✿ CHAPTER 19 ✿

25 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito kami ngayon ni Vernon sa sala, nanonood ng TV. Wala na kasi kaming ibang magawa, kaya eto.

Habang nanonood kami ay napansin kong nakatitig lang si Vernon sa akin kaya nagtaka ko. Lumingon ako sa kanya at agad naman niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

"Bes, may problema ka ba? Bakit parang kanina mo pa ako tinititigan?"

Tanong ko sa kanya pero umiling iling lang siya. Kung ganun, bakit siya nakatitig sa akin?

"Wala bes. Naisip ko lang kung ano nang gagawin natin kapag malayo na tayo sa isa't isa. Alam naman natin na close na close talaga tayo at malaki ang role na ginagampanan natin sa isa't isa kaya sigurado akong mahihirapan tayo sa pag aadjust kapag nagkalayo na tayo..."

Tumango naman ako. Oo nga. Bata palang kami ay magkasama na talaga kami. Pinagkakatiwalaan at minamahal namin ang isa't isa na para bang totoong magkapatid talaga kami.

Atsaka, alam ko naman na mahina talaga ako kaya palagi akong sumasama sa kanya. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kaya nakadepende lang ako sa kanya. Kaya hindi ko alam kung ano nang gagawin ko kung wala na siya sa tabi ko.

"Okay lang siguro yun bes. Matanda na kasi tayo kaya hindi na pwedeng palagi nalang tayong nakadepende sa isa't isa. Dapat din nating tumayo sa sarili nating mga paa...."

Tinanguan rin niya ako at lumapit siya sa kinauupuan ko kaya napangiti. Inakbayan niya ako at sumandal naman ako sa balikat niya.

"Basta bes ah, mag ingat ka dito. Wag ka basta bastang nagtitiwala sa mga tao. Layuan mo na rin si Adrian at yung iba pang mga kasamahan ko sa football team...."

Natawa ako at tinanguan ko nalang siya. Kanina pa niya sinasabi yan, na mag ingat daw ako at layuan ko raw si Adrian.

"Oh! Vernon iho! Andito ka na pala! Halika kumain tayo! Nagtake out ako ng pagkain dun sa restaurant sa bayan..."

Napatingin kami sa pintuan at nakita namin si mama na galing sa trabaho kaya binitawan namin ang isa't isa. Napansin ni mama na nag aakbayan kami kanina at napangisi siya kaya napairap ako. Andyan na naman siya.

Teen ager palang kasi kami ay iniisip na niya na may something daw kami. Eh magkaibigan lang naman talaga kami. At hanggang magkaibigan lang talaga kami.

"Ano yung nakita ko ha?"

Napatingin si Vernon kay mama at nagtaka siya.

"Bakit po tita?" Tanong ni Vernon.

Inihapag muna ni mama at binili niyang pagkain saka niya tiningnan ulit si Vernon na para bang nang aasar.

"May tinatago ba kayong dalawa?"

Lumaki ang mga mata ni Vernon at napalingon siya sa akin saka niya ibinalik ang tingin niya kay mama at umiling iling siya.

"Wala po. Wala po talaga. Inaakbayan ko lang po talaga si Rhaine...."

Niliitan lang ni mama si Vernon at napatingin siya sa akin. Bakit ba palagi talaga niyang iniisip na may kakaiba sa amin ni Vernon? Ganyan nalang talaga siya palagi! Sabi ko naman sa kanya na magkaibigan lang talaga kami at hanggang dun lang yun!

"Eh bakit mo nga inaakbayan ang anak ko?" Tanong pa ni mama.

"Nagpapaalam na po kasi ako sa kanya. Pupunta na ako sa L.A next week kasi dun ako mag aaral ng college..." Sagot naman ni Vernon.

Napanganga si mama at maya maya ay napansin naming naging malungkot ang mukha niya.

"So wala na pala talagang pag asa na maging kayo ng anak ko?" Sabi nito kaya nagulat ako.

"MA!"

Napatabon ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan pero tinawanan lang ako ni Vernon. Sanay na kasi siya kapag inaasar kaming dalawa dahil sa ka closan namin.

"Sayang naman. Boto pa naman sana ako sayo para sa anak ko. Kaso nga lang yung pamangkin ko naman yung gusto mo diba? Haay sayang talaga...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon