[Rhaine's POV]
Sumakay na kami sa ferris wheel at tahimik na tahimik lang ako habang kaharap ng inuupuan ko si VAL. Nasa ibang sakayan kasi sina ni Altheah at Aiken pati narin sina Chrystel at TOP.
Nakatingin lang ako sa baba nitong ferris wheel at inienjoy ko ang view ng buong adventure park. Gusto ko sanang dun kami sumakay sa ibang rides eh, kaso dito ang gusto ni VAL kaya hindi ako makahindi.
"VAL pagkatapos na nating ikasal, saan mo gustong mag honeymoon?"
Napalingon ako kay VAL at tinaasan ko siya ng kilay. Tong lalaking to. Dalawang taon palang nga kaming in relationship honeymoon na agad ang iniisip niya.
"Kailangan ko ba talagang sagutin yang tanong na yan ngayon? As in ngayon na?"
Tanong ko sa kanya at tinanguan lang naman niya ako na para bang seryosong seryoso. Napairap ako pero tinawanan lang niya ako.
"Eh ano naman? Dapat ko talagang malaman kung saan mo gustong magpakasal at mag honeymoon para kahit papaano may plano na tayo. Ganun kasi yun VAL....."
Sagot naman niya kaya tumango tango nalang rin ako. Oo nga naman. Wala naman sigurong masama kung pag uusapan namin yun.
"Oh sige. Gusto ko sa probinsya natin, syempre. Gusto kong doon tayo ikasal at doon din tayo mag honeymoon. Doon kasi tayo naging magkaibigan tapos ang dami pa nating memories dun...."
Sabi ko kaya napangiti siya at tinanguan niya ako.
"Sige VAL. Idadagdag ko yan sa listahan ng mga plano ko para sa future natin..."
Nakangiti pang sabi niya kaya natawa ako. Hindi naman niya kailangang gumawa ng listahan para sa future namin.
Hindi ko nalang rin siya pinansin at tumingin ulit ako sa labas para tingnan ang view.
"VAL, in speaking of future, ano nga palang kukunin mong kurso? Diba tapos ka nang mag highschool?"
Napalingon ulit ako sa kanya at nginitian ko siya. Oo, tapos na akong mag highschool kaya college na ako. Mabuti nalang at sa tingin ko ay nakatakasan ko na yung mga kasalanan at krimeng nagawa ko dati kaya nakatapos ako sa highschool.
"Medical Technology VAL...."
Sabi ko at tumango tango naman siya habang nakangiti.
"Eh sayo VAL? Anong kurso ang kinuha mo? Malapit ka nang grumaduate sa college diba?"
Nag isip isip muna siya bago niya sinagot ang tanong ko.
"Gusto kong maging Seaman VAL. Kaya kailangan kong magkadegree sa Bachelor in Science in Marine Transportation....."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Mabuti naman yun. Dati kasi wala pa siyang balak para sa future niya kasi puro pambababae lang ang iniisip niya.
"VAL, okay lang ba na dun pa din tayo titira sa baryo pagkatapos nating ikasal? Gusto ko kasi dun. Tahimik lang, tapos walang gulo. Hindi katulad dito sa Maynila na mahirap maghanap ng katahimikan....."
Tanong ko at agad naman niya akong tinanguan.
"Okay na okay lang yun sa akin VAL. Pagkatapos nating ikasal doon, doon din tayo maghahoneymoon at pagkatapos ng honeymoon ay doon narin tayo titira. Doon narin tayo magkakaanak at magkakaapo. Okay ba yun?"
Seryoso pa niyang sabi at iniexplain pa niya ito sa pamamagitan ng kamay niya kaya natawa ako. Sobrang seryoso kasi talaga niya nung sinabi niya yun.
Nang napansin niyang tinatawanan ko siya at napatigil siya at kumunot ang noo niya.
"Bakit ka tumatawa VAL? Ayaw mo ba sa plano ko? Gusto mo bang magkaanak muna tayo bago tayo ikasal? Kasi ready na ako VAL!"
Napatigil ako sa pagtawa at tiningnan ko siya ng masama. Loko!
Kinurot ko ang braso niya pero tinawanan lang naman niya ako. Tong lalaking to!
"Ahh, so hindi ganun? Eh anong gusto mo?"
Tumingin ulit ako sa kanya at nginitian ko siya.
"Kahit na ano. Basta ikaw ang kasama ko...." Sabi ko pero inirapan lang niya ako.
_______________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...