✿ CHAPTER 32 ✿

22 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse, pauwi na. Tahimik lang ako kasi wala naman akong pwedeng kausapin. Wala na ang bestfriend ko kaya mag isa nalang ako.

Sabi din ni Summer nung isang araw uuwi na daw siya sa kanila ngayon. Hindi ko rin naman siya pwedeng pigilan kasi alam kong hanggang ngayon ay may galit parin siya sa akin.

Napayuko ako nang naisip ko yun. Mag isa nalang pala ako talaga ngayon. Sinong kakausapin ko kapag may problema ako? Hindi ko naman pwedeng tawagan palagi si Vernon kasi may schedule kami kung kailan kami pwedeng mag usap.

Maya maya ay hininto na ni manong driver ang kotse kaya naisip ko na nandito na kami. Bumaba na ako sa kotse at pumasok na ako sa bahay ko.

Aakyat na sana ako sa kwarto pero nagtaka ko kung bakit parang inaabangan ako ni mana at papa sa sala kaya nilapitan ko muna sila.

"Anak, ano tong nalaman namin mula sa ate mo na hindi pala pagiging isang designer ang trabaho mo sa shop natin?"

Nagulat ako sa tinanong ni mama. Paano niya nalaman yun?

Isa lang ang pwede nagsabi nila nun. Si ate. So sinumbong pala niya ako sa kanila. Punyeta yan.

"At ang trabaho mo dun ay pagiging isang mannequin? Anong klaseng trabaho ba yun Rhaine ha?!"

Napairap lang ako at tinanguan ko nalang din ang mama at papa ko.

"Yun lang naman po kasi ang trabaho na kaya ko. Hindi ko po kayang magdesign ng mga damit. Hindi ko din po kayang manahi. Kaya ano pang ibang gagawin ko dun?"

Tiningnan lang naman ako ng masama ni mama at papa.

Bata pa lang kasi ako, palagi na nila akong sinasabihan na dapat daw maging fashion designer ako paglaki ko para daw makatulong ako sa shop namin. Eh pano? Wala akong interes sa mga ganun.

"Ang sabihin mo tamad ka lang talagang magtrabaho! Paano ka makakatulong sa negosyo natin kung tatamad tamad ka ha? Balak pa naman sana naming ipamana yung shop na yun sayo!"

Eh bakit ba kasi sa akin pa nila ipamamana yun eh si ate naman ang nagpapatakbo nun?

"Eh pinipilit niyo kasi ako! Ang gusto ko ay maging medtech hindi ang maging fashion designer!"

Sabi ko at umakyat na ako sa hagdan. Kaurat sila. Oo, mga magulang ko sila pero sobra na sila eh! Hindi nila dapat kinokontrol ang kinabukasan ko!

"Ikaw babae ka! Pinalaki ka namin ng maayos tapos ganyan ka! Yun lang naman ang hinihiling namin na gawin mo eh! Pwes kung hindi mo magagawa yun wag mo na kaming kilalaning mga magulang mo! Walang utang ng loob!"

Napahinto ako sa paglalakad nang narinig ko yun.

Tama ba yung narinig ko? Tinatakwil na nila ako dahil lang sa ayaw kong maging fashion designer? Anong klaseng mga magulang ba sila?

Pinigilan ko ang mga luha ko sa pagtulo at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko. Itinapon ko ang sling bag ko pati narin ang sarili ko sa kama at doon ako umiyak.

"Bakit ganun? Ginawa ko naman ang lahat para lang maging proud sila sa akin. Kulang pa ba yun?"

Nasabi ko nalang yun at maya maya ay narinig ko na parang may nagsasalita dun sa labas ng bintana kaya napatigil ako. Dahan dahan akong umupo at pinunasan ko ang mga luha ko.

Binuksan ko ang bintana at kumunot ang noo ko nang napansin kong wala namang tao.

Isinarado ko nalang ulit ang bintana ko at ilalock ko na sana ito pero may naririnig talaga ako na parang nagsasalita kaya nagtataka na talaga ako. May tao ba sa labas?

"Hi, do you need help?"

Napatigil ako nang narinig ko yun. Binuksan ko ulit ang bintana at nakakita ako ng lalaking hindi ko naman kilala na nakatayo sa bubong ng bahay namin kagaya ng ginagawa ni Vernon dati.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Sino siya? Anong ginagawa niya dito?

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon