✿ CHAPTER 41 ✿

24 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Punyeta talaga!"

Nasabi ko nalang yun bigla at hinagis ko pa sa lamesa ang fries na bitbit ko. Napatingin sa akin ang lahat ng mga kasama kong kumakain dito sa canteen pero hindi ko nalang sila pinansin.

Eh pano kasi, kahit na anong pakiusap ko kay prof hindi talaga siya pumapayag na magrere- take nalang ako ng exam. Zero daw talaga ako sa exam at bagsak talaga ako sa subject namin at dun daw nagtatapos ang usapan namin.

Napatingin ako kay Hans na nasa harapan ng kinauupuan ko at tiningnan ko siya ng masama. Kasalanan niya to eh! Kung nagreview lang sana siya eh hindi na sana niya kailangan pang mangopya! Punyeta talaga!

"Oh, bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

Inirapan ko nalang siya at napatingin ulit ako sa mga schoolmates ko na nakatitig parin sa akin. Ganyan naman talaga sila palagi pero pinababayaan ko nalang sila.

"Kasalanan mo tong hinayupak ka eh! Kung hindi lang sana ka nangopya edi hindi rin sana ako mahuhuli! Punyeta ka talaga!"

Sabi ko kaya nagulat siya. Napatingin ulit ang mga schoolmates ko sa akin at umiling iling sila.

"Weirdo talaga siya...."

Sabi pa nung isa kaya napairap ako. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi ko nalang sila pinansin.

"Anong kasalanan ko? Eh ikaw kaya yung hindi nag iingat!"

Sumbat pa niya pero hindi ko ulit siya pinansin. Kahit anong sabihin niya, kasalanan niya parin yun.

"Kung kasalanan ko talaga.... Edi sorry...."

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakasimangot kaya natawa ako. At may pasimangot pa talaga siyang nalalaman eh hindi naman bagay sa kanya.

"Sorry na..."

Tiningnan ko lang ulit siya ng masama.

"Wala nang magagawa yang sorry mo sa grades ko. Kahit na ilang beses ka pang magsorry diyan bagsak parin ako...."

Sagot ko kaya napasimangot siya ulit. Maya maya ay bigla nalang siyang napangisi kaya nagtaka ako. Anong nginisi ngisi niya?

"Ayaw mo ba talagang bumagsak sa subject na yun?"

Tinanguan ko lang naman siya. Syempre, ayaw ko. Sino ba naman ang gustong bumagsak sa eskwela? Sesermonan na naman ako nina mama at papa dahil dito. Punyeta.

"May idea ako para hindi ka bumagsak. Effective to, magtiwala ka lang sa akin...."

Inirapan ko lang naman siya. Kanina pa niya sinasabi yan, ginawa ko na ang lahat ng mga advice niya para daw hindi ako ibagsak ni prof pero walang ni isa ang umepekto dun.

Una, sinabihan niya ako na bilhan ng snack si prof. Which is ginawa ko naman. Pero ayun, hindi umepekto.

Pangalawa, nagvolunteer ako na linisin ang buong classroom namin para ma impress ko si prof. Pero wala parin.

At pangatlo, sinubukan kong kumbinsihin si prof to the point na lumuhod pa ako sa harapan niya para lang makaretake ako ng exam. Pero hindi parin talaga pumapayag si prof.

"Wag mo nalang ngang sabihin yang idea mo. Sigurado naman akong hindi ulit gagana yan...."

Sabi ko sabay inirapan ko siya pero tinawanan lang niya ako kaya kumunot ang noo ko.

"Effective na effective talaga to. Maniwala ka lang. Gagawin natin to mamayang uwian na. Game?"

Napatingin ulit ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Ano naman kaya yang naiisip niya?

"Ano na naman ba yang naiiisp mo? Sigurado ka ba talagang gagana yan?"

Tinanguan lang naman niya ako na parang confident na confident talaga siya.

Maya maya ay kinuha niya mula sa mesa yung tinidor at inilagay niya ito sa bag niya kaya nagtaka ako. Aanhin niya yung tinidor?

"Bakit mo yun nilagay sa bag mo? Anong paggagamitan mo nun?"

Tumingin siya sa akin at ngumisi siya kaya kinabahan na naman ako. Ano na naman ba yang naiisip niya?

"Magagamit natin to mamaya...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon