[Rhaine's POV]
"Miss Clarkson, may bisita ka..."
Napatigil ako sa pag iyak nang bumukas ang pintuan. Bisita? Na naman? Baka sasaktan lang ulit ako ng bisita ko ngayon!
Umiling iling lang naman ako bilang sagot. Tumango tango lang din naman yung doktor at isasarado na sana niya ulit ang pintuan pero nagulat ako nang biglang may humarang dito.
Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko si VAL na nakangiti. Nandito siya?
"Sir, bawal po kayo dit——"
"Wala akong pake. Ilang beses na akong nakapuslit dito dati tapos hanggang ngayon pinagbabawalan niyo parin ako?"
Natawa ako dahil sa sinabi ni VAL sa doktor. Ganyan talaga siya sa tuwing binibisita niya ako, dumideretso talaga siya dito sa kwarto ko. Ewan ko ba sa kanya.
"Security! Pababain niyo nga tong batang to. Dapat nasa lounge lang to...."
Sigaw nung doktor dun sa mga security na nagbabantay at agad naman silang sumunod. Nginitian lang naman ako ni VAL kaya napangiti narin ako..
"VAL, sa lounge nalang tayo mag uusap ah?"
Tinanguan ko lang naman siya bilang sagot at maya maya ay nagulat siya nang bigla bigla nalang siyang hinila nung dalawang security guard. Kinaladkad pa siya nito palayo sa kwarto ko kaya natawa na naman ako. Ayan, tigas kasi ng ulo. Sinabi nang bawal siya dito eh.
"Ano ba! Bitawan niyo nga ako! Bababa naman ako ng maayos eh! Hindi niyo na ako kailangang ikaladkad!"
Sigaw niya kaya binitawan naman siya kaagad nung dalawang security guard. Maya maya ay pinababa narin ako nung doktor kaya sumunod naman ako kaagad.
Habang pababa ako sa hagdan at tinitingnan ko ang paligid kung nandito pa ba yung nanakit sa akin kanina pero hindi ko na siya nakita kaya napahinga ako ng maluwag.
Nakita ko si VAL na nakangiti lang habang nakaupo dun sa isang upuan. Nilapitan ko siya at umupo ako sa harapan ng inuupuan niya.
"VAL, sorry kung ngayon lang kita nadalaw ulit ah. May exam kasi kami last week kaya naman todo review ako....."
Tumango lang naman ako sa kanya bilang sagot. Yun pala ang dahilan.
"By the way VAL, pinagluto kita ng pinakbet at binilhan narin kita ng steak mula diyan sa restaurant sa labas...."
Nagulat ako sa sinabi niya. Pinagluto niya ako ng pinakbet? Paano niya ginawa yun eh hindi naman siya marunong magluto?
Nakatingin lang ako sa kanya habang masayang masaya siya sa paghahanda ng mga dala dala niyang pagkain. Tiningnan ko yung niluto niyang pinakbet at tiningnan ko ito ng maigi. Mukhang okay naman yung hitsura ng niluto niya, ipagdasal nalang natin na okay din yung lasa.
"Tikman mo VAL! Pinaghirapan ko yang lutuin!"
Sabi niya kaya sumunod nalang din ako at kumuha ako ng kutsara. Kumuha ako ng kaunti mula dito at tinikman ko ito. Mukhang maayos naman. Medyo nasobrahan nga lang sa asin.
Tumingin ako sa kanya habang nakangiti pero nagtaka ko nang nakita ko siyang seryosong seryoso habang nakatingin sa akin. May problema ba?
"VAL, okay ka lang?"
Hindi siya sumagot at hinawakan niya ang mukha ko. May tiningnan siya sa pisngi ko at maya maya ay napansin kong napairap siya kaya nagtaka ako.
"VAL, bakit may mga pasa at sugat ka sa pisngi mo? Sinong gumawa niyan?! Bubugbugin ko!!"
Sabi niya na halatang galit na galit. Naalala ko yung nangyari kanina at napayuko ako.
"Pinuntahan kasi ako dito nung mga kamag anak ni Mr. Guevarra at sinaktan ako nung isang kasama nila. Pero okay la——"
Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at tiningnan niya ang buong paligid.
"Nasan na ba yung mga taong yun?! Anong karapatan nilang saktan ka ha?! Ilalampaso ko talaga ang mga mukha nun!!!"
Agad ko siyang hinila paupo at pinakalma ko siya bago pa siya sumabog sa galit. Ayoko kasing magkagulo pa.
"Umalis na sila kanina pa. Wag ka na ring mag alala. Hindi naman masyadong masakit eh...."
Napatingin ulit siya sa akin at huminga siya ng maluwag.
"Sige. Sabi mo yan ah. Basta kapag lalala yang sugat mo, hindi ko alam kung anong magagawa ko dun sa mga taong yun...."
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...