✿ CHAPTER 53 ✿

20 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Diyan ka muna habang inaasikaso pa namin ang kaso mo. Ililipat ka namin sa bilibid sa susunod na araw...."

Sabi nung pulis at pinapasok niya ako papasok dun sa isang selda na walang tao. Mabuti nalang at dito nila ako nilagay at hindi dun sa kabilang selda na merong maraming siga na babae.

Hindi na ako nanlaban sa mga pulis dahil sabi ko nga kanina, wala na akong magagawa kahit na manlaban pa ako. Atsaka, dapat naman talagang nandito ako. Napatay ko ang professor namin, at kailangan kong pagbayaran yun.

Napatingin ako dun at nakita ko yung ibang mga babaeng preso na tinitingnan ako ng masama. Hindi ko nalang din sila pinansin at umupo nalang ako sa sahig.

Inilock ng pulis ng mabuti ang rehas kung nasan ako bago niya ako iniwan. Maya maya ay napansin kong nakatingin parin sa akin yung ibang mga preso na nasa kanilang selda kaya nagtaka ako.

"Iha, ikaw ba yung sinasabi nilang Rhaine Clarkson? Yung pumatay kay Ser Guevarra gamit lang ang tinidor? Pati narin yung pumatay sa dalawang binatang kasali sa sikat na football team?"

Napatingin ako sa kanya at hindi ko lang ulit siya pinansin. Tumingin lang ako sa malayo para maiwasan ko sila. Ayokong makipag usap ngayon. Wala akong gana.

"Tsk. Sunget naman....."

Sabi pa nun at tinantanan na niya ako kaya napahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko ang paligid ang selda nato at napayuko ako. Hindi ako makapaniwalang nakakulong na ako dito sa krimeng nagawa ko. At ang malala pa, pati yung krimeng hindi naman ako ang gumawa ay ako ang nagbabayad ng mga yun ngayon.

Maya maya ay napansin ko na may nagwawalang babae dun sa malayo kaya nagtaka ako. Sino kaya yun?

Pinipigilan siya nung nga pulis pero nakapiglas parin ito. Tumakbo ito patungo sa amin at hinahabol naman siya ng mga pulis.

"Walang hiya ka!!! Pinatay mo ang anak at pamangkin ko!!! Tao ka ba talaga???!!! HA??!!!!"

Napansin kong sa akin ito nakatingin habang nanggagalaiti sa galit kaya naisip ko na baka kapamilya siya ni Adrian at Kenneth kaya nagulat ako. Baka pumunta siya dito para saktan ako.

Lalayo na sana ako mula sa rehas pero agad niya akong hinila kaya bumangga ang mukha ko sa bakal na rehas nitong selda. Pinagsusuntok at pinagsasampal pa niya ang mukha ko pero hindi nalang rin ako pumalag at pinabayaan ko nalang siya sa ginagawa niya.

Inaawat siya nung mga pulis pero wala silang magawa kasi sobrang lakas talaga niya dahil sa galit niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi, kung ako ang nasa posisyon niya ganun din ang gagawin ko.

"Pinatay mo ang anak at pamangkin ko!!! Wala kang puso!!! Mamatay ka na!!!"

Sigaw niya habang hindi parin niya ako tinitigilan. Maya maya ay nakita kong dumating na si mama at papa pero hindi ko sila pinansin. Tinulungan nila ang mga pulis sa pagpigil sa babaeng to kaya nabitiwan na niya ako.

Agad akong lumayo mula sa kanila at umupo ako sa sulok ng selda nato. Hinawakan ko ang gilid ng labi ko at tiningnan ko ang kamay ko. Nakita kong dumudugo na pala ito pero hindi ko nalang rin yun pinansin.

Pinaalis na ng mga pulis at ni mama at papa yung babaeng nanakit sa akin pero hindi ko sila pinansin at nakaupo parin ako dito.

"Rhaine anak, ayos ka lang?"

Narinig kong tinawag ako ni mama pero hindi ko siya pinansin.

"Anak, kausapin mo kami ng mama mo...."

Sabi ni papa na parang nagagalit na pero hindi ko nalang din siya pinansin.

Ayokong pansinin sila. Ayokong makipag usap sa kanila. At yun ay dahil wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon