✿ CHAPTER 44 ✿

21 3 0
                                    

[Vernon's POV]

"Tita, pwede po bang manghiram ako ng cellphone? May tatawagan lang po ako...."

Sabi ko kay tita at nginitian din naman niya ako. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa cabinet at binigay niya ito sa akin kaya napangiti ako.

Wala kasi akong cellphone kasi naiwala ko sa airport nung papunta pa ako dito dahil sa kapabayaan ko. Ayoko din namang magpabili kay tita kasi dagdag gastusin na naman.

"Eto oh. Basta ibalik mo kaagad ah? Maglalaro pa ako ng candy crush mamaya...."

Natawa ako sa sinabi ni tita at tinanguan ko lang naman siya. Pumunta na ako sa kwarto ko at idinial ko ang number ni VAL. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang babaeng mahal ko.

Oo, mahal ko na siya. Hindi ko alam kung kailan to nagsimula pero alam kong mahal ko na siya. Kaso nga lang, hindi ko yun magawang maamin sa kanya. Natatakot ako na ireject lang niya ako dahil alam niya kung anong klaseng lalaki ako.

Ayoko sanang umalis ng bansa kasi ayokong siyang iwan. Pero wala akong choice, walang ibang magpapa aral sa akin ng college kundi si tita lang kaya dapat talagang pumunta ako dito.

Napayuko ako nang naisip ko yun. Gustong gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na talaga siya.

Maya maya ay tumunog na ang kabilang linya mula sa cellphone kaya napangiti ako. Sinagot pala ni VAL ang tawag ko. Nung nakaraang linggo kasi hindi niya sinagot. Siguro busy siya.

"VAL! Kamusta! Okay ka lang ba diyan?!"

Nakangiti kong tanong sa kanya pero hindi naman siya sumasagot kaya kumunot ang noo ko. Okay lang ba siya? May sakit ba siya?

"VAL? Okay ka lang? Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong ko.

"O- okay lang ak—— ANO BA!!! Okay l- lang ak—— ako dito VAL....."

Pautal utal pang sagot ni VAL kaya nag alala na ako. Okay lang ba talaga siya? Parang hindi naman eh.

"Sure ka? Parang may kasama ka diyan ah....." Sabi ko.

"O- okay lang nga ako VAL. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko. At oo, may kasama ako dito, si Hans yu——"

Kumunot ang noo ko at napatayo ako dahil sa narinig ko. Sinong Hans? Bakit siya may kasamang lalake?

Tatanungin ko na sana siya kung sino ba yung Hans na kasama niya pero agad niyang pinatay ang tawag kaya hindi ko na nagawa yun.

Tinawagan ko siya ulit pero hindi na siya sumasagot kaya nag aalala na ako. Bakit hindi siya sumasagot?

Maya maya ay pumasok sa isip ko na baka boyfriend na niya yung Hans na sinasabi niya kaya bigla akong nanghina. Naisip ko rin na baka hindi na siya importante sa akin kaya niya pinutol ang tawag.

Napayuko ako at inihapag ko ang hawak hawak kong cellphone sa gilid ng inuupuan ko. Tiningnan ko ito at naghihintay ako kung tatawagan ba ako pabalik ni VAL. Pero wala.

Bakit ba kasi ako nahulog sa bestfriend ko? Bakit sa bestfriend ko pa? Sa kadami dami ng babaeng naging girlfriend ko dati bakit sa kanya pa? At sa kahaba haba ng panahong naging magkaibigan kami bakit ngayon pa?

Maiiyak na sana ako pero napatigil ako nang biglang umulan. Isa lang ang naalala ko kapag umuulan. Si Rhaine. Ang bestfriend ko.

Si Rhaine, parang ulan lang. Magandang tingnan, malinis, dalisay, pero kailanman ay hindi siya magiging akin. Pwede ko siyang hawakan, pero hindi ko siya pwedeng angkinin.

Isinarado ko nalang ang bintana ng kwarto ko at umupo ulit ako sa kama ko habang nakatulala parin.

Anyways, uuwi narin naman ako two months from now kaya makikita ko na si VAL, pati narin yung bwiset na Hans na kasama niya ngayon. Ayokong may ibang lalaking humahawak o sumasama sa bestfriend ko na siya ring mahal ko. Ang gusto ko ako lang.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon