[Rhaine's POV, months later]
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Agad akong bumangon sa kinahihigaan ko at napansin ko na wala si VAL sa tabi ko kaya nagtaka ako. Saan ba nagpunta yun?
Tiningnan ko ang buong paligid ng kwarto pero wala talaga siya kaya kaya kumunot ang noo ko. Maya maya ay naalala ko na may trabaho siya ngayon sa barko kaya nalungkot ako. Wala na naman siya. Ako na naman ang mag isa.
Tumayo ako mula sa kama at bigla akong natumba dahil umikot ang paningin ko. Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko habang nakahiga parin ako sa sahig. Mabuti nalang at nandito pa pala si VAL kaya agad niya akong pinuntahan sa kwarto at agad niya akong nilapitan.
"VAL! Okay ka lang?"
Sabi niya na halatang natataranta na. Agad niya akong kinarga at lumabas na kami ng kwarto. Hindi ko parin binubuksan ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
Maya maya ay napansin ko na nasa labas na kami ng bahay at pinasakay niya ako sa kotse niya. Hindi ko nalang din pinansin yun dahil nakatulog na ako.
.
.
.
.
.
.
"VAL..."
Narinig ko yun kaya nagising ako at unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si VAL na hawak hawak ang kamay ko habang tinitingnan ako na halatang nag aalala. Nginitian ko siya para naman kahit papaano ay hindi siya gaanong mag aalala sa akin.
Tiningnan ko ang paligid ng kwartong to at napansin kong hindi naman ito sa bahay namin kaya kumunot ang noo ko. Nasaan ako?
"VAL, nasaan tayo?"
Nginitian lang niya ako habang hindi parin niya binibitawan ang mga kamay ko.
"Nasa hospital tayo VAL. Nawalan ka kasi ng malay kanina kaya dinala kita dito. Wag kang mag alala, okay ka na raw sabi ng doktor..."
Napahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Dahan dahan akong bumangon para makaupo at inalalayan naman ako ni VAL.
"Bakit ka ba kasi nagpapagod sa trabaho VAL. Ayan tuloy...."
Sabi niya habang tinitingnan ako habang nakasimangot kaya natawa ako. Isip bata talaga siya.
"Eh ikaw VAL? Diba dapat umalis ka na ngayon sa trabaho?"
Tanong ko pero umiling iling lang siya.
"Paano ako makakaalis kung ganyan ang kalagayan mo? Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasisigurado na okay ka lang..."
Sabi niya kaya tinanguan ko nalang din siya. Sabi niya yan eh.
"VAL, ano nga palang nangyari sa akin kanina?"
Tanong ko sa kanya at hinimas himas niya ang buhok ko habang nakangiti.
"Nahimatay ka kanina VAL. Palagi ka kasing nagpupuyat. Dapat tigil tigilan mo na yan VAL...."
Sagot niya na parang bang pinapagalitan ako kaya natawa ako. Tinanguan ko nalang din siya at maya maya ay may dumating na doktor kaya inayos na namin ang pagkakaupo namin.
"Mr. and Mrs. Lee? Right?"
Napatingin kami ni Vernon sa isa't isa saka namin tinanguan ang doktor. Seryosong seryoso ito habang nakatingin sa amin kaya kinakabahan na kami.
"Bakit po dok? May sakit po ba ako kaya ako nahimatay kanina?"
Tanong ko at agad namang hinawakan ni VAL ang kamay ko sabay ngiti. Nginitian ko nalang din siya para kahit papaano ay gumaan ang mga loob namin.
"Wala iha. Wala kang sakit...."
Kumunot ang mga noo namin at napatingin ulit kami sa isa't isa. Kung wala akong sakit, bakit ako nahimatay kanina?
Napatingin ulit kami sa doktor at nagtaka kami nang nakita namin siyang nakangiti. Bakit siya nakangiti? Anong meron?
"Congratulations Mrs. Lee, you're pregnant!"
Napanganga kaming dalawa ni VAL at agad naming niyakap ang isa't isa. Napangiti kami at halos maluha kami dahil sa saya. Umalis na yung doktor habang nagyayakapan parin kami.
Maya maya ay binitawan na ako ni VAL at napansin kong umiiyak na siya kaya natawa ako.
"Bakit ka umiiyak?"
Tanong ko sa kanya pero nginitian lang niya ako habang umiiyak parin.
"Kasi ilang beses nating sinubukan VAL at sa wakas meron na!"
Kinurot ko siya pero natawa lang siya. Tong lalaking to talaga.
_______________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Fiksi RemajaLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...