[Rhaine's POV]
Ano? Break na agad sila?
"Break na kayo? Agad agad? Eh diba nga ilang araw pa nga simula nung naging kayo?"
Sabi ko at tinanguan lang naman niya ako. Napatingin ulit ako dun sa pintuan para tingnan kung nandun pa ba ang pinsan ko pero wala na siya dun kaya nagtaka ako. Nasan na ba yun?
Tiningnan ko ang paligid para tingnan kung nandito pa ba siya pero wala na talaga. Umupo nalang ako sa upuan at napatingin ako sa bestfriend ko.
Tama nga ang hinala ko, lolokohin lang din pala niya ang pinsan ko katulad sa ginawa niya sa mga nakaraang girlfriend niya.
"So, niloko mo lang pala ang pinsan ko. Tama?"
Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Agad siyang umiling iling para tanggihan ang sinabi ko kaya natawa ako. Dinedeny pa talaga niya eh yun nga naman talaga ang ginawa niya. Tsk.
"Hindi ko siya niloko. Kaya ko siya hiniwalayan kasi nagsawa na ako sa kanya. Masyado siyang possesive at selosa. Ayoko sa mga babaeng ganun...."
Napairap na naman ako. Ganyan ba talaga ang tingin niya sa aming mga babae? Parang isang laruan na kung pagsasawaan ay itatapon nalang basta basta?
Napailing iling ako nang naisip ko yun. Wala talaga siyang modo na pagka lalaki. Oo bestfriend ko siya, pero yun ang totoo.
"Eh pano naman siya hindi magseselos eh babaero ka naman talaga...."
Napatingin ulit siya sa akin at inirapan niya ako. Aba at——
"Maam, sir, here's your order. Enjoy your meal...."
Biglang dumating yung waiter kaya tumahimik nalang kami. Inihapag nung waiter ang mga inorder namin sa lamesa at umalis na ito.
Nang nakaalis na yung waiter ay napatingin ulit ako kay Vernon at tiningnan ko siya ng masama. Kahit kailan talaga yang lalaking yan. Ilang beses na siyang nakarma dahil diyan sa pambababae at pagiging manloloko niya pero hindi parin siya natututo.
"Oh, bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? Kaya nga kita niyaya ng dinner pala magkaayos na tayo VAL eh. Ayokong umalis ng bansa habang may away pa tayong hindi pa natin nareresolba....."
Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako. Pasalamat siya at favorite ko tong inorder niya kundi baka kanina ko pa siya iniwan dito sa restaurant.
"Kaya ko din naman hiniwalayan si Summer kasi hindi ko talaga siya gusto. Iba talaga ang gusto ko. Bored lang naman talaga ako nung mga panahon na niligawan ko siya at naging kami...."
Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin ulit ako sa kanya.
Niligawan niya ang pinsan ko dahil lang sa bored siya? Anong klaseng lalaki siya? Oo bestfriend ko siya pero ang nararamdam ng pinsan ko yung pinag uusapan namin dito!
"Ahh... So dahil lang sa bored ka kaya mo niligawan ang pinsan ko kahit na hindi mo naman talaga siya gusto. At ngayong hindi ka na bored hiniwalayan mo na siya kasi hindi mo na siya kailangan. Anong klaseng lalaki ka at pano mo yun nagawa sa pinsan ko ha?!"
Malakas na sabi ko sa kanya pero inirapan lang naman niya ako at hindi niya ako pinansin. Tong lalaking to. Wala talaga siyang pake sa nararamdaman ng ibang tao.
"As I said, may iba nga akong gusto at hindi siya. Kaya syempre hihiwalayan ko siya...." Sabi niya kaya napangisi ako.
"Edi ganun parin yun! Niligawan mo yung pinsan ko para lang mag pagkakaabalahan ka kahit na iba naman talaga ang gusto mo. Anong pinagkaiba nun sa panloloko?"
Hindi ulit niya ako pinansin at napayuko siya. Ayan, mabuti naman at mukhang nagising na siya sa sinabi ko.
"Hindi ka manlang ba magtatanong kung sino talaga yung babaeng gusto ko?"
Seryoso niyang tanong sa akin pero natawa lang naman ako.
"Bakit ko naman yun itatanong? Para saan pa? Eh lolokohin mo lang din naman siya kapag nagsawa ka na sa kanya diba?"
Sabi ko kaya natahimik siya. Ayan, manloloko kasi. Kung sino man yung babaeng gusto niya, sobrang malas talaga niya kapag naging sila.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...