✿ CHAPTER 6 ✿

42 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Bes, pwede pakidala muna nito?"

Napalingon ako kay Vernon na ang dami nang dala dalang supot na may lamang mga pinamili niya at umiling iling lang ako sa kanya.

Ayokong kayang magdala niyan.

"Sorry bes, masakit kamay ko eh. Napilayan ako kahapon...." Pagdadahilan ko pa.

Napayuko lang naman siya at napansin kong mangiyak ngiyak na siyang nagpatuloy sa paglalakad kaya natawa ako.

"Bes, kung hindi mo ako kayang tratuhin bilang bespren mo trautuhin mo nalang ako bilang tao please? Sayo naman inutos to eh hindi sa akin..."

Ay huwaw nagdadrama.

"Eh pera ko naman yan. Atsaka, diba nakikikain ka rin naman sa amin minsan? Kaya dapat lang na gawin mo yan. Mahiya ka naman uy...."

Napayuko ulit siya at nagdadabog pa siya habang naglalakad kaya natawa na naman ako. Nakakatawa kasi talagang makita siya na ganyan ang kalagayan.

Maya maya ay may dumaan na grupo ng mga kababaihan at natawa rin sila nang nakita nila si Vernon. Karamihan pala kasi sa kanila ay yung mga babae na niloko ng bespren ko dati.

"Si Vernon Lee ba yun? Yung lalaking football player na manloloko? Well dapat lang sa kanya yan..."

Sabi nung isa at nagtawanan na naman sila. Napatingin ako kay Summer at napansin ko na hindi niya narinig yung sinabi nung nga babae kaya napairap ako.

"Vernon, pwede namang ako nalang ang magdala ng iba niyan. Masakit pa naman siguro yang kamay ko kasi natapakan ko yan kanina..."

Sabi ni Summer kaya lumiwanag ang mukha ni Vernon at napangiti siya.

"Sige my loves! Masakit na kasi talaga ang kamay ko eh. Ang bait mo talaga, hindi katulad ng iba diyan..."

Napatingin ako kay Vernon at tiningnan ko siya ng masama. Aba naman! Nagpaparinig pa!

Tumingin ako kay Summer at ibibigay na sana ni Vernon ang mga hawak niyang pinamili sa kanya pero agad kong hinila si Summer palayo sa kanya kaya nagulat siya.

"Summer, baka nagugutom ka na. May nakita akong nagtitinda ng mga pagkain dun oh. Baka gusto mong bumili?"

Tinanguan niya ako at pinuntahan na namin yung tindahan ng mga pagkain. Sumunod naman si Vernon sa amin habang dala dala parin yung mga pinamili niya.

Umupo kami dun sa isang lamesa at tumayo na si Summer para bumili ng pagkain. Siguro gutom na gutom talaga siya.

"Bes, parang may naiwan tayo..."

Napalingon ako kay Vernon at napatingin ako sa dalawang supot na mga pinamili niya at kumunot ang noo ko. Ano naman yun?



"Ano?" Tanong ko.

"Naiwan natin yung isang sakong bigas. Hindi ko na kasi yun kayang dalhin...."

Lumaki ang dalawang mata ko sa narinig ko. Anong sinabi niya?

"Bes naman eh! Anong silbi n'yang mga gulay at ulam na binili natin kung wala naman pala kaming kanin? Ewan ko talaga sayo! Dapat yun ang sinigurado mong dalhin! Balikan mo talaga yun!" Sigaw ko.

"Eh bes hindi ko naman yung kayang dalhin! Masyadong mabigat!"

Napailing iling nalang ako at maya maya ay bumalik na si Summer kaya tumahimik na kami.

"May problema ba kayo? Bakit parang nagtatalo kayo?" Tanong niya.

"Ito kasing bespren ko eh! Iniwan niya yung bigas na binili natin kanina! Anong kakainin natin nito?"

Inis na sabi ko at kinamot ko ang ulo ko. Napatingin naman si Summer kay Vernon.

"Vernon bakit mo yun iniwan?" Tanong ni Summer sa kanya.

"Eh hindi ko kasi kayang dalhin yun! Masyadong mabigat ang isang sako! Dapat kasi nag- tricycle nalang tayo eh!"

Oo nga naman. Bakit nga pala kami naglakad kung pwede namang sumakay nalang kami? Kabobohan talaga.

"Oh sige wag na nating problemahin yun. Babalik nalang tayo sa palengke para kunin natin yung naiwan natin at sasakay nalang tayo ng sasakyan pauwi...." Sabi ko.

"Eh pano to?"

Tanong ni Vernon habang dala dala yung mga supot na may lamang pinamili namin.

"Edi dalhin mo ulit...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon