✿ CHAPTER 74 ✿

23 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nang nakalabas na ako ng mental hospital ay huminto ako sa paglalakad para matingnan ang paligid. Ilang buwan na kasi akong hindi nakakalabas kaya parang ibang iba na ang mga nakikita ko. Siguro dahil summer na. Tag ulan pa kasi nung pinasok nila ako dito sa mental hospital.


Lumanghap muna ako ng sariwang hangin saka ako pumasok sa van ni.... teka, kaninong van ba to? Bakit sila pumasok ni mama at papa dito? Sigurado ba silang sa amin to?

Kahit na nagtataka ako ay pumasok nalang din ako dun. Pumwesto ako sa bandang likuran nina mama at papa at inayos ko ang pagkakaupo ko. Maya maya ay napansin ko na nasa tabi pala ng driver nakaupo si VAL kaya napasimangot ako. Gusto ko sanang makatabi siya eh.

Tiningnan ko siya ulit at napansin kong nawala na siya dun kaya nagtaka ako. Saan ba yun nagpunta?

                  

"Tabi tayo VAL!!!"

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan nitong van na nasa tabi ng kinauupuan ko. Tiningnan ko kung sino ito at nakita kong si VAL lang pala ang bumukas nito habang ang laki laki pa ng ngiti.

Umupo siya sa tabi ko at nginitian niya ako. Nginitian ko nalang din siya at sinenyasan niya yung driver na simulan na ang pagmamaneho. Sumunod din naman ito kaagad at umalis na kami.

                  

"Alam mo VAL, bigay tong van ni mommy sa akin! Ako kasi ang nakakuha ng highest score sa exam namin kaya regalo niya to...."

Lumaki ang mga mata ko sa narinig ko. Talaga? Wow ah.

                   

"Grabe naman yang mommy mo. May kotse ka na nga may van ka pa?"

Tinanguan lang naman niya ako habang nakangiti.

                   

"Ganun kasi talaga si mommy kapag may achievement ako. Binibigay niya kahit na anong hinihingi ko..."

Tumango tango lang naman ako sa sinabi niya.
Tiningnan ko ang paligid nitong van at nagtaka ako. Oo nga pala, kung sa kanya to..... Bakit hindi siya ang nagdadrive?

                    

"Eh bakit hindi ikaw ang nagdadrive? Marunong ka namang magmaneho diba?"

Napatingin siya sa akin at tumango siya.

                     

"Eh gusto kong makausap ka ng maayos eh. Kaya dito ako sa likod umupo...."

Ahhhh.... Kaya pala.

                      

"Siyanga pala VAL, mamasyal tayo mamaya ah. May bagong bukas kasi na restaurant malapit sa bayan. Balita ko masarap daw yung steak nila dun...."

Napalingon ulit ako sa kanya at umiling iling ako. Ayoko muna sigurong magpakita sa mga tao ngayon. Alam kong kriminal at mamamatay tao parin ang tingin sa akin ng mga tao dito.

Pero wala na naman akong magagawa dun, naging ganun naman talaga ako dati kaya kailangan ko nalang magtago mula sa kanila.

                   

"Bakit VAL? Ayaw mo na ba sa steak? May iba ka na bang paborito ngayon?"

Tanong niya na halatang nagtataka. Umiling iling lang naman ulit ako bilang sagot.

                   

"Hindi sa ganun VAL. Ayoko muna kasing mamasyal o lumabas. Makikita kasi ako ng mga tao tapos baka kung ano pa ang sasabihin nila...."

Nawala ang ngiti niya at tumango nalang din siya. Iniwasan niya ako ng tingin at inayos na niya ang pagkakaupo niya.

                    

"Sorry VAL ah...."

Napalingon ako sa kanya at nagtaka ako. Bakit ba siya sorry ng sorry kahit na wala naman siyang ginagawang kasalanan?

                    

"Kasalanan ko kasi kung bakit nangyari ang lahat ng to sayo. Dapat kasi hindi nalang kita iniwan at dapat dito nalang ako nagkolehiyo. Dapat kasi mas pinili ko nalang makasama ka dito kaysa sa lumayo ako. Kasi kapag nandito ako hindi mo naman mararanasan ang lahat ng nararanasan mo ngayon eh. Hindi na sana bumalik ang sakit mo at hindi ka sana nakulong sa loob ng mental hospital na yun sa loob ng halos isang taon...."

Sabi niya na parang naiiyak. Bakit ba niya sinisisi ang sarili niya? Wala naman siyang kasalanan eh.

Napayuko ako at maya maya ay napatingin ulit ako sa kanya na umiiyak na talaga. Dahan dahan akong lumapit sa kinauupuan niya at niyakap ko siya. Ayoko kasing nakikita siyang umiiyak lalo na kung ako ang dahil.

                     

"Hindi mo yun kasalanan VAL. Wala kang kasalanan. Wag mong isipin yan please...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon