✿ CHAPTER 54 ✿

18 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Anak!"

"Iwan niyo na ako! Wag niyo na akong kausapin! Kalimutan niyo nang may anak kayong kriminal!"

Sigaw ko habang hindi ko parin sila hinaharap.

"Anak hindi ka kriminal..."

Bahagya akong natawa dahil sa narinig ko. Kung hindi ako kriminal, eh ano ako? Tsk.

Hindi ko ulit sila pinansin at nakaharap parin ako sa pader. Maya maya ay napansin kong tumahimik ang paligid kaya napalingon ako kung nasan si mama at papa. Napag alaman kong wala na pala sila dun kaya napayuko ako.

Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko at humarap nalang ulit ako sa pader.

.
.
.
.
.
.
.

"Hoy hindi ka pa ba matutulog diyan?"

Narinig ko yun mula sa labas ng selda kaya napalingon ako dun. Napag alaman kong yung pulis palang dumakip sa akin kanina ang nagtanong nun pero hindi ko siya pinansin. Umiling iling lang ako bilang sagot at ibinalik ko ang paningin ko sa pader.

Gabing gabi na kasi ngayon kaya tulog na ang lahat, maliban sa akin. Hindi ako makatulog dahil marami pang bumabagabag sa isip ko. At dahil narin hindi ako komportable dito sa loob ng selda, walang ni- isang bagay ang nandito kundi karton.

Iniisip ko rin kung kamusta na ba sina mama at papa, pati narin si VAL. Ano kayang iisipin niya kapag makikita niya ang bestfriend niya na nakakulong dahil nakapatay ito ng tao? Sigurado akong ayaw na niya sa akin kapag nangyari yun.

Maya maya ay narinig kong may mga yapak sa likod ko kaya nagtaka ako. Pano nangyari yun? Eh ako lang naman ang mag isang nandito sa selda nato.

Dahan dahan akong lumingon para tingnan ko ito. Napansin ko na may tao sa likod ko kaya nagtaka ulit ako. Tiningan ko siya ng maigi at inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha niya at nagulat ako.

Hans? Paano siay nakapasok dito? Bakit siya nandito? Anong gagawin niya?

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at napaatras ako pero bumangga ang likod ko sa semento. Dahil sa takot at kaba ko ay tatakbo na sana ako palayo pero hindi ko yun magawa. Napatingin ako sa paligid kung saan ako pwedeng makalabas pero wala naman akong makita. Wala na akong kawala sa kanya.

"Kamusta, Rhaine?"

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi kaya kinakabahan na talaga ako.

"Sinabi ko naman sayo, hindi ka makakawala sa akin. Dahil palagi akong nasa isip mo. Kaya hindi mo ako basta basta mapapaalis...."

Sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa paligid para makita kung may pwede ba akong daanan pero wala talaga kaya napaiyak ako.

Ayoko dito! Gusto kong lumabas! Baka kung anong gawin sa akin ni Hans!!!

Natawa lang naman siya at unti unti siyang humakbang patungo sa akin kaya agad akong lumayo mula sa kanya.

"Tigilan mo na ako!!! Ayoko sayo!!! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito!!!"

Sigaw ko kaya nagising ang lahat ng mga natutulog sa tabi ng selda ko. Nagtaka silang lahat habang nakatingin sa akin.

"Hoy babae! Bakit ka ba sigaw ng sigaw ha? Inaano ka ba diyan?"

Tanong nung isang preso sa kabilang selda pero hindi ko siya napansin nang nakita kong humugot ng kutsilyo si Hans mula sa bulsa niya. Anong gagawin niya? Papatayin na ba niya ako?

Agad akong sumigaw ng malakas para magising yung mga pulis at para paalisin na sila si Hans. Nabulabog na naman yung mga preso sa kabilang selda at agad akong nilapitan ng mga pulis.

"Anong nangyayari? Bakit may sumisigaw?"

Malakas na tanong nung pulis kaya agad akong lumapit sa rehas para makita niya ako.

"Tulong!!! May tao sa loob ng selda ko!!! Papatayin niya ako!!! Palabasin niyo siya!!!"

Sigaw ko kaya agad naman tiningnan ng pulis ang paligid ng selda ko at kumunot ang noo niya.

Bakit ganyan ang reaksyon niya? Bakit wala siyang ginagawa? Papatayin na ako ni Hans!!!

"Sinong sinasabi mong ibang tao sa loob ng selda mo? Wala naman eh! Panira ka ng tulog! Kung umaarte ka lang para makatakas ka galingan mo naman!!!"

Sabi nito at iniwan na niya ako. Anong walang tao eh nandito nga si Hans! Bakit hindi siya naniniwala sa akin?

Lumingon ako para matingnan kung nandito pa ba si Hans pero wala na siya kaya napahinga ako ng maluwag.

Pero, paano at saan siya nakalabas?

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon