✿ CHAPTER 49 ✿

21 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga na pero hindi pa ako nakakatulog.

Iniisip ko pa yung mga nangyari kanina. Hindi naniniwala sa akin si mama at papa sa sinabi ko na nandito si Hans kanina. Imposible daw kasing makalabas siya kasi nga hindi naman nagalaw yung kadena na nasa bintana.

Ganun naman talaga sila palagi. Hindi nila ako pinaniniwalaan.

Maya maya ay biglang may kumalabog dun sa labas bintana kaya nagulat ako. Napaupo ako sa hinihigaan ko at mas nagulat pa ako nang bigla nalang itong bumukas.

Nakita ko si Hans na parang galit na galit kaya kinabahan na ako. Alam na ba niyang sinubong ko siya sa parents ko kaya siya galit?

Tumalon siya papasok sa kwarto ko at ngumisi siya habang nakatingin lang sa akin.

"Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit mo ako isinumbong sa mga magulang mo?"

Natural talaga na magsusumbong ako! Niloloko lang niya ako!

"Eh ikaw? Bakit ka nagpapanggap na pinsan ng bestfriend ko kung hindi naman pala? Atsaka, anong ginagawa mo diyan sa bahay ni Vernon? May masama ka bang binabalak? HA?!"

Napangisi lang naman siya ulit at mas lumapit pa siya sa akin kaya napaatras ako. Napatingin ako sa bulsa niya at napalunok ako nang nakita kong may dala dala pala siyang maliit na kutsilyo.

Bakit may dala siyang kutsilyo? Papatayin ba niya ako?

"Ginawa ko yun kasi gusto kita, Rhaine Clarkson. Gusto kong matulad ka sa akin na isang mamamatay tao para mapilitan kang sumama sa akin...."

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi parin. Agad akong umiwas ng tingin dahil kanina pa siya nakatitig sa akin.

Ano? Gusto niya ako? Kaya niya ako kinumbinsi na pumatay ng tao para matulad ako sa kanya? Seryoso ba siya?

"Kaya ngayon, kapag sasabihan mo ang mga magulang mo o kahit na sino tungkol sa akin, sasabihin ko rin sa mga pulis na ikaw ang pumatay sa professor natin. At alam mo na ang susunod na mangyayari, makukulong ka...."

Sabi niya at tumawa siya ng malakas. Napayuko ako at napaiyak ako. Ayokong makulong. Papagalitan ako ni mama at papa kapag nangyayari yun.

Napatingin ulit ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko inaakalang magagawa pala niya to. Tinrato ko siya bilang tunay na kaibigan, tapos ito lang pala ang igaganti niya sa akin?

"Oh? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

Tanong niya habang nakangisi pero inirapan ko lang siya. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko at napansin kong nakalock ito kaya napairap ulit ako. Paano ako makakalabas dito?

"Saan ka nakatingin? Sa pintuan? Nilock ko yan kanina mula sa labas. Alam ko na ang pasikot sikot dito sa bahay niyo kaya kahit na kailan ay pwede akong makapasok dito kahit na kailan kung gugustuhin ko....."

Sabi niya habang nakangisi pero hindi ko parin siya tinitingnan. Galit na galit ako sa kanya, niloko niya ako. Akala ko totoong kaibigan ko siya, pero hindi. May pinaplano lang pala siyang masama sa akin.

"Niloko mo lang ako. Akala ko totoong kaibigan talaga kita!"

Sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako at kinuha niya ang kutsilyo sa bulsa niya kaya napaatras ulit ako. Anong gagawin niya? Papatayin ba niya ako?

Nginisihan ulit niya ako at dahan dahan niya akong tinutukan ng kutsilyo na hawak niya. Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero agad niyang tinakpan ang bibig ko kaya hindi ko yun magawa.

"Rhaine, makinig ka nang mabuti. kapag sasama ka sa akin, hindi ko isusumbong sa mga pulis na mamamatay tao ka katulad ko. Pero kung hihindian mo ako, ilalabas ko ang totoong baho mo at ipapagkulong kita. Mamili ka...."

Sabi niya at binitawan na niya ang bibig ko para pasagutin ako. Pero sa halip na sumagot ako ay sumigaw ako ng malakas para humingi ng tulong.

"MA!!! PA!!! TULONG!!!"

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon