✿ CHAPTER 66 ✿

21 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Lumabas na kami ng hospital at dinala na nila ako dito sa mental hospital. Ayoko sana dito, kaso wala akong choice. Kailangan kong magpagamot dahil kailangan kong burahin sa isip at utak ko si Hans.

Pinapasok ako nung isang nurse sa hospital nato dito sa isang kwarto. Wala akong ibang makita sa paligid kundi isang higaan at mga papel pati narin mga pang kulay.

Habang tumitingin pa ako sa paligid ay narinig kong isinarado at ini- lock na nung nurse ang pintuan ng kwartong to kaya napalingon ako dun. Tumingin ako sa maliit na bintana na nasa pintuan at tumingin ako sa labas.

Tiningnan ko ang paligid sa labas nitong kwartong to at maya maya ay biglang may lumitaw na tao sa harapan ko kaya nagulat ako. Natumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at tiningnan ko ng maigi kung sino yun.

Nang nakita ko na si Vernon lang pala yun ay napahinga ako ng maluwag. Bakit ba kasi siya nanggugulat? Tung lalaking to talaga.

Pero, paano siya nakapunta dito? Diba nga bawal na may pumunta ditong ibang tao?

May sinabi siya sa akin mula sa labas pero hindi ko yun marinig mula dito sa loob kaya kumunot ang noo ko. Soundproof kasi ang kwartong to kaya hindi ko talaga naririnig ang mga ingay o tunog sa labas.

Napansin niya siguro yun kaya kumuha siya ng papel at ballpen mula sa bulsa niya. May sinulat siya dito saglit at ipinasok niya ito sa maliit na butas na nasa ilalim ng pintuan. Agad ko naman itong pinulot saka ko ito binasa.

(Sorry VAL kung ginulat kita. Gusto lang naman sana kitang isurprise. Hehehe...)

Natawa ako ganun na din siya na nasa labas ng bintana. Nilapitan ko yung mga papel at mga pansulat na nasa sulok nitong kwartong to at sumulat din ako para sa kanya.

(Okay lang. Paano ka nga pala nakapasok dito VAL? Diba dapat nasa lounge lang kayo ni mama at papa?)

Pagkatapos ko nung isulat ay ipinasok ko din ito dun sa maliit na butas. Kinuha naman niya ito at napangiti siya. Tumingin muna siya sa paligid bago siya kumuha ulit ng ibang papel mula sa bulsa niya. Sumulat din siya dun at katulad ng ginawa niya kanina, ipinasok niya ito dun sa maliit na butas.

Kinuha ko na naman ito saka ko ito binasa.

(Palihim akong pumasok VAL. Sinundan ko yung nurse na nagdala sayo patungo dito...)

Napailing iling ako dahil sa sinabi niya. Ang tigas talaga ng ulo nitong lalaking to. Maya maya ay napansin kong may humila kay VAL palayo dito kaya nagulat ako.

Tiningnan ko kung sino yun at napag alaman kong yung security guards pala yun kaya natawa ako. Ayan, tigas kasi ng ulo.

Tinitingnan ko lang siya habang hinihila siya nung mga security guards para dalhin palayo dito. Nang nakalayo na siya at hindi ko na siya makita ay nawala ang ngiti ko at napayuko ako.

Umupo ako dun sa kama at tiningnan ko ang paligid. Anong gagawin ko dito? Gagaling ba ako kung palagi lang akong magmumukmok dito?

Napatingin ulit ako sa mga sulat ni VAL para sa akin at tumayo ako para pulutin ito mula sa sahig. Tiningnan ko yung isa at napansin kong may nakadikit pa palang ibang papel sa likod nito kaya kumunot ang noo ko.

Kinuha ko yun at nagulat ako nang napansin kong sulat din pala ito. Kaso hindi ito katulad nung mga sulat na sinulat niya para sa akin kanina. Mahaba ito at halata na inayos niya talaga ito.

Umupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina at binasa ko ito.

____________________________

Dear VAL,

VAL, sorry talaga dun sa nangyari kahapon. Sorry kung umamin ako sa totoong nararamdam ko para sayo pero hindi ko naman yun pinanindigan. Promise VAL, kapag magaling ka na at maayos na ang lahat, liligawan kita. Hindi kita itutulad dun sa mga babaeng niloko ko VAL. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal ng totoo kaya syempre hindi ko yun magagawa sayo.

Siyanga pala, about dun sa call sign natin na "VAL". Hindi mo ba talaga nagegets ang ibig sabihin nun?

Kung babaligtarin mo ang "VAL", magiging "LAV" or "LOVE" yun. Ako ang nakaisip niyan VAL. Talino ko diba? Hahaha!

Pagaling ka VAL ah. Hihintayin kita kung kailan pwede na....

Your bestfriend,
VAL

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon