✿ CHAPTER 61 ✿

28 2 3
                                    

[Rhaine's POV]

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumingin ako sa paligid. Kumunot ang noo ko nang napansin kong wala naman ako sa kulungan kaya nagtaka ako. Anong lugar to? Bakit ako nandito?

Maya maya ay napansin ko na may tao sa gilid ko kaya tiningnan ko ito. Nakita ko si VAL na natutulog habang nakahawak sa kamay ko kaya napangiti ako.

Maasahan ko talaga siya. Palagi talaga siyang nandito sa tabi ko kapag kailangan ko siya. Maswerte akong meron akong kaibigan na kagaya niya.

Naalala ko yung nangyari kanina at kung bakit ako nahimatay kaya bumalik na naman ang kaba ko. Pero agad naman itong nawala nang napansin kong nagigising na si VAL at kinusot niya ang mga mata niya.

"VAL..."

Tawag ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya. Agad siyang tumingin sa akin at nginitian niya ako kaya napangiti narin ako. Nilapitan niya ako at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sorry VAL. Ako ang dahilan kung bakit ka nahihirapan ngayon. Sorry talaga..."

Sabi niya at napansin kong umiiyak siya kaya nagtaka ako. Bakit ba siya nag iisip ng ganyan?

Bumitaw ako sa yakap namin at tiningnan ko siya na umiiyak parin. Inabot ko ang kamay ko sa mukha niya at hinawakan ko ang pisngi niya. Napatigil siya sa pag iyak dahil sa ginawa ko.

Ito kasi ang unang beses na ginawa ko to, dati kasi palagi ko lang siyang hinahampas o pinapalo. Siguro dahil palagi akong naiinis sa kanya dati.

"Wag mong sisihin ang sarili mo VAL. Wala ka namang kasalanan eh, ako ang basta basta nalang nagtiwala kay Hans kaya nangyari sa akin to...."

Nginitian ko siya kaya napangiti narin siya. Bibitawan ko na sana ang mukha niya pero bigla niya akong pinigilan kaya hindi ko nagawa yun. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mukha niya kaya nagtaka ako.

"Bakit?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako saka niya ako nginitian. Binitawan na niya ang kamay ko kaya inalis ko narin ang kamay ko sa mukha niya.

"Wala lang. Ang lambot kasi ng kamay mo VAL...."

Tumango tango lang naman ako. Kaya pala.

"Syanga pala VAL, ayokong magalit ka pero may gusto akong sabihin sayo. Tungkol kay Hans....."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin ako sa kanya. Anong sasabihin niya tungkol kay Hans na pwedeng ikagalit ko?

"Ano yun? Nalaman mo na ba kung sino talaga siya at kung saan siya nanggaling?"

Umiling iling lang siya bilang sagot kay nagtaka ako. Kung hindi yun ang gusto niyang sabihin, eh ano?

"Hindi VAL. At imposibleng malaman ko yung mga bagay na yun mula sa kanya...."

Kumunot ulit ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"At bakit naman imposible? Anong meron sa kanya kaya hindi mo magawang alamin kung sino talaga siya?"

Tumingin ulit siya sa akin at napansin kong nag aalinlangan siyang sumagot. Huminga muna siya ng malalim at napansin kong kinakabahan na siya.

Naghintay ako ng ilang saglit para marinig ang sagot niya pero wala naman siyang sinasabi kaya nainis na ako. Bakit ba parang ang hirap sa kanyang sabihin kung ano man yung sasabihin niya sa akin?

"Ano?"

Nginitian niya ako at sasabihin na sana niya yun sa akin pero biglang bumukas ang pintuan kaya hindi niya yun nagawa. Napatingin kami sa pintuan at napansin kong si mama at si papa pala yung dumating kaya napangiti ako.

"VAL, si mama at papa mo nalang ang magsasabi sayo...."

Sabi ni Vernon sa akin at tinanguan ko lang naman siya. Nilapitan ako nila mama at papa saka nila ako niyakap. Pagkatapos ay binitawan na nila ako at napatingin sila sa isa't isa.

"Anak, may ipagtatapat kami sayo. Matagal na sana namin to gustong sabihin pero ngayon lang kami naglakas ng loob na ipaalam to sayo...."

Kumunot ang noo dahil sa sinabi nila. Anong ipagtatapat nila sa akin? May tinatago ba sila sa akin?

"Tungkol saan po, ma, pa?"

Tiningnan ulit nila ang isa't isa at huminga sila ng malalim saka nila ibinalik ang tingin nila sa akin.

"Tungkol sayo...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon