✿ CHAPTER 56 ✿

16 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Aalis muna kami anak... Ubusin mo yang niluto ko ha? Magpakabusog ka..."

Sabi ni mama at tinanguan ko lang naman sila. Umalis na silang dalawa ni papa pero pinabayaan ko lang sila kahit na ang totoo ay ayokong iwanan nila ako dito.

Malapit ko nang maubos ang kinakain ko pero napansin kong hindi parin ako pinapabalik ng mga pulis sa selda ko kaya nagtaka ako.

Hindi ko nalang din inisip yun at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

"VAL!!!"

Napatigil ako sa pagkain nang narinig ko ang boses na yun. Vernon? Umuwi siya?

Inangat ko ang paningin ko at nakita kong siya nga yun na parang tuwang tuwa pa habang tumatakbo patungo sa akin. Pero bago pa man siya makalapit sa akin ay agad akong tumayo at lumayo ako sa kanya.

Nawala ang ngiti sa mukha niya at napatigil siya sa pagtakbo nang nasa harapan ko na siya. Sinubukan pa niya akong yakapin pero agad ko siyang itinulak palayo na siyang ikinagulat niya.

Ayokong lumapit siya sa akin. Ayokong pati siya ay masaktan dahil sa akin.

"VAL, may problema ba? Gusto lang naman kitang yakapin eh. Miss na miss na kita...."

Napatingin ako sa kaniya na nakangiti parin kaya nagtaka ako. Hindi ba siya nag iisip? Kriminal na ako ngayon! Hindi ba siya natatakot na masaktan ko siya?

"Vernon, layuan mo na ako. Kalimutan mo nang naging magkaibigan tayo at may bestfriend kang kriminal..."

Sabi ko sa kanya kaya nawala na naman ang ngiti sa mukha niya. Agad ko siyang iniwasan ng tingin at aalis na sana ako pero agad niya akong pinigilan.

"VAL, wala namang ganyanan. Bakit ko naman gagawing kalimutan ka? Naging bahagi ka na ng pagkatao ko kaya hindi ko gagawin yun...."

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siya na parang naiiyak.

"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan? Kriminal na ang tingin ng mga tao sa akin ngayon Vernon! Masisira ang image mo dito sa lugar natin kapag malalaman ng iba na magkaibigan parin tayo!"

Sabi ko habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Akala ko ay aalis na siya sa harapan ko dahil sa sinabi ko pero hindi. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Kakalas na sana ako mula sa yakap niya pero hindi talaga niya ako binibitawan kaya hindi ko yun magawa.

Nababaliw na ba siya? Kapag patuloy siyang makikipagkaibigan sa akin madadamay siya sa issue at kahihiyan ng pamilya namin!

"Wala akong pake sa image ko. Gusto lang naman kitang yakapin kaya please, wag mo naman akong itaboy palayo...."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at napangiti ako. Akala ko, ayaw na niya sa akin kapag malalaman na niya ang ginawa ko. Akala ko, kakalimutan na niya ang friendship namin dahil sa pagiging kriminal ko. At akala ko rin, hindi niya ako dadalawin dito.

"Atsaka VAL, wag mo akong tawagin sa pangalan ko. VAL ang tawagan natin sa isa't isa kaya yun dapat na ang itawag mo sa akin. Masakit para sa akin kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko eh, parang binabalewala mo nalang ang pagkakaibigan natin...."

Tinanguan ko nalang din siya at binitawan na niya ako. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Teka, si Vernon Lee ba yan? Diba kasali yan dun sa football team nina Adrian at Kenneth? Bakit niya niyayakap yung taong pumatay sa team mates niya?"

"Ewan ko. Baka magkasabwat sila kasi sabi nila magkaaway daw sila ni Adrian. Pero parang imposible namang mangyari yun kasi sabi din nila kakarating lang daw niya galing L.A...."

Sabi pa nung iba kaya napayuko ako. Sabi ko na nga ba eh. Masisira ang pangalan niya dito sa lugar namin kapag patuloy pa siyang makikipagkaibigan sa akin.

Napatingin din si VAL dun sa taong tinitingnan ko pero hindi niya ito pinansin. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at nginitian niya ako.

"Wag mo silang pansinin. Wala naman akong pake sa kanila at sa kung anong sasabihin nila..."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon