ko si ate na hila hila ang tenga ni Vernon habang palabas ng fitting room. Nakita ko rin na punit punit na ang damit ng bestfriend ko kaya nagmukha na tuloy siyang pulubi.

"Ate hindi ko po mga babae yun! Hinahabol lang po talaga nila ako!!!" Pagdadahilan pa niya.

"Nagdadahilan ka pang bata ka! Umuwi ka na nga! Puro ka kalokohan eh!"

Sabi ni ate at iniwan na niya si Vernon na nakaupo sa sahig.

Maya maya ay bigla akong tiningnan ng masama ni Vernon kaya nagtaka ako. Inaano ko ba siya?

"Ikaw babae ka. Kasalanan mo to eh. Akala ko pa naman bespren kita! Lagot ka talaga sa akin mamaya!!"

Galit na sigaw niya at lumabas na siya ng shop. Napairap lang naman ako at nilapitan ako ni ate.

"Oh, tapos na ang trabaho mo. Bumaba ka na diyan. Dumeretso ka na sa bahay...."

Hay sa wakas naman. Makakapagpahinga na ang muscles ko.

"Ate pupunta muna ako ng mall diyan sa bayan saka na ako uuwi sa barrio. Magpapamassage lang ako. Ang sakit kasi ng balikat ko eh...."

Tinanguan lang naman niya ako at pumunta na ako dun sa fitting room para magbihis. Pagpasok ko dun ay nagulat ako nang nabasag pala ang salamin dito. Kagagawan to nung punyetang bespren ko eh.

Nagbihis na ako saka ako lumabas ng fitting room. Sinabi ko kay ate yung tungkol sa nabasag na salamin saka ako lumabas ng shop.

Pagkalabas ko ay pumunta ako ng mall para magpamassage. Umupo ako dun sa upuan na de- kuryente na kayang magmasahe ng buong katawan. Hindi ko alam kung anong tawag dun basta yun na yun.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagrerelax ko nang biglang may nagpatay nito kaya nagulat ako. Aba at——

"Bakit hindi mo ako tinulungan kanina ha?! Alam mo bang muntik na akong mamatay dun sa loob ng fitting room? Anong klaseng bespren ka ba ha?!"

Inirapan ko lang naman siya at tumayo na ako.

"Pano kita matutulungan eh buong araw nga akong nandito sa mall?"

Pagdadahilan ko pa sa kanya kaya nagulat siya.

"Weh? Hindi ba ikaw yung manequin?"

Umiling iling lang naman ako kaya napakamot siya sa batok niya.

"Sorry, kamukha mo kasi yung manequin na nasa boutique ninyo. By the way, bakit inabot ka ng isang araw dito sa mall? Anong bang pinaggagawa mo dito?"

Itinaas ko lang naman ang mga binili kong pagkain para ipakita sa kanya.

"Para dito..."

Napailing iling lang siya habang nakatingin sa mga binili ko.

"Takaw mo talagang babae ka."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon