[Rhaine's POV]
"Guys! Patay na daw si prof! Pinatay daw siya kahapon pagkatapos ng classes!!!"
"ANO??!!"
Napatayo ang lahat ng mga classmates namin dahil sa gulat maliban sa amin ni Hans. Natural, hindi na kami magugulat dahil alam na namin yun kahapon pa. At dahil ako talaga ang pumatay sa kanya.
"Seryoso?! So ibig sabihin wala tayong classes today?! YAY!!!"
"Magtigil ka nga! Namatay na nga yung professor natin tapos nagcecelebrate ka pa diyan?! Sige ka baka multuhin tayo nun!!!"
Sabi nung mga classmates namin pero nagsusulat parin ako dito na parang walang pake. Napatingin si Hans sa akin at kinindatan niya ako.
"Inayos ko na kanina yung crime scene para hindi ka mabisto ng mga pulis. Ang kailangan nalang nating gawin ngayon ay ang magpanggap na nagulat at nalulungkot dahil sa pagkamatay ng professor natin...."
Bulong niya sa akin at tinanguan ko lang naman siya sabay ngita.
Nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko, pero wala na akong magagawa eh. Nagawa ko na yun at lumipas na yun kaya hindi ko na yun mababago.
Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay magpanggap na inosente para maisip ng lahat na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng professor namin.
"Ms. Clarkson hindi ka ba nalulungkot? O masaya ka pa dahil hindi ka na magawang ibagsak ni prof sa semester nato?"
Tanong nung isang classmate ko pero hindi ko lang siya pinansin. Agad naman akong nilapitan ni Hans at may ibinulong siya sa tenga ko kaya nakinig naman ako ng mabuti.
"Magpanggap kang nalulungkot. Dahil kapag mahahalata nilang wala kang pake tungkol sa pagkamatay ni prof baka isipin nila na may kinalaman ka dun...."
Bulong niya kaya napaisip ako. Oo nga. Tama siya.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at yumuko ako para maisip nilang nalulungkot talaga ako sa nangyari kay prof.
"Actually, nalulungkot ako. Sobra. Kasi before siya namatay alam kong may sama ng loob pa siya sa akin dahil sa ginawa kong pagpapakopya sa exam niya kahapon...."
Sagot ko sa kanya at nagpanggap pa ako na parang naiiyak kaya tumango tango lang din naman siya. Napayuko din siya dahil sa sinabi ko kaya naisip ko na naniniwala siya sa pagpapanggap ko.
Umupo na ako sa kinauupuan ko at nang napansin kong wala nang nakatingin sa akin ay napangisi ako ng bahagya. Napatingin ako kay Hans na nakangisi na rin.
"Ang galing mo talagang umarte..."
Natawa ako sa ibinulong niya pero hindi ko nalang din siya pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat ko.
Maya maya ay may pumasok na namang isang classmate ko sa classroom namin na parang hinihingal pa kaya nagtaka ako.
"Guys!!! Grabe pala yung nangyari kay prof!!! Pinagsasaksak siya ng labing anim na beses gamit ang tinidor!!! Grabe talaga!!! At alam niyo ba?!! Sabi daw ng mga pulis nandito lang daw sa campus ang gumawa nun!!! Kaya dapat talaga tayong mag ingat!!!"
Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa narinig ko at napatingin ako sa nagsabi nun. Sobrang nagulat ang mga kaklase namin at napatingin sila sa isa't isa habang kinabahan na. Bakit nalaman ng mga pulis na nandito lang sa campus nato ang gumawa nun?
Napatingin ako kay Hans at tiningnan ko siya ng masama. Akala ko ba inayos na niya yung ginawa ko kahapon? Bakit may impormasyon paring nakuha ang mga pulis tungkol dun?
"Atsaka eto pa guys!!! Nalaman ng mga pulis na yung pumatay kay prof ay siya rin ang pumatay kina Adrian at Kenneth!!! Yung mga kasama sa Blue Hawk Football Team!!! Yung dalawang pinagsasaksak din a month ago!!!"
Mas lalo pa akong kinabahan sa narinig ko at napahawak ako ng mahigpit sa ballpen na hawak ko. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mahuli ng mga pulis. Ayokong makulong.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Novela JuvenilLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...