[Rhaine's POV]
Nandito na ako ngayon sa loob ng taxi, patungo na sa baryo namin. Medyo mabigat talaga ang loob ko ngayon kasi hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin pagdating ko dun.
Mag iisang linggo narin simula nung tinawagan ako ni VAL at pinakiusapan niya ako na umuwi na. Dinalaw din ako ni mama at papa kanina para malaman nila kung ayos lang ba ako. Kaso umuwi na sila kanina kasi kailangan pa raw nilang maglinis ng bahay para maayos na raw ang lahat pagdating ko.
Medyo matagal na akong nakaupo dito kaya tiningnan ko ang orasan ko para malaman kung ilang oras na ba akong nakaupo. Nalaman kong mga tatlong oras pa pala kaya huminga nalang ako ng malalim at tumingin ulit ako sa labas ng bintana.
Malayo kasi talaga sa Maynila ang baryo namin kaya matagal talaga ang byahe. Lalo na kapag traffic, aabot yun ng lima hanggang pitong oras.
Tumingin ulit ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ko ang dinadaanan namin. Nag antay ako ng ilang oras at maya maya ay medyo nakikilala ko na ang daan kaya naghanda na ako.
Naisip ko na dapat kaaya aya ang hitsura ko pagdating ko dun kaya kinuha ko ang mga make up ko na nasa bag at inayos ko ang pagmumukha ko. Nagsuklay na rin ako ng buhok para naman presentable akong tingnan.
Pagkatapos kong ayusin ang mukha ko ay wala na akong ibang magawa, kaya tumingin nalang ulit ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ko ulit ang paligid.
Pamilyar na para sa akin ang dinadaanan namin kaya alam kong malapit na kami sa baryo namin. Umalis ako dito ilang buwan na ang nakalipas para mag aral sa Maynila. At para matakasan ang kadiliman ng nakaraan ko.
Sa loob ng ilang buwan na yun ay marami narin pala ang nagbago dito kaya hindi na ako masyadong pamilyar sa dinadaanan ko ngayon, pero sigurado ako na nakadaan na ako dito dati.
Hindi na ako makapag antay na makauwi. Nakangiti akong nakasakay sa loob ng kotse pero nawala rin yun nang napadaan ako dito sa mabatong bahagi ng baryo namin, kung saan ako unang nakapatay ng tao. Tumingin ulit ako sa bintana at nakita ko mula sa malayo yung maliit na bahay kung saan ko pinatay sina Adrian at Kenneth.
Nanumbalik ang lahat ng nakaraan ko kaya medyo nalungkot na naman ako. Pero pinigilan ko yun at inalis ko ang paningin ko dun. Napatingin ako sa kabilang bahagi ng dinadaanan ko at napansin ko na marami na palang nagtayo ng mga maliliit na kabahayan dito kaya napangiti ako. Mabuti naman at may nakaisip nang magpatayo ng bahay dito. Dati kasi puro lang palayan ang nandun.
Napangiti ulit ako at inayos ko na ang pagkakaupo ko. Maya maya ay narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko. Nalaman kong si VAL pala ito kaya mas lalo pa akong napangiti.
(VAL, asan ka na? Dalian mo nga! Miss na miss na kita eh!)
Natawa ako dahil sa text niya. Hindi ba talaga siya makapag antay? Tong lalaking to talaga.
(Maghintay ka. Malapit na ako)
.
.
.
.
.
.Hindi nag tagal ay nakarating na dito ako sa paroroonan ko. Mula dito sa loob ng taxi ay kitang kita ko ang pamilya ko at ang mga kapitbahay ko na nakangiti sa akin kaya nagtaka ako at natuwa din. Bakit nila ako nginingitian? Hindi na ba sila galit sa akin?
Binayaran ko na si manong driver saka lumabas.
"Welcome home, VAL!! Sobra kitang na- miss!!"
Napatigil ako at napangiti ulit ako nang narinig ko ang boses na yun saka ako lumingon sa likod ko. Nakita ko ang lalaking mahal ko, si VAL.
_______________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Roman pour AdolescentsLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...