[Rhaine's POV]
Ikatlong linggo ko na dito sa loob ng kwartong to. Wala akong ibang magawa kundi ang umupo, matulog, at magdrawing ng kung ano ano. Binibisita din naman ako ng mga doktor dito paminsan minsan at kinakausap nila ako.
Napatingin ako sa mga drawing ko at napangiti ako nang nakita ko yung drinawing ko kahapon. Picture ito nung sa kung paano kami nagkakilala ni VAL nung bata pa kami.
[Flashback, 12 years ago]
"Mama!!! May tao dito sa kwarto ko!!! Natatakot po ako!!!"
Malakas na sigaw ko habang nakatingin ako dun sa lalaking nakaitim na nakatayo lang sa sulok ng kwarto ko.
Sobrang creepy niya, may dala siyang malaking tungkod na may nakataling kutsilyo sa taas. Nanginginig ako habang nakatingin sa kanya. Hindi kasi ako pwedeng lumabas ng kwarto kasi sa tabi ng pintuan siya nakatayo.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinupuntahan ni mama dito. Baka wala sila ni daddy at ate dito kaya hindi nila naririnig na sumisigaw pala ako.
"Layuan mo ako! Ayoko sayo!!!"
Sigaw ko ulit dun sa lalaking nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto ko pero hindi parin siya kumikibo.
Nagtabon ako ng kumot at doon ako umiyak ng umiyak. Bakit ba ayaw niya talaga akong lubayan? Halos gabi gabi siyang nananakot sa akin! Bakit ba siya nandito sa kwarto ko? Anong ginagawa niya dito?
Sumilip ako mula sa kumot para makita kung nandyan pa ba siya. Nang nakita kong nandun parin siya at napasigaw ulit ako.
"Layuan mo nga ako! Ayoko nga sayo! Nakakatakot ka!!"
Sigaw ko ulit at nagulat ako nang biglang humakbang patungo sa akin yung creepy na taong yun. Napasigaw ulit ako ng malakas na malakas dahil sa takot.
"Hoy! Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Hindi ako makatulog dito oh! Sabi ni mommy dapat matulog ako ng maaga!!!"
Napahinto ako sa pag iyak nang narinig ko yun. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakakita ako ng batang lalaki na nakatingin ng masama sa akin.
Napatingin ako sa paligid at napansin ko na nandito parin pala yung creepy na lalaki kaya napasigaw na naman ako. Takot na takot talaga ako sa kanya! Bakit ba ayaw niyang umalis?
"Bakit parang natatakot ka? May ibang tao ba diyan sa kwarto mo?"
Napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko yung batang lalake na parang nag aalala. Tinanguan ko lang naman siya habang pinipigilan ko ang takot ko.
"Oo... May monster sa kwarto ko..."
Lumaki ang mga mata niya at bigla siyang tumayo.
"Talaga? Saan? Gusto kong makakita ng monster!"
Anong gusto niyang makakita ng monster? Nababaliw ba siya? Baka saktan siya ng monster!
"Teka lang pupunta ako diyan..."
Sabi niya at umakyat siya sa bintana ng kwarto niya. Nagulat ako dahil sa ginawa niya. Baka kasi mahulog siya tapos kasalanan ko pa.
Mula sa bintana ng kwarto niya ay tumalon siya sa bubong ng bahay namin. Nasa baba kasi ng kwarto ko ang bubong ng kwarto nina lolo at lola at malapit lang din ito sa kwarto niya kaya pwedeng pwede lang siyang tumalon dun.
Habang nasa bubong siya ay binabalanse niya ang paglalakad niya para hindi siya mahulog. Maya maya ay nakarating na siya sa kwarto ko at pumasok siya sa bintana.
"Nasan na yung monster? Gusto ko yung makita!"
Agad kong tinuro yung kinaroroonan nung creepy na tao na nasa kwarto ko pero nagtaka ako kung bakit wala na ito. Nasan na yun?
Tumingin ako sa paligid pero wala na talaga yun kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at wala na siya.
"Eh wala naman eh! Sinungaling ka!" Sabi pa niya.
"Hindi ako sinungaling! Umalis na siya kanina kaya hindi mo na siya makikita!"
Sabi ko at inirapan ko siya. Ilang minuto kaming natahimik at maya maya ay bigla siyang tumingin sa akin at nginitian niya ako kaya nagtaka ako.
"Vernon nga pala name ko. Sayo?"
Nahihiya pang sabi niya habang nakangiti at inaabot niya ang kamay niya sa akin. Nginitian ko nalang din siya pabalik at hinawakan ko ang kamay niya.
"Rhaine..."
[End of flashback]
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...