✿ CHAPTER 82 ✿

31 4 5
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito ako ngayon sa labas ng terminal, nakapila na para kumuha ng ticket para sa bus na sasakyan ko. Magtataxi sana ako pero masyadong maraming pasahero ngayon kaya may mga laman na ang mga taxi. Kaunti lang kasi ang taxi dito sa barrio namin kaya ganun talaga.

Inayos ko ang hoodie at mask ko para hindi ako makilala ng mga tao. Mahirap na kasi kung pagkakaguluhan pa ako dito. Dito kasi sa barrio namin, marami talagang tao ang mapanghusga. Kapag makakagawa ka ng mabigat na kasalanan, hindi na tao ang turing nila sayo kundi hayop.

Tumingin ako sa pila kung nasaan ako at napansin ko na malapit na ako kaya naghanda na ako. Inayos ko ulit ang mask at hoodie ko saka ko tiningnan ang paligid kung may nakakakilala ba sa akin.


Naghintay ako ng ilang saglit at sa wakas ay ako na. Kukuha na sana ako ng ticket pero nagtaka ako nang tinititigan lang ako nung lalaki na nasa harapan ko at hindi manlang niya ako inasikaso.

                    

"Isang ticket nga po, papuntang Maynila..."

Mahinahon na sabi ko pero tinititigan parin niya ako. Maya maya ay napansin ko na parang iniinspeksyon niya ang mukha ko kaya kinabahan na ako. Nakikilala ba niya ako?

Yumuko ako at tinabunan ko ng hoodie ang mga mata ko para hindi niya ito makita.

                     

"Miss, pakitanggal nalang po ng mask at hoodie niyo. Kailangan po kasi naming makita ang mukha niyo...."

Nagulat ako sa sinabi niya at tiningnan ko ang mga tao sa paligid ko. Napansin ko na kaunti lang naman ang mga tao kaya napahinga ako ng maluwag. Naisip ko rin na baka hindi nila ako kilala kasi hindi naman ako masyadong kilala dito sa bayan.

Tinanguan ko nalang din siya at tinanggal ko na ang mask ko pati narin ang hoodie ko. Nang tiningnan ko siya at napansin ko na parang gulat na gulat siya kaya kinabahan na ako. Napaatras siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan narin pala ako ng mga tao habang nagchichismisan. Napalunok ako at itatabon ko na sana ulit ang mask sa mukha ko pero nagulat ako nang bigla akong tinapunan ng plastik na bote nung isang matandang babae.

Dahil sa ginawa niya ay ginaya narin siya nung iba pang mga tao habang sinisigawan nila ako. Tinabunan ko ang ulo ko gamit ang hoodie ko at tatakbo na sana ako palayo pero hinarangan ako nung matabang babae na nagbato sa akin ng water bottle kanina. Naghanap ako ng ibang pwedeng malusutan pero pinagtutulungan na talaga ako ng mga tao dito kaya napaiyak ako.

Bakit pa ba to kailanganang mangyari sa akin? Ang gusto ko lang naman ay makaalis na sa lugar nato at makapagsimula ulit! Yun lang!!!

Habang umiiyak ako ay naramdaman kong may nagtabon sa akin ng jacket kaya nagulat ako at napatigil ako sa pag iyak. Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko si VAL kaya kumunot ang noo ko. Bakit siya nandito? Diba pinagbawalan na siya ng mommy niya na makipagkita sa akin?

Bago pa man ako makapagsalita ay hinila niya ako palayo sa mga taong yun at pinasakay niya ako sa kotse niya. Pinaupo niya ako sa tabi niya at pinainom niya ako ng tubig kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

                    

"VAL, may balak ka bang iwan ako?"

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siya na parang naiiyak na. Agad naman akong umiling iling bilang sagot. Hindi. Wala akong balak na iwan siya. Hindi ko siya magagawang iwan.

                    

"Wala VAL. Kaya ko lang naman binalak na umalis kasi ayoko na dito. Ayoko nang tratuhin na parang hindi tao. Ayoko nang maging halimaw at kriminal. Gusto ko nang baguhin ang buhay ko VAL. Hindi ko na kaya dito....."

Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Dahil sa sinabi ko ay tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya at agad niya akong niyakap.

                     

"Sige VAL. Kung yan ang gusto mo, tutulungan kita. Ako nalang ang maghahatid sayo papuntang Maynila...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon