<92> End

34 7 0
                                    

Kevin's POV

Maghapon, magdamag kong tiniis ang sakit ng katotohanan. Nagkulong ako sa kwarto ko at doon pinalipas ang poot na dinadala ko ngayon. Gusto kong magwala, gusto kong magalit, gusto kong sumigaw. Pero para saan pa? Mababago ba noon ang katotohanan na posibleng magkapatid kami sa ama ng girlfriend ko? 

Bakit kasi siya pa?

Bakit yung taong pinakamamahal ko pa ang magiging kapatid ko? Bakit hindi na lang iba? Gusto ko lang naman na magmahal at mahalin. Si Princess na yun eh. Siya na yung babaeng ihaharap ko sa altar, siya na dapat yung magiging nanay ng mga anak ko, siya na dapat ang ipagmamalaki ko sa buong mundo. Pero magagawa ko pa ba ang lahat ng iyon? Parang napaka imposible na kasi magkadugo kami, at taliwas sa lahat ng batas ang magmahal ng sarili mong kadugo. 

"Arggghhhh!!!!!!" malakas na sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ipaglalaban ko pa ba o isusuko ko na? 

Kailangan ko ng itigil, para hindi na masakit pa kapag nagtagal na. 

Wala sa sariling lumabas ako ng kwarto, lumabas ng bahay at dumiretso sa pinakamalapit na convenience store. Bumili ng napakaraming pake ng sigarilyo at bote-boteng alak. 

Pagpasok ko muli sa bahay halos lahat ng katulong namin nakatinggin sa akin, kaya sinamaan ko sila ng tinggin, kaya agad naman silang kumilos at ipinagpatuloy ang mga trabaho nila. 

Muli akong nagkulong sa kwarto, itinapon ang mga sigarilyo sa kama at ang mga alak naman ay inilagay ko sa sahig. Magbubukas na sana ako ng pakete ng sigarilyo ng may dumaan sa utak ko. 

"Huwag ka ng babalik sa dati ah?" malambing na pakiusap sa akin ni Princess. Ito ay noong nasa hospital pa kami, pagkatapos ng pagsupresa niya sa akin, at sa araw na ito ganap na kaming magkasintahan. 

Bakit siya na naman ang naalala ko? Diba dapat kailangan ko na siyang kalimutan? Kelangan ko ng putulin ang komunikasyon namin. Para din naman ito sa amin, papakawalan ko siya dahil mahal ko siya. 

Mahal na mahal

"I'm doing this for us, for you. Para hindi na tayo masaktan pa" salaysay ko sa hangin. Bawat salitang binibitawan ko ay parang sinusuntok ang puso ko. Akala ko kaya kong indahin ang lahat ng klase ng suntok, pero hindi pala. Kaya kong indahin ang suntok ng pakikipaglaban ko sa iba pero ang pagsuntok sa puso ko wala akong magawa kundi hayaan na lang. 

"KALIMUTAN MO NA SIYA KEVIN!" sigaw kong muli at binuksan ang mga alak na nakahain sa akin. Nilaklak na parang walang bukas, nilunok na hindi pinapakiramdaman ang pait at ang tama nito sa sistema ko. 

Inom, yosi, inom, yosi. 

Ang ginawa ko sa magdamag, hanggang sa nakaramdam na ako ng hilo. Tinatamaan na nga ata ako ng alak. Inaantok na ako. 

"I'm sorry" wala sa sariling sambit ko. 

"Sorry kung kailangan kong bumalik sa dati para lang makalimutan ka" pagpapatuloy ko. 

"Kailangan kong sumalungat sa nararamdaman ko para tapusin ang lahat" 

"Mahal na mahal kita Princess, yan ang palaging tatandaan mo" ang mga huling katagang binitawan ko bago bumigat ang talukap ng mata ko. 

****

Kasalukuyan akong naririto sa puntod ni Dad. Siya man ang biological o hindi, nagpapasalamat ako kasi naging ama siya sa akin, sa amin ni Kurt.

"K-Kevin? Nag-inom ka ba?" rinig kong alinlangang tanong ni Princess sa akin.

"You don't care" malamig na pakikitungo ko rito. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon