✿ CHAPTER 99 ✿

28 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

                  

"Kumain ka na Rhaine. Masama sa baby mo kapag hindi ka kumakain ng maayos..."

Napalingon ako kay Chrystel at tinanguan ko siya. Dinalaw niya kasi ako ngayon dito sa bahay namin kasi alam niyang ako lang mag isa. Nasa trabaho kasi si VAL at matagal pa siya uuwi. Wala naman akong magagawa, ganun talaga kapag seaman eh.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagdadasal ko na makikita ko si VAL kahit na alam ko namang hindi pa siya makakauwi ngayon. Miss na miss ko na kasi siya. Medyo nag aalala din ako para sa kanya kasi bumabagyo ngayon. Baka malalaki ang alon sa dagat.

Tinanggal ko nalang yun sa isip ko at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kusina para kumain. Sinabayan naman ako ni Chrystel sa pagkain at nagkwentuhan kami.

Habang kumakain ako ay narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya tumigil muna ako sa ginagawa ko at kinuha ko ito. Tiningnan ko kung sino ito at napangiti ako nang napag alaman kong si VAL pala ang tumatawag.

Agad kong sinagot ang tawag niya habang hindi ko maiwala ang ngiti sa mukha ko.

                    

"VAL! Kamusta ka na?" Tanong ko.
                    

(Okay lang ako dito VAL. Tumawag lang ako kasi may gusto akong sabihin sayo.)

Napangiti ako nang nalaman kong okay lang siya pero nawala yun nang narinig kong parang may kumalabog sa kabilang linya. Ano yun?

                     

"Okay ka lang ba talaga VAL? Ano yung tumunog?" Tanong ko habang nagtataka.

                      

(Okay lang nga ako VAL, wag kang mag alala. Rhaine, makinig ka muna ng mabuti. May sabihin ako...)

Kumunot ang noo ko at tumango nalang rin ako. Baka kasi importante talaga ang sasabihin niya. 

                     

"Sige. Ano ba yun VAL?"

             
Biglang tumahimik sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. Nakaramdam ako ng kaba pero pilit kong winala yun sa utak ko.

                      

"VAL, nandyan ka pa ba?"
                      

(VAL, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan palagi ah?)

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Yun lang pala ang sasabihin niya. Pinakaba pa niya ako eh.

                      

"Okay VAL! Mahal na mahal rin kit—— Hello?"

Magsasalita pa sana ako nang biglang naputol ang linya kaya nagtaka ulit ako. Bakit niya pinutol ang linya? May problema ba?

Hindi ko nalang din inisip yun at hinimas ko nalang ang tiyan ko saka ako kumain ulit. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para matulog.

.
.
.
.
.
.

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at bumaba na ako sa sala. Habang pababa ako ay napansin kong nandito silang lahat nina Chrystel, TOP, Altheah, at Aiken kaya napangiti ako. Mabuti naman at naisipan nilang dalawin ako.

                 

"Nandito pala kayo?"

Tanong ko habang pababa ako ng hagdan. Lumapit ako sa kanina at umupo ako sa sofa na nasa harapan nila. Hindi sila sumagot sa tanong ko at nagkatinginan lang sila sa isa't isa kaya nagtaka ako. May problema ba?

                  

"Oo Rhaine, nandito kami. May sabihin kasi kami sayo. Pero wag kang mabibigla ah?"

Mahinahon na sabi ni Altheah kaya mas lalo pa akong nagtaka. Napansin ko na parang seryosong seryoso talaga sila kaya nagsimula na akong kabahan.

                    

"Sige. Ano ba yung sasabihin niyo?"

Tanong ko pero nagkatinginan na naman sila at napayuko. Ano ba talaga ang sasabihin nila? Bakit parang nahihirapan silang sabihin yun?

                    

"Rhaine, wala na si Vernon. Patay na siya..."

Napanganga ako sa sinabi niya at maiiyak na sana ako pero maya maya ay naisip ko na baka prank lang to kaya natawa ako. Nagtaka sila kung bakit ako tumawa pero nginitian ko lang sila.

                     

"Prank lang ba to? Kung pinagkakatuwaan niyo lang ako pwes luma na yang style niyo! Tsk."

Sabi ko habang tumatawa ng pilit pero seryosong seryoso parin talaga sila kaya tumigil na ako sa kakatawa. Hindi ba talaga yun prank? Totoo ba ang sinabi nila?

                     

"Rhaine, hindi to prank. Totoo ang sinabi namin. Lumubog ang sinasakyang barko ni Vernon kagabi. Maniwala ka...."

Umiiyak na sabi ni Aiken kaya biglang tumulo ang mga luha ko. Pinilit ko ang sarili ko na wag maniwala kasi iniisip ko parin na baka prank lang to. Iniisip ko parin na baka isusurprise lang ako ni VAL.

Tumingin ako sa paligid para kita ko kung saan nagtatago si VAL pero wala talaga siya siya humagulgol na ako. Hindi siya pwedeng mawala. Mahal na mahal ko siya. Ayokong mawala siya. Hindi ko kaya.

Tinabunan ko ang mukha ko at doon ako umiyak ng umiyak. Agad nila akong nilapitan at niyakap nila ako.

                   

"Tanggapin nalang natin Rhaine. Nangyari na yun eh, wala na tayong magagawa. Magmove on nalang tayo okay?"

Sabi ni Altheah habang umiiyak at umiling iling ako sa sinabi niya.

                    

"Hindi ko yun matatanggap! At mas lalong hindi ako makakapagmove on! Hindi ko kaya na mawala siya! Paano nalang ang mga plano namin? Paano nalang ang future namin? Paano nalang ang anak namin?"

Sigaw ko kaya agad nila akong pinatahan. Hindi ko magagawang tanggapin yun. Baka panaghinip lang to. Baka binabangungot lang ako. Hindi totoong nangyayari to. Hindi to totoo.

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon