[Rhaine's POV]
Nandito ako ngayon sa garden, nagdidilig. Wala kasi akong ibang magawa tapos medyo matagal na mula nung diniligan ko tong nga bulaklak dito. Garden kasi namin to ni Vernon nung bata pa kami. Kami ang nag alaga nito kaso nga lang masyado kaming naging busy kaya napabayaan na namin.
Mag isa lang ako sa bahay ngayon, nasa trabaho si mama at papa tapos umuwi narin sa kanila si Summer. Ewan ko rin kung nasan na yung bespren ko, nambababae na naman siguro. As always naman.
Tahimik lang ako pero maya maya ay biglang may kumalabog dun sa malayo kaya napatigil ako. Ano yun? Eh ako lang naman mag isa dito?
Kumunot ang noo ko at naisip ko na baka tenga ko lang talaga ang may problema kaya ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.
Maya maya ay may kumalabog na naman dun kaya napatigil ulit ako. Ano ba talaga yun? Nakakakaba na ah!
Dahan dahan ko yung nilapitan at hinanda ko na ang mga kamao ko habang tinititigan ko yun. Kung sino man yun, babasagin ko talaga ang pagmumukha niya.
Huminto ako dun sa isang malaking halaman at naghanda na ako. Huminga ako ng malalim saka ko sinilip ang likod nito pero wala namang kahit na ano o kahit na sino ang nandito.
Kumunot ang noo ko at napansin kong gumagalaw rin yung isang halaman kaya yun naman ang nilapitan ko.
Titingnan ko na sana ang likod nito nang——
"BULAGA!!!!"
Dahil sa sobrang pagkagulat ko ay dali dali kong sinuntok yung nanggulat sa akin kahit na hindi ko naman alam kung sino yun. Eh pano kasi, nanggugulat! Hindi ko na tuloy napigilan ang mga kamao ko! Punyeta!
Tiningnan ko kung sino yung nasuntok ko at nagulat ako nang nakita kong si Vernon pala ito. Napahawak siya sa mukha niya habang namimilipit sa sakit. Medyo nalakasan ko talaga siguro ang pagkasuntok ko nun. Well, buti nga sa kanya.
"Aray! Bes bakit ka ba nanununtok ha? Ang sakit eh!"
Inirapan ko lang siya at napailing iling ako. Kung hindi lang sana siya nangugulat, hindi ko din sana siya nasuntok ngayon.
"Eh bakit ka kasi nanggugulat?"
Sumbat ko sa kanya pero inirapan lang niya ako. At may pairap irap pa talagang nalalaman.
Napatingin ulit ako sa kanya at napansin kong nasasaktan parin siya sa ginawa kong pagsuntok sa kanya kaya nilapitan ko siya. Inalis ko ang kamay niya na nakatabon sa mata niya at nagulat ako nang nakita kong may black eye pala siya.
"Masakit ba yan?"
Tanong ko sa kanya at tinanguan naman niya ako. Dinala ko siya sa loob ng bahay namin at pinaupo ko siya sa sofa. Kumuha ako ng icebag at iba pang pampawala ng sakit dun sa black eye niya.
"Bes, bakit mo ba kasi ako sinuntok? Gusto ko lang naman sana kitang isurprise eh. May sasabihin kasi ako...."
Napatingin ako sa kanya at inirapan ko siya. Umupo ako sa tabi ng kinauupuan niya at sinimulan ko nang lagyan ng icebag ang mata niya.
"Eh nanggugulat ka kasi! Anong surprise ba yang sasabihin mo ha at bakit parang ang saya saya mo? May bago ka na naman bang girlfriend?"
Umiling iling siya kaya nagtaka ako. Eh ano?
"Hindi Bes. Wala pa akong girlfriend sa ngayon. Ka-MU palang meron ako..."
MU? Ano yung MU? Malanding Ugnayan?
"Ano yung MU?"
Napairap na naman siya kaya idiniin ko ng husto ang ice bag na hawak ko sa mata niya kaya napasigaw siya dahil sa sakit. Ayan, iirap irap pa kasi. Eh kung sagutin nalang kaya niya ang tanong ko?
"Bakit ba kasi sobrang inosente mo? Ang ibig sabihin ng MU ay "Mutual Understanding"!"
Tumango tango lang naman ako. Yun pala ang ibig sabihin nun.
"By the way, ano yung sasabihin mong surprise?"
Napangiti na naman siy na parang loko kaya nagtaka ako.
"Sa L.A ako magcocollege! Aalis na ako next week!"
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...