✿ CHAPTER 57 ✿

17 1 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Umupo ka muna, may gusto akong pag usapan tungkol dun sa Hans na nagpapanggap na pinsan ko...."

Sabi niya kaya tinanguan ko siya. Umupo ako dun sa kinauupuan ko kanina at siya naman dun sa harapan ko.

"VAL, tinanong ko sa parents ko kanina kung meron nga bang Hans na nag stay sa bahay namin at sa kwarto ko...."

Napatango lang naman ako sa sinabi niya.

"Oh, tapos?"

Tanong ko at napansin ko na parang nag aalinlangan siya sa pagsagot kaya nagtaka ako.

"Ang sabi ni mom at dad, wala daw. Walang nagstay sa bahay namin na Hans ang pangalan at mas lalong wala silang pamangkin na ganun ang pangalan....."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano nangyari yun?

"Teka, pero sabi ni Hans dun siya nakatira sa bahay niyo! Dun pa nga siya dumadaan sa kwarto mo para makapunta sa kwarto ko eh! Sabi pa nga niya nung first time naming magkakilala nililinisan daw niya ang kwarto mo kasi sobrang dumi daw!"

Pasigaw na sagot ko at agad naman akong pinakalma ni Vernon.

"VAL, may idea ako tungkol dito. Yun ay ang nagsisinungaling talaga siya....."

Pinilit ko ang sarili ko na kumalma at tinanguan ko siya. Baka nga nagsisinungaling lang talaga siya.

"O di naman kaya ay may sakit ka sa utak at naghahalucinate ka lang...."

Anong——

So tingin niya sa akin baliw ganun? Kaibigan ko ba talaga siya?

"VAL so baliw ako sa paningin mo? Ganun ba? Sigurado akong totoo si Hans at hindi lang siya basta hallucination ko! Totoo siya!"

Sigaw ko ulit at pinakalma na naman niya ako.

"Hindi naman sa ganun VAL. Hinanap ko kasi siya sa kasulok sulukan ng lugar nato dahil alam kong siya ang nagtulak sayo na pumatay ng tao pero wala akong Hans na nakita. Hindi ako naniniwalang ginawa mo yun ng ikaw lang kaya naisip ko na si Hans ang dahilan kung bakit mo pinatay sina Adrian, Kenneth, at si Mr. Guevarra..."

Teka, anong ako ang pumatay kina Adrian at Kenneth? Si Mr. Guevarra lang ang pinatay ko? Hindi ako ang gumawa nung kay Adrian at Kenneth! Si Hans!

"Hindi ako ang pumatay kina Adrian at Kenneth! Oo si Mr. Guevarra ako ang pumatay sa kanya pero sa kanilang dalawa hindi! Si Hans ang gumawa nun!"

Pasigaw na sagot ko at tumango tango lang naman siya na parang may iniisip.

"VAL... Kaninang umaga pumunta ako sa presinto at chineck ko yung mga ebidensya ng mga pulis na nagpapatunay na ikaw talaga ang pumatay kina Adrian at Kenneth. Pinanood ko yung CCTV footage at nakita kong ikaw lang mag isa ang nandun. Wala kang kasama na kahit na sino...."

Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Paano nangyari yun?

Imposibleng mangyari yun! Si Hans ang sumaksak sa kanilang dalawa at kitang kita yun sa dalawang mata ko!

"Sorry sa sasabihin ko VAL, pero I think kailangan mo na ng Psychiatrist...."

Napatingin ulit ako kay Vernon at tiningnan ko siya ng masama. So iniisip niya talagang nababaliw na ako, ganun?

"Hindi ko kailangan nun. Hindi ako baliw! Baka may nag edit lang talaga nung CCTV footage kaya nawala si Hans dun!"

Sabi ko kaya tumango tango siya. Mabuti naman at mukhang naniniwala na siya.

"Baka nga. Pero VAL, sa oras na magpapakita ulit yung Hans sayo tawagan mo agad ako. Bibigwasan ko talaga yung lalaking yun...."

Nanggigigil na sabi niya at tinanguan ko naman siya.

"By the way, okay ka lang ba dito?"

Napatingin ulit ako sa kanya at tinanguan ko lang naman siya bilang sagot.

"Syanga pala VAL, may sasabihin din sana ako sayo..."

Sabi niya kaya nagtaka ako. Ano yung sasabihin niya?

"Ano?"

Napangiti siya at may kinuha siya sa bulsa niya kaya tiningnan ko naman yun ng maigi. Ilalabas na sana niya yung bagay na yun sa bulsa niya pero napatigil siya at nawala ang ngiti niya kaya nagtaka na naman ako. Ano ba yun at parang kabado siya?

Hindi nalang niya nilabas ang bagay na yun at hinarap nalang ulit niya ako habang nakangiti.

"Pero saka ko nalang siguro sasabihin yun. Wrong timing kasi kapag ngayon ko sasabihin..."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon