Kevin's POV
Syete naman oh! Kapag minamalas ka nga naman! Hindi masusundo ni Kurt ngayon si Maira dahil may aattendan daw siyang contest kuno. Hay nako mahirap palang maging matalino palagi kang sinasali sa mga contest contest na yan, buti pa ako gwapo, pero syete problema din ito eh, palaging pinagkakaguluhan sa school. Syeteng malaki! Minsan napapaisip na ako sa pamilya namin, sinumpa na ata eh, mga walang awa! Pero syempre joke lang, kahit sinumpa pa man ang pamilya namin, at least gwapo ako at may kakambal akong matalino. Paano kaya kung hindi kami naging kambal at naging isang tao lang kami? Edi ayos! magiging matalinong gwapo ang anak ni Mommy! O di kaya naman ay magiging gwapong matalino? Ano sa tinggin niyo ang mas bagay?
Kakatapos ko lang kumain ng magpagpasyahan ko na sunduin itong si Maira, syete naman oh! Kung hindi lang para sa plano pababayaan ko na yon, konting tiis na lang Kevin at makakabawi ka na sa kanya. Paano ko nalaman? ewan nararamdaman ko na malapit na eh, pakialam nyo ba?
Pagkadating ko sa tapat ng bahay nila Maira ay wala pa sya doon, tsk ang bagal talagang kumilos ng mga babae! Nakakainip at nakakainis! Bababa na sana ako kaso lumabas na si Maira sa bahay nila, pero mukha siyang nagtataka, luh? anong problema nito?
Nang sundan ko ng tingin ang kanyang tinitinggnan, shit!
Nakatingin siya sa kotse ko, at parang pinagmamasdan pa. Wrong move self, wrong move!
Syete baka makahalata toh! Agad na akong bumababa sa kotse ko ng makaharap na siya sa kotse, pinagbuksan ko siya ng pinto para naman malipat ang atensyon niya. Mukhang hindi naman ako nabigo dahil biglang namula yung pagmumukha niya, syete ang cute, ha eh, tsk a cute sinong cute? syete naman oh Kevin loyal ka kay Scian diba? diba??? Arghhh nahahawa lang siguro ako kay Kurt, kwento kasi ng kwento tungkol kay Maira tsk tsk si bal nga naman.
"Parang iba ang ayusan natin ngayon ah, may lakad ka?" sabi ko pagkapasok sa loob at sinimulan ng paandarin ang kanyang kotse. Nililigaw ko ang atensyon niya kanina pa kasi siya palinga linga sa loob ng kotse ko.
"Ahhmmm hehe, for the change lang siguro?" simpleng tugon niya. Ang ayos niya tinggnan ngayon mukha siyang tao. Ang dati niyang pasabog sabog na buhok ngayon nakapuyod na, pwede naman itong mag-ayos eh, edi nagmukha sana siyang tao noon pa man!
"Mabuti naman kung ganon, mas disenta ka kasing tinggnan"
"Hey Maira are you still listening?" sabi ko habang nakatuon ang atensyon sa pagdadrive. Konti na lang at nasa school na kami. Pero lumipas na ang isang minuto wala manlang siyang response, problema nito? Nagdeday dreaming ba ito? Winagayway ko naman yung isa kong kamay para naman magising na siya, pffftt. Cute. Arggghhh scratch that shit!
"Ahmm hehe sorry may iniisip lang ako" nahihiya niyang response sakin, problema ba nito? Mukhang malalim ang iniisip niya ngayon
"Oh okay, basta kapag may problema ka, open up ka lang sakin, I'm always ready to listen" I said in full of honesty, well ganyan din naman siguro ang sasabihin ni bal kapag kaharap niya si Maira ngayon. I'm just doing my part here.
"Ahh hehe sige sabi mo eh" nahihiya niyang sabi.
"Anyway kanina ko pa sinasabi na nandito na tayo sa school" sabi ko sabay baba sa sasakyan, at pinagbuksan ko ulit siya ng pinto, tsk hirap magpanggap na gentleman mabuti ga kung si Scian ito edi feel na feel ko na ang pagiging gentleman baka magkaroon pa ako ng award.
"Salamat" simpleng sabi nya sa akin at ngumiti naman ako. Syete ang ganda ng mga ngiti niya. Hay ano ba yan nahahawa na nga talaga ako kay bal, sa susunod hindi na nga ako makikinig sa mga kwento neto dinadamay pa ako eh.
"Tara na sa classroom" pagyaya ko, wala na naman kasi kaming pupuntahan, hindi naman kasi si Kurt ang naghatid sa kanya kaya wala nang dahilan pa para pumunta sa kung saan. Alam niyo na ang tinutukoy ko.
Bumalik muna ako sa kotse ko para kunin yung bag ko na nasa back seat. At ng makuha ko na bumalik naden kaagad ako kay Maira at nakangiti padin siya, ano bang problema nito? Palagi na lang nakangiti, ngumiti na lang ako pabalik para hindi maging awkward ang atmosphere.
Nang makadating na kami sa classroom, pumasok na kami sa loob. Ano pa bang gagawin? Alangan naman na tumunganga pa kami sa labas?
"Hoy Maira ikaw ah haba ng hair mo" pakinig kong sabi ni Jade kay Maira pagkaupo nito.
"Luh, ako lang toh no?" pagsakay nya naman sa trip niya, nagtawanan naman silang tatlo.
Nakatingin lang ako sa gawi nila, bigla na lang bumulong si Scian kay Maira, syete! ano kaya yun? Nakakacurious naman! Siguro itanong ko na lang kay Maira mamaya pero baka makahalata, hay wag na nga. Napatingin naman silang tatlo sa gawi namin, kaya agad akong nag-iwas ng tingin baka sabihin pa nila na tinititigan ko sila.
"Ahmmm di ko pa sure eh" sabi ni Maira, luh? ano yon? baka naman sa mga outputs or projects lang namin. Oo nga naman baka dun lang nga, napaka OA ko naman mag-isip.
"Dahan sa pagtitig baka matunaw yan" biglang bumulong ang mokong, tsk si CJ. Nang-aasar na naman.
"Matutunaw muna yang mukha mo" naiinis kong sabi. Lakas talaga mang-asar neto eh.
"Paano kaya matutunaw ang mukha nitong mokong na ito Kevin, mag-isip ka nga!" patawa tawa pang sabi ni Ash, psh ayos din ang isang toh eh, minsan na nga lang dumaldal kakampi pa sa pang-aasar ni CJ sa akin. Pasalamat sila kaibigan ko sila kung hindi.
"I'm just looking at my lady" patay malisya kong sagot.
"Who? Maira or Scian?" lalo pang nang-aasar itong si CJ.
"Alam naman nating tatlo kung sino diba?" nanggigil kong sagot.
"Ahhh si Maira" painosenteng sagot ni CJ. Aba loko toh ah. Si Scian ang tinutukoy ko si SCIAN!
"Oh chill Kevin! Napaghahalataan ka naming DE-FEN-SIVE" pang gagatong pa ni Ash.
Iimik pa sana ako ng magring na ang bell at dumating na ang first period techer namin. Mamaya kayong dalawa sakin, mga mokong pinagtulungan ba naman ako.
Pero napaisip din ako, sino nga ba talaga yung tinititigan ko kanina?
Syempre si ano.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...