[Rhaine's POV]
"Bes tulong! Tulungan mo ako! Hinahabol ako nung mga girlfriend ko kahapon! Papatayin raw nila ako! Ayoko pang mamatay!"
Hindi ko siya pinansin at hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Wala akong pake sa kanya kahit na pagkaguluhan pa siya ng mga babae niya diyan.
Kung hindi niyo naiintindihan, nandito ako ngayon sa shop ng parents ko at nagpapanggap ako na isang manequin. Ito ang trabaho ko dito. Gusto kasi ng parents ko na magtrabaho ako dito kaya eto! Wala naman akong kaalam alam sa mga trabahong kagaya nito kaya ito nalang ang ginawa ko.
"Hoy Vernon iho! Anong ginagawa mo diyan?"
Narinig ko yung ate ko na siyang nagbabantay ng shop nato na tinawag si Vernon kaya kumirap na ako. Nananakit na kasi ang mga mata ko kasi kanina pa ako nakadilat. Punyeta.
"Tinatawag ko po yung bespren ko...."
Nagtaka si ate at agad niyang tiningnan ang paligid.
"Saan yung bespren mo dito? Yang manequin? Nababaliw ka na ba iho?"
Muntik na akong matawa dahil sa sinabi ni ate. Wala kasing kaalam alam si Vernon tungkol sa trabaho ko na to.
"Anong mannequin eh bespren ko yan eh! Rhaine! Halika na nga dito! Wag mo akong ngingiti ngitian diyang bruha ka!"
Tong ugok nato.
Pumasok na talaga siya sa loob ng shop at hahawakan na sana niya ako pero pinigilan siya ni ate.
"Wag mong hawakan yang mannequin namin! Baka masira pa yan!"
Sabi ni ate pero hindi nagpatinag si Vernon at lumapit parin siya sa akin.
"Bes, tulungan mo ako! Nandyan na sila oh!"
Bahala ka diyan sa buhay mo punyeta ka! Nagagawa mong manloko ng mga babae pero hindi ko sila kayang harapin?
"Teka iho, sino ba yang sinasabi mong nandyan na ha? May humahabol ba sayo iho?" Tanong ni ate.
"Opo ate, hinahabol po ako nung mga babaeng may gusto sa akin. Alam niyo naman po na sobra ang kaguwapuhan ko kaya ganun talaga....."
Sabi ni Vernon at paniwalang paniwala naman si ate sa sinabi niya. Si ate talaga, ang dali daling nauuto sa mga pinagsasabi ng manlolokong yan.
"Ah ganun ba? O siya sige! Magtago ka dun sa fitting room..." Sabi ulit ni ate.
"Sige po salamat po!"
Agad na pumunta si Vernon dun sa fitting room para magtago. Nang nasigurado kong wala na ako sa paningin niya ay napahinga ako ng maluwag.
Nilapitan ako ni ate at kinalabit niya ako kaya lumingon ako sa kanya. Wala namang ibang tao kaya okay lang na gumalaw na ako.
"Iha, ayusin mo nga yang trabaho mo. Nahahalata ka na ng bespren mo oh! Bakit ba kasi sa kadami dami ng trabahong pwedeng gawin dito ang magpanggap pa na manequin ang napili mo? Ewan ko talaga sayo..."
Napairap lang naman ako at bumalik na ako sa dating pose ko kanina. Eh ito lang naman kasi talaga ang kaya kong gawin dito. Hindi ako marunong mag design ng mga damit at mas lalong hindi ako marunong magtahi. Wala rin akong knowledge sa pagtitinda kaya anong ibang magagawa ko?
"Ate anong oras pa ba ako pwedeng gumalaw?"
Lumapit si ate sa akin at inayos niya ang damit ko.
"Alas tres pa. Thirty minutes nalang pwede ka nang bumaba diyan...."
Napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman.
Maya maya ay nabulabog kami nang biglang may dumaan sa harapan ng shop namin na grupo ng mga babae kaya agad akong binitawan ni ate.
"Uhm... manang? May nakita ba kayong lalaking dumaan dito? Gwapo po siya, nakadenim shirt at nakacap ng black...."
Si Vernon yun. Sigurado ako.
Tinanguan naman sila ni ate kaya nagulat ako. Tung babaeng to! Tinago tago pa niya si Vernon tapos sasabihin lang din naman pala niya kung nasan siya!
"Nandun siya sa fitting room, pinagtataguan daw niya yung mga naghahabol sa kanya. Bakit niyo nga pala siya hinahanap?" Sabi ni ate sa kanila.
"Kasi kami po yung mga naghahabol sa kanya. Anyways, thank you po sa pagsabi sa amin kung nasaan na siya....."
Sabi nung babaeng mukha namang clown dahil sa kapal ng make up at agad silang pumasok sa shop namin at dumeretso sila dun sa fitting room.
Katapusan na talaga ng bespren ko ngayon. Bwahahahaha!
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...