✿ CHAPTER 13 ✿

28 3 0
                                    

[Vernon's POV]

Nakatingin lang ako sa bestfriend ko na naglalakad palayo. Napayuko ako nang naalala ko yung nasabi ko sa kanya kanina na siguradong ikinagalit niya.

Maya maya ay narinig ko na may tumatawag kay Rhaine kaya inangat ko ang ulo ko. Nakita ko si Adrian na tumatakbo patungo kay Rhaine kaya napairap ako.

Kilala ko si Adrian, kahit ni minsan ay hindi niya sineryoso ang kahit na sinong babae na nagiging girlfriend niya. Ano bang pumasok sa kokote ko at naisipan kong ireto si Rhaine sa kanya? Tsk.

[Rhaine's POV]

"Rhaine!!! Hintayin mo ako!!!"

Tumigil ako sa paglalakad nang narinig ko yun. Sino ba yung punyetang yun?

Lumingon ako at nakita ko si Adrian na tumatakbo patungo sa akin kaya napangiti ako. Siya lang pala.

Huminto siya sa kakatakbo niya sa harapan ko habang hinihingal pa at nginitian niya ako.

"Bakit ba kasi ang bilis mong maglakad?"

Tanong niya pero natawa lang naman ako. Maya maya ay bigla nalang siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang bewang ko kaya nagulat ako. Hindi ko iniexpect yun ah.

"Tara na. Let's have some fun..."

Napatingin ako sa kanya at tinanguan ko nalang din siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakalabas na kami ng venue nato.

Papasok na sana ako sa kotse niya pero naramdaman kong bumaba ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko kaya napatigil ako.

Ano yun? Bakit bumababa ang kamay niya? May balak ba siya ha?!

"Bakit? May problema ba?"

Tanong niya na parang nag aalala at tinuro ko lang ang kamay niya na kung saan saan na napupunta. Agad niya akong binitawan at napakamot siya sa ulo niya.

"Sorry! Hindi ko yun sinasadya...."

Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Akala ko naman kung ano na yun. Punyeta yan.

Tinanguan ko nalang siya at papasok na sana ako sa bandang likod ng kotse niya pero hinila niya ako pabalik. Napatingin ulit ako sa kanya at kumunot ang noo ko.

"Bakit mo ako hinila?" Tanong ko.

"Kasi ayokong diyan ka umupo. Gusto ko tabi tayo..."

Sabi niya habang nagpapacute kaya natawa ako. Hindi na niya kailangang magpacute kasi kahit na anong gawin niya cute na talaga siya. Haynako naman.

Tinanguan ko nalang din siya at pumasok na ako sa harapan ng kotse niya. Tumabi din naman siya sa akin at pinaandar na niya ito.

Tahimik lang kaming nakaupo pero maya maya ay bigla niyang hinawakan ang hita ko kaya nagulat ako. Anong——

Agad kong inalis ang kamay niya at tiningnan ko siya ng masama. Kanina pa siya ah! Oo crush ko siya pero hindi nato nakakatuwa!

"Rhaine, hindi ka pa ba nagkakaboyfriend?"

Natatawa niyang tanong kaya nagtaka ako. Tinatawanan ba niya ako?

"Alam mo, kapag may boyfriend ka na normal lang na hahawakan ka niya...."

Napatingin ulit ako sa kanya at napaisip ako. Normal lang pala yung gawin ng isang boyfriend? Hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend.

Pero, wala namang kami ah. Hindi nga niya ako nililigawan kaya walang kami.

"Sobrang inosente mo talaga, eh no?"

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi. Bakit ba palagi nalang siyang ngumingisi? Namimis interpret ko yang ngisi na yan eh!

"Anyways, nandito na tayo...."

Sabi niya at inihinto niya ang kotse. Lumabas kaming dalawa at hinawakan niya ulit ang bewang ko habang papasok kami sa bahay nila.

Nang nakapasok na kami ay napatakip ako sa ilong ko dahil sa masangsang na amoy. Sobrang sama kasi ng amoy ng alak sa ilong ko. Napansin ito ni Adrian at natawa siya.

"Babe! You're here!"

Nagulat ako nang biglang may lumapit na babae kay Adrian kaya agad niya akong binitiwan. Hinila siya nito saka sila naghalikan kaya sobra akong nagulat.

May girlfriend na siya? Eh bakit——

"Babe, who is she?" Tanong nung babae nang napansin na niya ako.

"Don't mind her babe. She's just a friend. Let's go..."

Ah talaga? Friend?!

Napailing iling ako at lumabas nalang ako ng bahay nila para walang makapansin na umiiyak na pala ako. Walang kwenta yung lalaking yun! Sana pala nakinig nalang ako sa bestfriend ko!

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon