[Rhaine's POV]
Anong ibig niyang sabihin?
Tiningan ko ulit yung tinidor na hawak ko at napatingin ulit ako kay Hans na nakangisi.
"Gawin mo na. Isipin mo naman ang mga magulang at bestfriend mo pati narin ang mga taong mahalaga sayo at mga taong nasaktan mo. Kapag mamamatay ka na, marami ang magiging masaya. Mawawalan na ng pabigat at kahihiyan ang pamilya niyo. Makakapag aral narin sa kolehiyo ng maayos ang bestfriend mo. Ayaw mo ba nun?"
Napaiyak ulit ako sa sinabi niya. May bahagi talaga sa akin na pilit na sinasabi na totoo si Hans at hindi ko lang siya basta basta ilusyon. Kung makapagsalita kasi siya, para talaga siyang tao.
Habang umiiyak ako ay pinatahan naman niya ako sa pamamagitan ng pagtapik sa likod ko. Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na tinidor at mas inilapit pa niya ito sa tiyan ko kaya napatigil ako sa pag iyak.
"Sige na. Itusok mo na yan. Wag kang maging selfish. Isipin mo ang mga taong naghihirap dahil sayo. Hindi matatapos ang paghihirap nila kung hindi ka mawawala. Kaya gawin mo na...."
Tama siya. Wala naman akong dinulot na maganda sa lahat ng tao kundi ang pagiging pabigat. Mahina ang loob ko at hindi ko kayang ipagtanggol ang ibang tao kaya wala akong silbi sa iba.
Napatingin ulit ako sa kanya at tinanguan ko siya. Napangiti naman siya at hinawakan niya ang buhok ko.
"Tama ang desisyon mo...."
Sabi niya habang nakangiti parin at hinimas himas pa niya ang buhok ko.
"Kung mamamatay ka na, mamahalin ka na ng lahat. Ganun naman talaga ang mga tao, saka lang nila ipaparamdam ang pagmamahal nila sayo kapag wala ka na...."
Napatingin ulit ako sa kanya at tinanguan ko siya ulit. Tama siya.
Itinutok ko na ang tinidor sa tiyan ko at huminga muna ako ng malalim. Buo na ang isip kong gawin to, gagawin ko to para sa lahat. Ayoko nang maging pabigat at maging kahihiyan sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata ko at itutusok ko na sana ang hawak hawak kong tinidor ko sa tiyan ko nang——
"VAL!!! ANONG GINAGAWA MO??!!"
Nagulat ako nang narinig ko ang sigaw na yun kaya nabuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko si Vernon na kararating lang at tumatakbo pa patungo sa akin kaya nagising ako sa ginagawa ko.
Bakit ko naisip na gawin yun? Bakit ako nagpadala kay Hans? Bakit ko siya pinayagang manipulahin ang isip ko?
Tiningnan ko ang paligid ko at hindi ko na nakita si Hans. Nang nakalapit na si Vernon sa akin ay agad niyang kinuha ang hawak hawak kong tinidor at itinapon niya ito sa sahig. Pagkatapos ay agad niya akong niyakap at nararamdaman ko na umiiyak na siya.
"VAL naman!! Bakit mo naisip na gawin to!! Hindi ko kayang mawala ka sa akin kaya wag mong gawin to sa sarili mo!!"
Sabi niya habang umiiyak at hindi parin niya ako binibitawan. Tiningnan ko ulit ang paligid para matingnan ko kung nandito pa ba si Hans.
Maya maya ay binitawan na niya ako at napansin kong umiiyak parin siya kaya napaiyak narin ako. Ayokong nakikita siyang umiiyak.
"VAL, ano bang pumasok sa isip mo at naisipan mong magpakamatay?! Mabuti nalang at naabutan kita kundi baka kung ano nang nangyari sayo!!"
Sabi niya habang umiiyak parin. Maya maya ay napansin kong may nakatayo sa likod niya kaya nagtaka ako. Agad ko yung tiningnan at nagulat ako nang nakita ko si Hans na tinututukan ng kutsilyo ang likod ni Vernon.
Agad akong sumigaw kaya nagulat si Vernon. Ayokong saktan niya ang bestfriend ko! Ako nalang! Wag siya!
"VAL nasa likod mo si Hans! Tinututukan ka na niya ng kutsilyo! Papatayin ka niya! Umalis ka na dito!!! VAL!!!"
Napaiyak ulit siya at hindi niya ako pinakinggan. Agad na naman niya akong niyakap at bigla ring nawala si Hans sa paningin ko. Tiningnan ko ang paligid para malaman ko kung saan siya nagpunta pero wala na talaga siya.
"VAL sorry. Kung hindi lang sana kita iniwan, hindi ka sana nagkakaganito..."
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...