[Rhaine's POV]
"Oh anak! Nandito ka na pala!"
Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama kaya nagtaka ako. Anong meron at bakit parang ang saya saya niya?
"Bakit po ma? May nangyari ba?"
Nilapitan niya ako at pinapasok niya ako sa sala. Nang nakapasok na ako ay nagulat ako nang nakita ko ang pinsan ko.
"Summer! Namiss kita!!!"
Agad ko siyang nilapitan para yakapin. By the way, she's Summer Clarkson. O diba ang taray, kung ako Rhaine, siya naman Summer.
Magkaibigan kami simula nung pagkabata namin. Siya ang pinaka- favorite na pinsan ko kaya naman close na close kami.
"Rhaine! Na- miss din kita! Kamusta kana? By the way, nasan na yung poging bff mo? Hihihi..."
Palihim akong napairap sa huling tanong niya. Eh pano, adik na adik tong babaeng to kay Vernon. Hindi kasi niya alam na manloloko at babaero yung ugok na bespren ko na yun.
Nginitian ko nalang din siya at bumitaw na ako sa yakap namin.
"Nandun si Vernon sa bahay nila. Bakit?"
Napangiti lang naman siya na parang loka kaya napairap na naman ako.
"Bes, pahinge naman ng chi—— Hi miss ganda...."
Nagulat ako nang biglang pumasok sa bahay namin si Vernon. Tong lalaking to! Hindi ba siya marunong kumatok?!
"Bes, sa susunod kumatok ka muna bago ka pumasok ah? Pasalamat ka at hindi si papa ang nakasalubong mo kundi baka napagkamalan ka nang magnanakaw nun....."
Sabi ko pero hindi niya ako pinansin at agad niyang nilapitan yung pinsan ko. May panibagong bibiktimahin na naman siya. Haynako naman.
"Hi miss, ngayon lang kita nakita dito ah. Bago ka ba dito sa barrio namin?"
Napayuko naman si Summer na pinsan ko at tumango siya habang pinipigilan niya ang kilig niya. Napairap na naman ako at umiling iling.
"Oo. Kakarating ko lang dito kanina...."
Tumango tango lang naman si Vernon at hinila niya ako paalis sa upuan ko para makatabi niya si Summer. Napaupo ako sa sahig dahil sa ginawa niya at tiningnan ko siya ng masama.
Kung makahila siya grabe! Parang hindi niya ako bespren ah! Iuunbestfriend ko na talaga siyang hinayupak siya!
"Miss, would you mind if itotour kita dito sa buong barrio namin? I can show you a lot of things. Magic, sin, heaven——" Sabi ni Vernon kaya napairap ako.
"Sure! Maybe, tomorrrow?"
Ay aba punyeta! Pumayag naman kaagad! Pandagdag na naman siya sa mahabang listahan ng mga babaeng ginago at niloko ng bespren ko.
"That's so nice to hear. I will—— I will sundo—— I will—— susunduin kita bukas ng umaga...."
Ayan. Inuuna kasi pambabae kaysa sa pag aaral.
Maya maya ay napalingon silang dalawa sa akin na nakaupo parin sa sahig kaya nagtaka sila.
"Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nakaupo sa sahig?"
Nginitian ko nalang si Vernon kahit na ang totoo ay gustong gusto ko na siyang sipain. Eh pano nandyan yung pinsan ko kaya hindi ko pwedeng gawin yun.
"Ay wala! Nagpapalamig lang! Ang saya kasing umupo dito sa sahig! Ang lamig sa pwet! Sige na! Ituloy niyo na yang landian ninyo!"
Sarcastic kong sabi at tumayo na ako. Umupo ako dun sa upuan malayo sa kanila pero naririnig ko parin ang pinag uusapan nila.
"Uhm, pupunta muna ako sa kwarto ko. May aayusin lang ako. Bye..."
Sabi ng pinsan ko at tumayo na siya saka siya umakyat sa hagdan.
Maya maya ay napatingin naman ako kay Vernon na busy sa pagtawag sa isa pang girlfriend niya kaya napairap ako.
"Bebe! Sorry, hindi tayo pwedeng magkita bukas. May emergency kasing nangyari..." Sabi pa niya kaya napairap ako at napailing iling.
(Okay lang yun bebe! I love you nalang!!!)
"I love you too bebe! Chup chup mwa mwa!"
Nang natapos na niya ang panlalandi niya ay agad kong kinuha ang unan na nasa upuan ko at ito ang inihampas ko sa pagmumukha niya.
"Aray! Bes bakit ka ba nanghahampas ha? Inaano ba kita?"
Inirapan ko lang naman siya at umakyat na ako sa kwarto ko. Kung lolokohin lang din naman pala niya ang pinsan ko lagot talaga siya sa akin!
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...