✿ CHAPTER 47 ✿

22 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, tahimik na nakaupo. Iniisip ko yung mga nagawa ko nung mga nakaraang linggo. Ang dami na kasi ng mga nangyari. At ang dami ko nang sinisekreto sa mga magulang ko pati narin sa mga kakilala ko.

Hindi parin ako makapaniwala na nagawa kong pumatay ng tao. Nagiguilty ako, pero wala akong magagawa. Kapag aamin ako sa mga pulis na ako ang gumawa nun, makukulong ako. At ayaw kong makulong.

Sabado ngayon kaya hinihintay ko ang tawag ni VAL. Kailangan ko ng kausap ngayon. Miss ko na din kasi siya, nung nakaraan kasi hindi ko siya nakausap ng maayos kasi ginugulo ako ni Hans. Ewan ko ba dun sa lalaking yun.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko at hinihintay ko itong tumunog. Sigurado akong tatawag si Vernon ngayon, ito kasi yung mga oras na tinatawagan niya ako.

Maya maya ay tumunog na nga ang cellphone ko kaya napangiti ako. Agad ko itong kinuha at sinagot ko ang tawag.

"VAL! Kamusta?!" Tanong niya.

Mas lalo pa akong napangiti nang narinig ko na ang boses niya.

"Okay lang ako VAL, ikaw?" Sabi ko.

"Medyo lang, wala ka kasi dito eh. Iba talaga yung pakiramdaman ko kapag kasama kita kaysa sa wala ka..."

Natawa ako sa sinabi niya. Ang drama naman niya. Eh sigurado naman akong nakahanap na siya ng pwede niyang maging girlfriend diyan. Like hello? si Vernon Lee pa ba? Eh babaero yan eh.

"Bakit? Hindi ka pa ba nakakahanap ng girlfriend diyan? Diba nga marami namang babae diyan na type mo?"

Tanong ko sa kanya at natahimik siya bigla kaya nagtaka ako. May nasabi ba akong mali?

"VAL? Nandyan ka pa ba?" Tanong ko.

"Oo nandito pa ako. May ginawa lang ako saglit. Atsaka, anong girlfriend ba yang pinagsasasabi mo eh wala nga akong matipuhan dito? Atsaka, nagbago narin ako ngayon dahil may totoo na talaga akong nagugustuhan..."

Ay huwaw. Talaga lang ah.

Tumango tango lang din naman ako at maya maya ay bigla nalang bumukas ang bintana ko kaya nagulat ako. Napatingin ako dun at laking pasalamat ko nang nakita kong si Hans lang pala yun. Tong lalaking to, hindi manlang kumatok.

"Rhaine, manood naman tayo ng ibang movie. Bored ako...."


Sabi pa nito at agad siyang pumunta sa mga movie tapes collection ko kaya napairap ako. Ganyan talaga siya palagi kapag pumupunta siya dito, naghahanap agad siya ng pwedeng mapanood na pelikula.

"Sige, mamili ka lang diyan. Wala si mama at papa kaya pwede nating gamitin yung DVD...."

Sagot ko naman at ibinalik ko na ang atensyon ko kay VAL na kausap ko sa telepono na kanina pa tahimik na tahimik.

"VAL, may kasama ka bang iba diyan? Parang may kinakausap ka ah...."

Tanong niya kaya napangiti ako at napatingin ako kay Hans na busy sa pamimili ng mga movie na pwedeng panoorin.

"Meron. Kasama ko ngayon ang pinsan mo, si Hans. Dun siya sa kwarto mo nakatira ngayon kaya nakakadaan din siya sa bintana mo patungo sa kwarto ko katulad ng ginagawa mo...."

Sagot ko naman at bigla na naman siyang natahimik kaya nagtaka ako. Bakit siya natahimik? May problema ba tungkol dun?

"VAL, nandyan ka pa ba?"

Tanong ko pero hindi siya sumasagot kaya nagtaka ako.

"VAL, sinong Hans na pinsan ko? Wala akong pinsan...."

Ano? Pinagloloko ba niya ako?

Natawa ako sa sinabi niya na para bang hindi ako naniniwala. Alam kong mapagbiro tong si VAL, kaya alam ko ring binibiro lang niya ako. Hindi niya ako maloloko.

"VAL, wag ka ngang mag joke diyan...." Sabi ko.

Ilang segundo siyang hindi sumagot kaya nagtataka na talaga ako. Bakit ba hindi siya sumasagot?

"Seryoso ako. Hindi kita binibiro. Wala akong pinsan kasi walang kapatid ang mga magulang ko....."

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba talaga siya nagbibiro?

Unti unti kong tiningnan si Hans na tahimik na hinahalungkat ang mga collections ko at nakaramdam ako ng kaba. Kung hindi pala siya pinsan ni Vernon, eh sino siya?

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon