✿ CHAPTER 60 ✿

24 3 0
                                    

[Vernon's POV]

Nandito ako ngayon sa isang restaurant, nakaupo habang naghihintay sa tinake out kong pagkain. Iniwan ko muna saglit si Rhaine dun sa presinto para bilhan siya ng steak. Alam ko kasing favorite niya yun.

Atsaka, medyo matagal tagal narin simula nung sinama ko siyang kumain sa labas. Miss na miss ko na kasing gawin yun, kaso hindi ko na yun magagawa ngayon dahil..... nakakulong na siya

Pero kahit na kriminal at masama na ang tingin sa kanya ng ibang tao, mahal ko parin siya. Totoo man o hindi yung mga krimeng pinaparatang sa kanya, walang magbabago sa pagtingin ko sa kanya.

Hindi ko inaakalang magbabago ako dahil sa bestfriend ko. Simula nung nagkagusto ako sa kanya, wala na akong nakikitang ibang babae. Wala na akong nagustuhan at niligawan na ibang babae. Hindi na ako yung dating Vernon na babaero at manloloko na paiba iba ng girlfriend kada araw.

Napangiti ako ng naisip ko yun. Tinuruan niya ako kung paano magmahal ng totoo at hindi yung basta mema mema lang.

Minsan minumura ko pa ang sarili ko kung bakit ngayon ko pa to naramdaman sa bestfriend ko. Kung kailan na iniisip na niyang babaero at manloloko ako at kung kailan iniisip na niyang hindi na ako magseseryso.

Maya maya ay napangiti na naman ako nang naalala ko yung ginawa niya kagabi habang tulog ako. Nagising ako habang yakap yakap niya ako kaya medyo natagalan ako sa pagbangon.

Ayoko na sanang bumangon at umalis mula sa mga braso niya pero ginawa ko parin yun para makabili ng breakfast namin.

"Sir, handa na po ang take out order niyo...."

Nakangiti parin ako habang iniisip ko yun kaya hindi ko yun napansin. First time kasing ginawa ni VAL yun, yung yakapin ako habang natutulog. Ilang beses na kaming natulog ng magkatabi dati pero hindi niya yun ginagawa dati.

"Uhm... Sir?"

Napansin kong iwinawagayway na nung waitress ang kamay niya sa harapan ko kaya nabalik ako sa reyalidad. Tinanguan ko nalang din siya at binigay ko na ang bayad ko saka ako lumabas ng restaurant.

Malapit lang kasi tong restaurant nato sa presinto kung nasan si VAL ngayon kaya nilakad ko nalang. Atsaka, madaling araw pa naman kaya sigurado akong hindi pa siya nagigising ngayon.

Naglakad ako ng ilang minuto bago ako nakabalik sa presinto. Papasok na sana ako dun sa lugar kung saan nandun si VAL pero pinigilan ako nung isang pulis kaya nagtaka ako.

Bakit niya ako pinipigilan? Eh diba nga pinayagan na niya ako kagabi na pwede akong pumunta dun?

"Ser, hanggang dito lang kayo. Kami nalang po ang magbibigay niyan mamaya dun sa presong dinadalaw niyo..."

Sabi nung pulis na yun pero hindi ako nagpapigil sa kanya. Papasok na sana ulit ako dun pero hinarangan na naman niya ako kaya nagtaka ako.

"Bakit ba ayaw niyo na akong papasukin? Wala naman akong balak na patakasin siya, ang gusto ko lang naman ay bantayan ang bestfriend ko!" Sabi ko.

"Ser, bawal po talaga kayong pumasok dun. Nagwawala po siya ngayon kaya delikado para inyo na pumasok...."

Ano?! Nagwawala si Rhaine ngayon? Bakit siya nagwawala?!

"TULONG!!! PAPATAYIN NIYA AKO!!!"

Narinig ko yung malakas na sigaw na yun mula sa loob kaya agad kong ibinigay ang mga dala dala ko sa pulis na kaharap ko ngayon at tumakbo ako ng mabilis patungo dun sa lugar kung nasaan si VAL. Anong nangyayari sa kanya? Okay lang ba siya? Sana pala hindi ko nalang siya iniwan dun ng mag isa!

Nang nakarating na ako dun ay nakita ko si Rhaine na umiiyak habang nakahawak sa rehas kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan ko ang mga kamay niya.

"VAL, okay ka lang? Bakit ka sumisigaw?!"

Agad siyang lumayo sa akin kaya nagtaka ako.

"LAYUAN MO AKO VAL!! BAKA PATI IKAW PATAYIN NI HANS!! NANDUN SIYA SA LIKOD KO!!"

Sinong Hans? Yung Hans na sinasabi niyang naging kaibigan niya?

Tiningan ko ang paligid niya pero wala naman akong makitang ibang tao kaya kumunot ang noo ko. Ano na bang nangyayari sa bestfriend ko? Bakit nakakakita siya ng hindi naman nakikita ng iba?

Sabi ko na nga ba eh. Hallucinations lang niya yung Hans na sinasabi niyang naging kaibigan niya.

Lumingon siya sa likod ng kinatatayuan niya at bigla siyang tumakbo ng mabilis kaya nagulat ako. Pipigilan ko na sana siya sa pagtakbo pero hindi ko na nagawa yun nang bigla siyang bumangga sa pader at natumba siya sa kinatatayuan niya.

Napahiga siya sa sahig na duguan ang ulo kaya nagsimula na akong sumigaw para humingi ng tulong. Sinubukan ko siyang lapitan pero hindi ko yun magawa dahil may rehas na nakaharang patungo sa kanya. Agad naman dumating yung mga pulis at pinagtulungan nilang buhatin at dalhin sa hospital si VAL.

Napaiyak ako habang nakatingin kay VAL na walang malay at duguan. Kung hindi lang sana ako umalis, nabantayan ko sana siya ng maayos. Hindi sana to nangyari sa kanya. Hindi sana siya naghihirap ngayon. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon