✿ CHAPTER 38 ✿

27 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nang nakauwi na kami sa probinsya namin ay napahinga ako ng maluwag. Sa wakas naman, kanina pa kasi nanginginig ang katawan ko dahil sa takot. Palagi talagang tumatatak sa isip ko na kahit na anong oras ay pwedeng may pulis na dumakip sa amin.

"Ihahatid muna kita sa bahay niyo para safe ka. Sayo narin yang hoodie ko, labhan mo nalang...."

Lumingon ako kay Hans at tinanguan ko siya. Oo nga pala, nakalimutan kong magpasalamat sa kanya. Kung hindi siya dumating kanina, baka kung ano na ang nangyari sa akin.

"Thank you nga pala sa pagligtas sa akin kanina...."

Nakangiti kong sabi sa kanya at tinanguan lang din naman niya ako habang nakangiti.

"Okay lang yun. Basta para sayo...."

Napangiti ulit ako at nang nakarating na ako sa bahay namin ay binuksan ko ang gate at umalis na rin si Hans. Papasok na sana ako sa bahay namin at nagulat ako nang nakita kong inaabangan na pala ako ni mama at papa.

"Ma.... Pa...." Sabi ko.

"Saan ka nanggaling ha? Bakit ang tagal mo?"

Nag isip ako ng kung anong pwedeng palusot pero nagtaka ako nang bigla akong nilapitan ni mama at tiningnan niya ang tuhod ko na may dugo. Dahil siguro to dun sa pagkakatumba ng bike ko.

"Anong nangyari sa tuhod mo? Bakit ba kasi hindi ka nag iingat ha? Ikaw talagang bata ka!"

Sabi ni mama at agad niya akong pinapasok sa sala ng bahay namin. Inalalayan naman ako ni papa at pinaupo niya ako sa sofa habang kumukuha pa ng mga gamot si mama.

"Rhaine anak, sa susunod mag ingat ka. Pinag alala mo kami eh. Dapat kanina ka pang mga alas nuwebe umuwi pero alas tres na sa hapon oh!"

Dumating na si mama mula sa kusina habang dala dala yung mga gamot at bulak na kinuha niya. Agad niya akong nilapitan para gamutin ang sugat ko.

"Sorry po pa, natumba po kasi ako sa bisikleta kaya nasugatan tong tuhod ko. At dahil narin dun kaya matagal po akong nakarating sa bayan kasi hindi na po ako gaanong nakakapadyak dahil sa sakit ng tuhod ko...."

Pagpapalusot ko pa para hindi nila malaman ang totoong nangyari. Tumango tango lang rin naman si papa at maya maya ay napansin niya ang suot kong hoodie at kumunot ang noo niya.

"Kanino yang hoodie na suot mo? Parang panlalake yan ah!" Tanong ni papa na parang gulat na gulat.

"Pa, kay Hans po to. Pinsan po siya ni Vernon at diyan lang siya nakatira sa tabi ng bahay natin kaya wala po kayong dapat na ipag alala..."

Pagpapaliwanag ko pa pero parang hindi naman naniniwala si papa.

"Eh bakit nasa sayo yan?"

Naalala ko yung nangyari kanina at nakaramdam na naman ako ng kaba. Hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isip ko kung paano pinagsasaksak ni Hans sina Adrian at Kenneth sa harapan ko.

Hindi ko pinahalata kay papa ang kaba ko at nginitian ko nalang siya na para bang wala akong iniisip.

"Magkasama po kasi kaming nagpa enroll. Giniginaw po kasi ako habang papunta dun kaya binigay niya to sa akin...."

Tumango tango lang naman siya kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at mukhang naniniwala siya sa sinabi ko.

"Iha, hubadin mo yang hoodie na suot mo para labhan natin. Mukhang marumi kasi oh..."

Sabi ni mama at siya na sana mismo ang maghuhubad nito sa akin pero agad akong tumayo para hindi niya magawa yun. Kapag huhubarin ko to sa harapan nila, makikita niya ang damit ko na puno ng dugo.

Nagtaka sila ni mama at papa sa ginawa ko pero nginitian ko nalang sila.

"Ako nalang po ang maglalaba. Sa CR ng kwarto ko nalang po to lalabhan...."

Sabi ko at tinanguan lang din naman ako ni mama. Agad akong umakyat sa hagdan at pumasok na ako sa kwarto ko.

Hinubad ko ang hoodie na suot ko at tiningnan ko sa salamin ang damit ko na puno ng dugo.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon