✿ CHAPTER 20 ✿

29 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito kami ni Vernon at Summer ngayon sa isang restaurant, naghihintay lang sa mga order namin.

Pinasama kasi ako ni tita na nanay ni Summer para bantayan silang dalawa. Wala daw kasing tiwala ang tita ko kay Vernon. Eh pano hindi naman talaga katiwa- tiwala ang pagmumukha ng ugok na yan.

Naghaharutan silang dalawa sa harapan ko mismo pero pinabayaan ko nalang sila habang naghihintay ako sa order ko.

Naaout of place na ako dito pero wala naman akong magagawa, kung hindi ko sasamahan si Summer masesermonan naman ako ni tita. Punyeta yan.

                 

"Babe, happy daysary. It's been 24 hours since nang naging girlfriend na kita. I love you...." Sabi ni Vernon.

"Happy daysary too babe! I love you too!!" Sagot naman ni Summer.

Napairap ako dahil sa mga sinabi nila. At may pa daysary daysary pa talagang nalalaman. Tingnan nalang natin kung makakaabot pa ba kayo ng monthsary.

Pinagpatuloy nila ang paghaharutan nila habang tahimik na tahimik parin ako. Eh pano, hindi naman ako nakakarelate sa mga pinag uusapan nila. Sana pala hindi ko nalang binigay kay Vernon ang buong pangalan ng pinsan ko dati. Tsk.

Maya maya ay dumating na ang mga order namin kaya napangiti ako. Sa wakas naman! Makakakain na ako. Kanina pa ako nagugutom punyeta yan.

                  

"Here's your order, sir, maam...."

Inihapag na ang mga pagkain namin kaya napapalakpak ako dahil sa excitement. Tiningnan ko kung ano ang inorder ni Vernon para sa amin pero nagtaka ako nang nakita kong para sa dalawang tao lang ito.

Anong——

                   

"Babe, CR muna ako ah? Maghuhugas lang ako ng kamay...."

Sabi ni Summer at tinanguan naman namin siya. Nang nakaalis na siya ay tiningnan ko ng masama si Vernon. Nang napansin niya yun ay agad niya akong tiningnan na para bang nagtataka.

                

"Problema mo bes?"

Inirapan ko lang siya at napailing iling ako. Sabi kasi niya kanina siya daw yung mag oorder at manlilibre para sa amin! Eh umasa naman ako! Punyeta! Nagutom tuloy ako!

                

"Diba sabi mo kanina lilibrehan mo ako ng pagkain? Nasan na?"

Napatingin siya sa mga pagkain namin at natawa siya. Anong tinatawa tawa niya? Nagugutom na ako!

                

"Sorry bes, si Summer lang kasi ang pinrioritize kong librehan ng pagkain. Hindi kasi kasya ang pera ko. Sa susunod nalang kita ililibre bes ah? Bigyan nalang kita ng tira tira namin...."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya at medyo nagseselos na ako sa pinsan ko. Eh dati kasi ako talaga ang inuuna ng bestfriend ko. Ako talaga yung lagi niyang nililibre. Tapos ngayon iba na.

Bumalik na si Summer at umupo siya ulit sa kinauupuan niya kanina. Nagsimula na silang kumain habang wala lang akong ginagawa.

Maya maya ay napatingin ako sa mga kinakain nila at napalunok ako nang nakita kong steak pala ito. Naramdaman kong tumunog ang tiyan ko kaya napasimangot ulit ako habang nakatingin sa kinakain nila. Eh favorite ko yang steak eh!

                

"I love you so much babe. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw lang talaga ang sineryoso ko...."

Napatingin ako kay Vernon at nagulat ako. So ibig sabihin hindi din niya ako siniseryoso ganun?

Ay oo nga pala, bestfriend lang niya ako at hindi niya ako girlfriend. Teka, bakit ko ba naiisip to? Ayoko kayang maging girlfriend ng playboy na yan! Abuh!

                 

"I love you too babe..."

Sagot naman ng pinsan ko kaya napairap na naman ko. Kailan ba matatapos ang pesteng date nato?

Napatingin ulit ako kay Vernon at inirapan ko siya. Napansin naman niya yun at bahagya siyang natawa.

                   

"Gutom ka na ba talaga bes? Oh sige, sayo na to...."

Sabi niya at binigay niya sa akin yung isang bowl ng mashed potaetoes kaya tiningnan ko siya ng masama. Ayoko sa potaetoes! Gusto ko ng steak!

Palagi nalang talaga niyang inuuna si Summer! Eh pano naman ako na bestfriend niya?

Punyeta siya!

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon