✿ CHAPTER 100 ✿

44 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito ako ngayon sa kusina, naghahanda ng makakain namin ni VAL. Kagagaling lang kasi niya sa trabaho kaya alam kong gutom na gutom na siya. Kailangan niyang kumain.

"VAL, gusto ko ng steak at pinakbet. Pwede bang ipagluto mo ako ng ganun?"

Napalingon ako at nakita ko si VAL na nakatayo lang sa likod ko. Napangiti ako at agad ko siyang tinanguan. Ginawa ko ang sinabi niya at nagluto nga ako ng steak at pinakbet.

Nang tapos na ako sa ginagawa ko ay hinain ko na ito at nilagay ko na ito sa mesa. Agad na umupo si VAL sa upuan kaya ganun na din ang ginawa ko.

Tiningnan ni VAL ang mga niluto ko at napangiti siya ganun narin ako. Kumuha siya ng konti sa mga ito at nilagay niya sa plato niya saka niya yun kinain.

Napatingin siya sa akin habang ngumunguya at bigla siyang napangiti kaya naisip ko na nagustuhan niya ang niluto ko. Napangiti ako nang naisip ko yun.

"Ang sarap naman nito VAL. Nag improve na ang cooking skills mo."

Tinanguan ko siya at sinabayan ko siya sa pagkain. Habang kumakain kami ay napansin ko na may tumatawag sa akin mula sa pintuan kaya kumunot ang noo ko.

Lumingon ako dun at nakita ko yung kapitbahay namin na tinatawag ako pero inirapan ko lang siya. Sagabal siya, nag eenjoy kami dito ni VAL eh.

"VAL, parang may tumatawag sayo. Puntahan mo nga muna."

Sabi ni VAL pero umiling iling lang ako. Ayoko kaya.

"Ayoko. Panira siya eh. Sinisira niya ang moment natin...."

Sagot ko naman kaya tumango tango siya. Napalingon ulit ako dun sa kapitbahay namin at inirapan ko siya ulit.

"Mrs. Lee, may bisita ka..."

Sabi nung kapitbahay namin kaya napangiti ako. Talaga? May bisita ako?

Lumingon ako kay VAL at nagtaka ako nang bigla bigla nalang siyang nawala pati narin ang mga iniluto ko. Napasimangot ako nang napansin ko yun. Baka pumunta na naman sa trabaho si VAL at ibinaon niya yung mga niluto ko.

Tumingin ulit ako sa bisita namin at tumayo ako. Sinundan ko siya pababa ng hagdan at mula sa malayo ay nakita ko sina Altheah, Aiken, Chrystel, at TOP kaya napangiti ako. Sila pala ang bumisita sa akin.

Lumapit ako sa kanila at umupo ako sa harapan ng inuupuan nila habang nakangiti.

"Kamusta ka na dito Rhaine?"

Tanong ni Chrystel pero nginitian ko lang siya.

"Okay lang kami ni VAL. Hindi niyo na siya naabutan kasi umalis na siya kanina patungo sa trabaho..."

Nakasimangot kong sabi sa kanina at napatingin sila sa isa't isa na para bang nag aalangan kaya nagtaka ako. Natahimik sila at maya maya ay si Altheah naman ang kumausap sa akin.

"Rhaine, alam mong patay na si VAL mo. Gumising ka Rhaine. Wag mo hayaang lamunin ng lungkot at pangungulila ang katinuan mo..."

Sabi ni Altheah kaya nagtaka ako. Anong patay na si VAL? Pinagloloko ba niya ako? Kasama ko pa nga si VAL kanina eh. Pinagluto ko pa siya ng pinakbet at steak.

Tiningnan ko siya ng masama at tumayo ako sa kinauupuan ko. Bakit ba niya sinasabing patay na si VAL? Ha?

"Hindi patay si VAL! Buhay siya! Buhay na buhay!"

Sumbat ko kaya tumayo narin siya sa kinauupuan niya. Agad siyang pinigilan ng mga kasama niya pero hindi siya nagpatinag sa kanila.

"Patay na ang asawa mo Rhaine! Gumising ka sa katinuan mo! Namatay siya a year ago! Nalunod siya sa barko na sinasakyan niya! Maniwala ka!"

Sabi niya kaya napatulala ako. Nagising ako sa katotohanang wala na si VAL. Naalala ko ang mga sinabi niya tungkol sa pagkamatay ni VAL at tumulo ang mga luha ko. Oo nga pala, patay na ang asawa ko. Napatingin ulit ako sa kanila ay tuluyan na akong napaiyak.

Yayakapin na sana nila ako pero agad akong umakyat sa hagdan at pumasok ako sa kwarto ko. Sinarado ko ang pintuan ng kwarto at umupo ako sa sulok. Doon ako umiyak ng umiyak.

"VAL, okay ka lang? Bakit ka umiiyak?

Napatigil ako sa pag iyak nang narinig kong tinawag ako ni VAL. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko siya na para bang nag aalala. Pinahiran ko ang mga luha ko at nginitian ko siya para maisip niya na okay lang talaga ako.

"Okay lang ako VAL. Wag kang mag alala..."

Sagot ko naman kaya napangiti siya. Umupo siya sa harapan ko at hinila niya ako palapit sa kanya saka niya ako niyakap. Napapikit ako at pinakiramdaman ko ang yakap niya.

"I love you VAL..."

Sabi niya sa akin habang niyayakap parin ako kaya napangiti ako.

"I love you too..."

Hindi ko alam, pero parang totoo talaga siya. Parang totoong niyayakap niya ako. Parang totoong nandito parin siya sa piling ko. At parang totoong hindi talaga siya namatay.

Isinuko ko ang sarili ko sa ilusyon na inimbento ng utak ko. Isinuko ko ang katinuan ko para lang makasama ko si VAL, kahit na ako lang naman talaga ang nakakakita at nakakarinig sa kanya.

Mas gugustuhin ko pang maging isang baliw basta lang makasama ko siya. Kaysa naman sa matino ang pag iisip ko pero hindi ko naman siya nakikita.

Isusugal ko ang lahat pati ang katinuan ko para sa kanya.

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon