✿ CHAPTER 15 ✿

31 3 0
                                    

[Vernon's POV]

Nandito ako ngayon sa bahay namin, nagvivideo game lang. Wala akong planong pumunta dun sa party nina Adrian, wala akong gana.

Tahimik lang akong naglalaro dito pero maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya kumunot ang noo ko. Kinuha ko ito at nakita kong may nagtext pala sa akin. At sino naman kaya yun?

Binasa ko yung text na yun at nagulat ako.

(Vernon, tol... Pumunta ka dito. Pinagtitripan nina Adrian at Kenneth ang bestfriend mo. Nag aalala na ako dahil lasing na lasing na siya...)

Putragis yan. Sabi ko na nga ba eh. Hindi ko mapagkakatiwalaan si Adrian kahit na kaibigan ko pa siya.

Hinagis ko ang cellphone ko sa sofa at dali dali akong tumayo para lumabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse at pinatakbo ko ito ng mabilis na mabilis para lang maabutan ko dun ng mas maaga ang bestfriend ko.

Mahirap na kung magtatagal ako, alam kong may pagkamanyakis si Adrian at hindi ko alam kung ano nang pinaggagawa niya sa bestfriend ko ngayon kaya dapat talagang magmadali ako.

Halos paliparin ko na ang kotse at malapit na sana ako sa bahay nina Adrian pero biglang may tumawid na matanda kaya napatigil ako. At ang malala pa ay mukhang galit na galit pa siya kaya kinabahan na ako.

"Hoy iho! Bagalan mo nga yang pagmamaneho mo! May balak ka bang patayin ako ha?!"

Sigaw nito habang sinusuntok niya ang harapan ng kotse ko kaya napayuko ako. Hindi nagtagal ay umalis na siya kaya napahinga ako ng maluwag.

Pinaandar ko na naman ang kotse ko at pinatakbo ko ulit ito ng pagkabilis bilis.

Maya maya ay nandito na ako sa bahay nina Adrian at agad akong pumasok sa gate. Pumasok narin ako sa bahay nila at nakita ko ang nga kateam mates ko na may tinitingnang kung ano dun sa malayo.

Agad ko silang nilapitan para matingnan ko kung ano yun at nagulat ako nang nakita ko si Rhaine na basang basa habang nakaupo sa mga hita ni Adrian. Mukhang pinainom din siya nila kasi mukhang tulog na tulog siya.

Masyado kasing inosente ang bestfriend ko kaya madali lang talaga siyang linlangin at paikutin.

Agad ko silang nilapitan at hinila ko si Rhaine mula sa kanya. Nagulat naman siya at nang nakita niya na ako pala ang gumawa nun ay nginitian lang niya ako.

"Tol! Nandito ka pala. You just came at the right time. May show kami nitong bestfriend mo mamaya, and that show will be held in my bedroom....."

Dahil sa sinabi niya ay kumulo ang dugo ko at hindi ko sinasadyang masuntok ang mukha niya. Nagulat ang lahat ng mga kateam mates ko dahil sa ginawa ko. Siguro dahil siya ang team captain namin at alam rin ng lahat na close na close kami. Pero wala na akong pake tungkol dun. Bestfriend ko ang pinag uusapan dito.

Napahawak si Adrian sa pisngi niya na sinuntok ko at ibinalik niya ang paningin niya sa akin. Nginitian niya ako at napatingin siya sa bestfriend ko na tahimik lang na natutulog habang hawak hawak ko.

"Look at your bestfriend. Isn't she tempting? She looks so innocent. You know naman na ganung mga babae ang gustong gusto ko..."

Tiningnan ko siya ng masama habang pinipigilan ko ang mga kamao ko. Wag na wag niyang gagalawin ang bestfriend ko kung ayaw niyang mapatay ko siya.

Gustong gusto ko na siyang sapakin pero pinigilan ko ang sarili ko at inilayo ko nalang si Rhaine mula dito. Lumabas kami dito sa bahay ni Adrian at isinakay ko siya sa kotse ko.

Magsisimula na sana akong magmaneho pero napansin ko ulit na basang basa ang damit niya kaya nagtaka ako. Ano bang pinaggagawa nila ni Adrian sa kanya habang wala pa ako kaya basang basa siya?

Agad kong hinubad ang jacket ko at pinasuot ko ito sa kanya saka ako nagsimulang magmaneho.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon