✿ CHAPTER 24 ✿

21 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Rhaine anak! Gumising ka na! Tanghali na oh!"

Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni mama mula sa baba. Agad akong bumangon sa kama ko at inayos ko ang hinihigaan ko saka ako pumunta sa CR.

Naligo ako at nagbihis. Inayos ko ang buhok ko pati narin ang mukha ko saka ako bumaba sa dining area para mag agahan.

Nakita kong nandun na pala sila ni mama, papa, pati narin si Summer at nakisalo ako sa kanila. Umupo ako sa tabi ng pinsan ko at nginitian ko siya pero inirapan lang niya ako kaya nagtaka ako. Anong problema niya?

"So Summer, kamusta naman yung date ninyo ni Vernon? Hindi ko na yun natanong kahapon kasi napansin kong pagod na pagod talaga kayo...."

Tanong ni mama kay Summer at agad naman siyang ngumiti.

"Okay lang naman po, kumain po kami sa mamahaling restaurant at naglakad lakad kami sa gilid ng daan. Masaya na po sana, kaso nga lang may paepal...."

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya. Ako ba yung sinasabi niyang paepal?

"Couz, alam mo namang inutusan lang ako ng mommy mo na gawin yun. In fact ayaw ko nga sanang sumama sa date niyo eh. Wag mo naman akong sabihan ng paepal...."

Napalingon din naman siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay.

Bakit ba ganito ang pag uugali niya ngayon? Hindi naman siya ganito dati ah!

"Wag ka nalang ngang magpakipot! Hindi bagay sayo! Alam ko namang nag eenjoy ka habang ginugulo mo ang date namin!"

Teka? Anong ginugulo? Hindi ko nama——

"Tumigil na nga kayo! Nasa harap tayo ng pagkain oh! Atsaka Rhaine! Bakit ka nga ba kasi sumama sa date nila eh date nga nila yun! Dapat nga nagtatrabaho ka dun sa shop natin hindi yang nanggugulo ka sa buhay ng iba!"

Napatingin ako kay papa at napairap ako. Eh inutusan lang nga ako!

"Papa, inutusan po kasi ako ni tita kaya syempre susunod ako!" Pasigaw na sabi ko.

"Wag ka nalang ngang mag dahilan! Alam naman naming pinagdadamot mo lang yang kaibigan mo!" Sigaw ni papa kaya napatigil ako.

Ah, so mas naniniwala pa siya sa pinsan ko kaya sa akin na anak niya? Aba magaling!

Napairap ako at napatingin ako kay Summer. Lumingon din naman siya sa akin at nginisihan niya ako kaya tumayo nalang ako sa kinauupuan ko para hindi ako makapanakit ng tao.

Aakyat na sana ako sa hagdan patungo sa kwarto ko pero bigla akong sinigawan ng papa ko kaya napatigil ako.

"Rhaine! Bumalik ka dito! Kinakausap pa kita!"

Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan akong umakyat sa kwarto ko. Kaurat siya, sa halip na ako ang kakampihan niya dahil anak niya ako ay yung pinsan ko ang kinampihan niya.

Nang nasa kwarto na ako ay umupo ako sa kama ko at napaiyak ako. Bakit ganun ako tratuhin ng pinsan ko? Hindi naman siya ganun dati ah. Close na close pa nga kami nung mga panahon na hindi pa niya nakilala si Vernon.

Maya maya ay napansin kong nakabukas pala ang bintana ng kwarto ko kaya napatingin ako dun. Nakita ko si Vernon sa kabilang bintana na nakatingin sa akin na parang nag aalala pero hindi ko siya pinansin.

"Bes, may problema ka ba? Bakit ka umiiyak?"

Mahinahon niyang tanong sa akin pero hindi ko siya pinansin. Siya ang may kasalanan ng lahat ng to eh!

"Bes, sagutin mo naman ako...."

Agad akong tumayo at isinarado ko ang bintana. Nilock ko pa ito para hindi talaga siya makapasok.

Maya maya ay narinig kong may kumalabog dun sa labas ng bintana kaya naisip ko na tumalon na naman siya sa bubong namin pero hindi ko lang yun pinansin.

"Bes! Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali?"

Narinig kong may kumakatok sa bintana ko pero hindi ko nalang yun pinansin. Humiga ulit ako sa kama ko at nagtabon ako ng kumot sa buong katawan ko.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon