✿ CHAPTER 14 ✿

26 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Palabas na sana ako sa gate nila pero may narinig ako na parang sumisipol sa likod ko kaya napatigil ako.

Lumingon ako para tingnan ito at nakakita ako ng lalaking hindi ko naman kilala pero alam kong kateam mate siya nina Adrian at Vernon.

"Miss, nagkaganyan ka ba dahil sa nakita mong may girlfriend na si Adrian?"

Kahit na hindi ko siya kilala ay tinanguan ko nalang siya. Hindi nalang ako lumabas ng gate at nag hintay ako kung ano pang sasabihin niya.

"Masakit, diba?"

Naramdaman kong parang may tubig na naiipon sa mga mata ko pero pinigilan ko ito at tinanguan ko nalang siya bilang sagot.

"Oh, bakit ka pa uuwi? You just came to the right place. Uminom ka para makalimutan mo yang sakit na nararamdaman ko..."

Iinom? Ako?

Hindi pa ako nakatikim ng kahit na anong inuming nakakalasing.

"Don't be nervous. I'm here for you. Just trust me..."

Trust him? Eh hindi ko nga siya kakilala?

Lalabas na sana ulit ako ng gate pero pinigilan na naman niya ako kaya napahinto ako. Ano ba talagang kailangan ng lalaking to?

"By the way, I forgot to introduce myself to you. I'm Kenneth Buenavista. Kateam mate ko sila ni Adrian..."

Inabot niya ang kamay niya sa akin kaya nagdalawang isip na ako kung tatanggapin ko ba ito. Maya maya ag naisip ko na wala naman sigurong masama kung makikipagkilala ako sa kanya kaya hinawakan ko nalang din ang kamay niya.

"I'm Rhaine Clarkson. Vernon's bestfriend...."

Tumango tango lang naman siya at at binitawan na niya ang kamay ko.

"Kaya pala kayo ang magkasama kanina. Siyanga pala, bakit wala siya dito? Champion ang team namin kaya dapat nandito siya..."

Oo nga. Bakit nga pala hindi siya pumunta dito?

"Hindi ko nga alam eh. Baka hindi lang maganda ang pakiramdam niya..."

Tumango tango naman siya at nginitian niya ako.

"So, let's get inside. As I said, alcohol can solve your problem right now. Makakalimutan mo yang problemang yan kapag nakainom ka na..."

Pumasok ulit siya sa loob pero hindi ko siya sinundan. Nagdadalawang isip pa kasi ako kung susunod ba ako at kung mapagkakatiwalaan ko ba siya.

Nang napansin niyang hindi ako sumusunod sa kanya ay lumingon siya sa akin.

"Sige na. Wala kang dapat ipag alala kasi puro naman gentlemen ang mga nandito. Meron din namang iilang babae sa loob kaya okay na okay ka lang dun..."

Tumango nalang din ako at pumasok ako ulit. Pagpasok ko ay sinalubong na naman ako ng matapang na amoy ng alak pero pinigilan ko ang sarili kong masuka.

Pinaupo niya ako dun sa bakanteng upuan at binigyan niya ako ng tatlong bote ng alak. Iinumin ko to? Lahat?

"Inumin mo na yan. Wag kang mag alala, hindi naman ako iinom ng marami at babantayan lang kita..."

Medyo nagdadalawang isip pa ako pero ginawa ko nalang ang sinabi niya. Uminom muna ako ng kaunti at napapikit ako dahil sa lasa. Bakit ang pait? Punyeta naman.

Natawa siya sa reaksyon ko pero inirapan ko nalang siya. Maya maya ay nakita kong magkasama si Adrian at yung girlfriend niya kaya agad akong tumingin sa malayo. Ininom ko nalang yung hawak hawak kong alak para hindi niya mahalata na naiiyak na ako.

Maya maya ay hindi ko namalayang naubos ko na pala ito at medyo lasing na nga ako. Ibinagsak ko ang ulo ko sa mesa pero maya maya ay umayos na naman ako sa pagkakaupo. Napatingin ako dun sa lalaking nag aya sa akin na uminom at napansin kong nakangisi na siya pero hindi ko nalang siya pinansin dahil hilong hilo na talaga ko.

Maya maya ay naramdaman kong binuhusan niya ako ng alak sa ulo at nagtawanan pa silang lahat pero dahil sa sama ng pakiramdam ko ay hindi ko nalang yun pinansin.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon