✿ CHAPTER 52 ✿

23 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Chief, ano pong kailangan niyo sa anak ko? Bakit may dala kayong posas?"

Kinabahan ako sa narinig ko at napapikit ako. Nagsumbong na ba si Hans sa mga pulis na ako ang pumatay sa professor namin kaya pinuntahan na ako dito ng mga pulis?

Pinigilan ko ang kaba ko at pinilit ko ang sarili ko na kumalma. Baka iba talaga ang sadya nila dito at hindi ang hulihin ako. Sumilip ako mula sa kumot para makita ko kung anong gagawin nila.

"Nandito kami para hulihin siya sa salang pagpatay kina Mr. Adrian Maverick Hudson, Mr. Kenneth Buenavista, at Mr. Thomas Guevarra. May warrant of arest kami para arestuhin siya...."

Nagulat si mama at si papa dahil sa narinig nila pero di hamak na mas nagulat ako. Bakit ako ang pinaparatangan nilang pumatay kina Adrian at Kenneth? Si Hans ang pumatay sa kanila hindi ako!!!

"Chief, nagkakamali po kayo! Hindi po mamamatay tao ang anak namin! Baka nagkakamali lang po kayo!"


Sigaw ni mama at pinigilan naman siya ni papa. Umiling iling lang naman yung pulis at tumingin siya sa gawi ko. Agad akong nagtakip ng kumot para hindi niya ako makita.

"Hindi po kami nagkakamali. May CCTV footage kaming nakita malapit sa maliit na bahay kung saan pinatay ni Ms. Rhaine Clarkson sina Mr. Adrian Maverick Hudson at Mr. Kenneth Buenavista. Kitang kita po dun kung paano siya tumakas mula sa krimeng ginawa niya...."

Sabi ulit nung pulis at narinig kong napaiyak si mama at papa.

Napaiyak narin ulit ako at maya maya ay may naisip ako. Bakit ako lang ang hinuhuli nila? Kasama ko si Hans dun! Siya ang totoong pumatay sa kanila at hindi ako!!!

"At sa kaso naman po ni Mr. Thomas Guevarra, tumestigo po ang security guard at janitor sa eskwelahan na pinag aaralan niya na siya ang huling lumabas ng university. Lumabas po siya ng alas nuwebe sa gabi ng mag isa kaya naman kahina- hinala yun. Sino ba namang estudyante ang uuwi ng alas nuwebe sa gabi?"

Sabi nung pulis kaya nagulat ulit ako. Anong lumabas ako na nag iisa? Kasama ko si Hans nun! Bakit ako lang hinuhuli nila? Hindi lang ako ang dapat na magbayad kundi pati narin si Hans!!!

"Chief, hindi naman po kapani paniwala ang pinaparatang ninyo sa kanya! Hindi po namin pinalaking mamamatay tao ang anak namin!"

Hindi pinakinggan si mama nung pulis at lumapit ito sa gawi ko. Agad nitong hinila ang kumot na pinangtakip ko sa mukha ko kaya nagulat ako.

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagyan ito ng posas kaya mas lalo pa akong nagulat. Hindi! Ayokong makulong!

"Ms. Rhaine Clarkson, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kina Mr. Adrian Maverick Hudson, Mr. Kenneth Buenavista, at Mr. Thomas Guevarra. Sumama ka sa amin sa presinto...."

Hinila ako nung pulis patayo sa kinauupuan ko at napaiyak ako dahil sa sakit ng braso ko. Sobrang lakas kasi ng pagkakahila ng pulis sa braso ko kaya muntik na akong matumba.

"Chief wag niyo naman pong hilahin ng ganyan ang anak ko!!!"

Sigaw ni papa at babawiin na sana niya ako mula sa pulis na naghihila sa akin pero agad siyang pinigilan ni mama.

Napaiyak na naman ako at sumama nalang rin ako sa pulis palabas ng hospital. Wala nanaman akong magagawa sa mga nangyayari ngayon, may ebidensya sila sa mga sinasabi nilang krimeng ginawa ko kaya wala akong laban sa kanila.

Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga tao kaya yumuko nalang ako para hindi nila makita ang mukha ko.

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi lang sana ako nakipagkaibigan kay Hans, hindi saka nangyayari ang lahat ng to. Wala sanang gulo, at hindi sana ako nakapatay ng tao.

Nang nakalabas na kami ng ospital ay agad akong pinapasok nung pulis sa police car habang umiiyak parin ako.

Habang umiiyak ako ay napansin ko na may katabi pala ako kaya napatingin ako dito. Napag alaman kong si Tito Jerry pala ito na isa ring pulis kaya napangiti ako. Baka matutulungan niya ako. Ayokong makulong.

"Tito Je——"

"Wag mo akong kausapin. Oo pamangkin kita, pero sobrang nadissapoint ako sa ginawa mo Rhaine....."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon