✿ CHAPTER 62 ✿

21 1 0
                                    

[Rhaine's POV]

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nila. May ipagtatapat sila tungkol sa akin? Ano yun?

"Ano pong tungkol sa akin ma?"

Mas lumapit pa si mama at papa sa akin at hinawakan nila ang kamay ko. Nagtaka ako kung bakit parang seryosong seryoso talaga sila at napatingin kay Vernon na nakaupo parin sa kinauupuan niya kanina.

"Anak, wag kang mabibigla ah?"

Teka, bakit ba nila ako sinasabihan na wag mabibigla o wag magagalit? Dapat ba akong magulat sa sasabihin nila sa akin?

Tinanguan ko nalang din sila para masabi na nila ang gusto nilang sabihin tungkol sa akin.

"Rhaine anak, nadiagnose ka ng Schizophrenia nung bata ka pa. At parang bumabalik na ulit yun ngayon...."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Schizophrenia? Anong klaseng sakit yun? Bakit ngayon lang nila to sinabi sa akin?

"Ma, anong sakit yun?"

Napatingin ulit sila sa isa't isa saka sila tumingin ulit sa akin.....

"Sakit yun sa utak, anak...."

Naestatwa ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko. Anong—— Paano——

May sakit ako sa utak? Pero bakit hindi nila sinabi yun sa akin? Bakit kailangang ngayon pa kung kailan punong puno na ako ng problema?

"So ibig sabihin baliw ako, ganun ba?"

Agad na umiling iling si mama at hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Rhaine, hindi ka baliw. Wag mo naman isipin yan anak..."

Umiling iling ako dahil sa sinabi ni papa. Kung hindi ako baliw, eh anong tawag sa akin? May sakit nga ako sa utak diba?

"VAL, nung sumisigaw ka sa loob ng selda kagabi dahil nasa likod mo si Hans, ang totoo ay wala talaga siya dun....."

Napalingon ako kay Vernon at kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin niyang wala dun si Hans? Eh kitang kita ko nga siyang nakatayo sa loob ng selda ko habang may dala dalang kutsilyo!

"VAL, anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Ang sinasabi ko, hallucination mo lang si Hans...."

Anong——

Paano nangyari yun?

Sigurado akong totoong tao si Hans! Nakabuo kami ng friendship dati at halos araw araw ko pa nga siyang nakakasama!

"VAL, hindi lang siya basta lang hallucination! Totoong tao siya!"

Pasigaw na sagot ko at agad na hinawakan ni VAL ang kabilang kamay ko para pakalmahin ako.

"Totoo ang sinabi ko VAL. Hindi totoo si Hans, nasa isip mo lang siya. Kaya wala kang dapat na katakutan...."

Nasa isip ko lang si Hans? Eh pano siya nabuo sa isip ko? Bakit nag imbento ng ganung klaseng tao ang utak ko?

At kung hindi totoo si Hans, eh sino yung pumatay kina Adrian at Kenneth?

"Kung ganun VAL, sinong pumatay kina Adrian at Kenneth?"

Tanong ko at bigla siyang umiwas ng tingin. Tumingin muna siya sa parents ko bago niya ibinalik ang tingin niya sa akin.

"Ikaw..... VAL...."

Ano?!

Napatulala ako dahil sa sagot niya. So all along, ako lang pala mag isa ang gumawa sa mga krimeng ginagawa namin ni Hans.

So, tatlong tao pala ang napatay ko. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlo. Mamamatay tao nga talaga ako.

Napaiyak ako nang naisip ko yun at agad naman akong niyakap ni VAL. Bakit kailangang mangyari sa akin to? Bakit ako nilinlang ng sariling mga mata ko? Bakit inimbento ng utak ko si Hans?

"Wag ka nang umiyak VAL. Kaya din namin sinabi to kasi hindi ka na babalik sa presinto bukas. Pagkatapos mong magpagaling, didiretso na tayo sa...... mental hospital...."

Umiyak ako habang nasa balikat niya ganun nadin ang mga magulang ko. Mula pagkabata, hindi ko alam na may sakit pala akong ganito. Pero bakit ngayon lang to sinabi ng mga magulang ko? Kung sinabi lang sana nila kaagad edi sana hindi na nangyari to!

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon