[Rhaine's POV]
Inilayo na niya ang braso ko sa kanya kaya nagkahiwalay narin yung magnet na mga pendant ng mga bracelet namin. Napatingin ulit ako sa bracelet ko at napangiti ako. Ngayon ko lang kasi talaga nalaman na may bracelet palang ganito.
"VAL, pwede bang lumabas muna tayo dun sa garden? Okay lang ba yun sa mga nagbabantay sayo?"
Napalingon ako sa kanya at tinanguan ko siya. Okay lang naman siguro yun, nandun din kasi yung iba pang mga pasyente dito.
Tumayo kami sa kinauupuan namin at lumabas kami ng lounge. Pumunta kami dun sa garden at tumingin tingin kami sa paligid.
Pumunta kami dun sa malayong bahagi ng garden na walang ibang tao. Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa mga bracelet namin na nakadikit kaya palihim akong napangiti.
"VAL, kung liligawan kita ngayon.... sasagutin mo ba ako?"
Napatingin ako sa kanya at lumaki ang nga mata ko. Tinanong ba talaga niya yun?
Sa ngayon, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya o sadyang namiss ko lang talaga siya. Siguro, malalaman ko na kung ano talaga tong nararamdam ko kapag makakalabas na ako dito.
"Hindi ko pa yan masasagot ngayon VAL. Pero siguro, kapag mapatunayan ko nang hindi ka na manloloko siguro sasagutin kita....."
Napangiti siya sa sinabi ko at tinanguan niya ako.
"Okay lang yun. Wag kang mag alala, hinding hindi kita lolokohin. Actually, simula nung pumunta ako sa L.A hindi na ako nagkagirlfriend. Ikaw lang kasi talaga yung palaging naiisip ko kaya hindi ko magawang manligaw ng ibang babae....."
Napatingin ulit ako sa kanya at nginitian ko siya. Mabuti naman kung ganun. Wala namang problema sa akin kung totoo ngang may gusto siya sa akin. Kilala ko ang bestfriend ko. Oo, manloloko at babaero siya pero mabuti siyang tao.
"Pero sana, sagutin mo ako. Ayoko kasing masaktan. Takot akong masaktan. Kaya nga ako na mismo ang nanakit sa mga babaeng naging girlfriend ko kaysa naman sa ako pa ang saktan nila...."
Napalingon ako sa kanya at napaisip ako. Kaya pala. Ngayon alam ko na kung bakit niya ginagawa yung ginagawa niyang panloloko dati.
"Pero kapag ikaw, okay lang sa akin na masaktan ako. Deserve ko naman yun eh...."
Sabi niya at biglang bumuhos ang ulan kaya agad kaming tumakbo patungo dun sa malaking punungkahoy para naman may masisilungan kami kahit papaano.
Naghintay kami saglit kung titigil ba ang ulan pero hindi parin ito tumitigil kaya tiningnan ko ng masama si Vernon.
"Ikaw kasi eh! Dapat sa loob nalang tayo nag usap! Malayo pa naman dito mula dun sa lounge!"
Sabi ko sa kanya habang naiinis pero tinawanan lang niya ako.
"Sorry na! Hindi ko naman kasi alam na uulan pala. Atsaka, okay lang naman sa akin na umulan kasi gustong gusto ko naman ang ulan....."
Inirapan ko lang siya. Bakit ba gustong gusto niya talaga ang ulan? Ano bang meron sa ulan?
"By the way, alam mo ba kung bakit ko gustong gusto ang ulan?" Tanong niya.
Napatingin ulit ako sa kanya at kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
Tanong ko at nginitian lang niya ako. Akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko pero hindi. Bigla bigla nalang niyang inilapat ang labi niya sa akin kaya lumaki ang mga mata ko. Bakit niya ginawa yun?! Ninakaw niya ang first kiss ko!! Punyeta siya!!!
Itinulak ko siya ng mahina pero hindi parin niya ako binibitawan kaya hinayaan ko nalang din siya sa ginagawa niya. Maya maya ay binitawan na niya ako kaya napahinga na ako ng maluwag.
Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin pero gulat na gulat parin ako sa ginawa niya. Syempre natural lang na magugulat talaga ako. First kiss ko kaya yun.
"I love rain because it reminds me of you, Rhaine....."
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...