[Rhaine's POV]
Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Aalis siya? Iiwanan na niya ako?
Napayuko ako nang naisip ko yun. Ayokong malayo sa akin ang bestfriend ko. Hindi ako sanay na hindi ko siya kasama kaya syempre malulungkot ako kapag wala na siya.
"Oh bes, hindi ka ba masaya para sa akin?"
Napatingin ako sa kanya at sumimangot na naman ako. Bakit ako sasaya? Gusto ko sanang dito nalang siya magcocollege eh. Ayokong magkalayo kami ng bestfriend ko.
Masaya naman ako para sa kanya, pero malungkot din ako at the same time.
"Syempre naman masaya ako para sayo. Kaso nalulungkot din ako eh, iiwanan mo na ako dito...."
Sabi ko pero natawa kang naman siya at ginulo pa niya ang buhok ko.
"Uuwi din naman ako dito paminsan minsan bes. Atsaka, may cellphone naman eh. Tawagan mo nalang ako kapag may problema ka. Okay ba yun?"
Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagpapagaling sa pasa na nasa mata niya habang nakasimangot parin ako.
"Bes naman. Hindi maipinta yang mukha mo oh, maging masaya ka naman para sa akin please. Sa next week pa naman ako aalis eh. Atsaka, kahit na magkakalayo na tayo, ikaw parin naman ang best bestfriend ever ko eh. Ikaw parin ang pinakacute, pinakamaganda, at pinakainosenteng bestfriend ko...."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Hindi na niya kailangang sabihin yun. Tsk.
"Basta bes ah. Palagi mo akong ikumusta. Siyanga pala, diba sabi mo may ka-MU ka? Bes, pwede mo bang sabihin kung sino yun?"
Napatingin siya sa akin na parang nagtataka. Oh? Bakit ganyan ang reaksyon niya? Nagtatanong lang naman ako ah.
"Bakit bigla kang naging interesado kung sino na naman yung babae ko ngayon? Diba dati wala ka namang pake tungkol dun?" Tanong niya.
"Wala lang. Bakit ba?"
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Parang may mali sayo ngayon bes ah. Diba dati nagagalit ka pa nga kapag may bago na naman akong babae? Eh bakit parang ang saya sayo mo pa ngayon?"
Masaya? Sinong nagsabi na masaya ako ngayon? Na- curious lang naman ako kung sino na naman ba yung bagong babaeng bibiktimahin niya ah.
"Hindi naman ako masaya. Medyo nacurious kang talaga ako...."
Tumango tango lang naman siya at maya maya ay bigla nalang siyang napangiti kaya nagtaka ako. Bakit siya napangiti? Anong iniisip niya?
Naghintay ako sa kung anong magiging sagot niya pero maya maya at napansin kong nakatulala na pala siya kaya napailing iling ako. Sigurado akong iniisip na niyan yung bagong babae niya.
"Sino bes? Kilala ko ba siya?"
Pinalo ko ang braso niya kaya nabaling ulit niya ang atensyon niya sa akin. Tiningnan niya ko ng masama kaya kumunot ang noo ko. Bakit niya ako tinitingnan ng ganyan?
"Ano?" Tanong niya kaya napairap ako.
"Ang tanong ko, sino na naman ba yang bagong babae mo ngayon?"
Tumango tango siya at nginitian niya ako. Mabuti naman ang napansin na niya ako.
"Bes, wag kang mabibigla ah..."
Mabibigla? Bakit naman ako mabibigla? May dapat ba akong ikagulat?
"O sige, hindi ako mabibigla. Sino ba yang bago mong babae ha? Sabihin mo nalang kasi kaagad para malaman ko na kung sino na naman ba yang bagong lolokohin mo..."
Nginitian niya ako at napansin kong nangingislap pa ang mga mata niya kaya nagtaka ulit ako.
"Bes, siya ang pinsan mo. Si Summer! Liligawan ko na siya ngayong gabi sa messanger. Nakakahiya kasing manligaw ng personal kaya sa internet ko nalang siya liligawan mamaya..."
Ano?! Aba punyeta!
Agad kong kinuha ang unan na nasa tabi ng inuupuan ko at inihampas ko ito sa kaya kaya nagulat siya.
Lokohin at paiyakin na niya ang lahat ng babae sa mundo, wag kang pinsan ko! Punyeta siya!
"Bes ayan ka na naman eh! Kung kanina bigla bigla ka nalang nanununtok ngayon naman bigla bigla ka nalang nanghahampas!!"
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...