<8> His Plan

83 8 0
                                    

Kevin's PoV

Nang matapos na ako sa pagkwekwento kanya kanyang tango ang dalawa kong kaibigan. Si Kurt naman halatang inaaalala padin ang pagsang-ayon niya sa plano ko at ang pagtulong sa akin. Hay iba na ata ang tama ng kakambal ko kay Maira ah. Ano bang meron sa babaeng iyon at nagustuhan nitong kakambal ko? 

"Now I get the point" wika ni Ash habang nakalagay ang kanyang kamay sa kanyang baba. Halatang kakagaling lang nito sa malalim na pag-iisip kaya ganoon ang pwesto niya. 

"I still don't get your plan" naiinis na wika ni CJ. Scratch the slow, let's go straight to the point, Bobo na ata ito eh, tsk tsk, pero kahit ganyan yan kaibigan ko paden yan, kaya joke lang hehe.

 "What's your plan Kevin?"paawang dagdag niya pa. 

"Kahit kailan talaga CJ ang slow mo" reklamo ko kaya naman lalo pa siyang naging isip bata, hindi lang sa isip dahil kung umakto siya ay para siyang bata na pinagdadamutan ng gusto. 

"Eh sa slow eh. Ano bang magagawa ko?" maktol niya pa at nagpapadyak at tumalon talon pa na parang tanga. 

Anong trip niya sa buhay? Balak niya na bang bumababa sa impyerno kaya balak niyang sirain ang sahig ng bahay namin para makarating doon?

Biro lang.

"Sus inamin din" sabat pa ni Kurt. Pagtawa tawa pa niyang wika, si Ash natatawa naden pinipigilan lang. Close na kaming apat, dahil kapag bakasyon ay nandidito sila sa bahay at tumatambay at minsan nadadatnan nila si Kurt rito kaya naging magkakaibigan nadin kami.

"Wala ka na dun Kurt" inis na sabi nito. Aba't ang mata'y singkit na sa sobrang inis. Para siyang batang tsino dahil sa pagsingkit ng mga mata niya. Akala niya ikina-cute niya yun? Ulol mukha siyang tangang nag-iinarte sa loob ng kwarto ko.

Nagtaas naman ng kamay si Kurt. Yung tipong parang sumusuko na siya. Ayaw niya kasi makipag away. Mabait yang kapatid ko, kung gaano siya kabait ganoon naman ako kasama sa iba. Ewan ko ba kung bakit nagkaganto ako. Spoiled kasi ako at si Kurt naman ay ganoon din pero tumatanggi siya di kagaya ko na panay ang tanggap.

"Sabihin mo na lang kasi ang plano mo" nagmamakaawang sabi ni CJ, para siyang bata. Hindi na lang 'parang' dahil isip bata talaga siya.

"Okay I'll tell it" pagsuko ko. At para naman siyang nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ko. 

 "But in one condition" dagdag ko pa. Kung mapapansin nyo mapagsamantala ako sa mga bagay bagay. Kasi naniniwala ako na kapag may pagkakataon sunggaban mo na, malay mo yun na lang ang last chance para sayo tapos hindi mo pa kukunin. If you a chance, grab it already! Minsan lang dumating sa buhay ang mga pagkakataong ganito kaya dapat hndi mo na pinapalagpas pa.

"Ano yun?" kunot noong balik tanong ni CJ sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin ang kondisyon ko.

"Wag na wag mong sasamahin si SCIAN sa koleksyon mo ng babae" pagsagot ko sa tanong niya. At talagang diniinan ko yung pangalang 'scian' para ma-gets niya agad. As far as you can see, obvious naman na may gusto ako kay Scian diba? At hindi ko siya magawang pormahan dahil sa lintek na babaeng piling Bad Girl. Panira talaga siya kahit kailan, kaya kung magtatagumpay man ako sa plano kong ito edi good! Mapapasakin na din sa wakas ang taong gusto ko. Magtatagumpay ako kahit na ano mang mangyari. 

"Oo Promise" nakataas pa ang kanang kamay niya na parang nagpapanata noong sinabi niya ito sa akin. Lahat naman ang nakarinig niyon kaya kung sakaling bumaliko siya sa usapan may mga witness ako rito. 

"Okay. I trust you" pagtitiwala ko sa kanya. 

"Now tell us your plan" parang batang sabi ni CJ. Gusto kong matawa sa mukha ni CJ ngayon kasi talagang hindi siya titigil hanggang hindi maliwanag sa kanya ang lahat. Pero not this time, baka idagdag niya si Scian sa koleksyon niya. Mahirap na. 

"Since hindi naman natin ka-school si Kurt. Siya gagawa nang panliligaw kay Maira. Actually parang sa school magkaaway pa kami pero kapag kami na lang dalawa I'll do some moves. You know what I mean right?" tumango tango naman siya parang maamong tumpa ito ah. 

"Tapos pag nasa bahay na siya si Kurt naman ang tutuloy noon. Kapag sinagot na niya ako si Scian naman ang liligawan ko. So what I meant is sasaktan ko na siya" pagpapaliwanag ko rito. Sana naman ay nakuha niya na ang pinaplano ko. Kasi kung hindi babatukan ko na ng pagkalakas lakas at ng umalog alog ang utak niya para naman gumana ng maayos, puro kasi babae ang laman ng utak.

"Eh pano yung mama ni Maira, baka sugurin ka niya dito?" tanong naman ni Ash. Aba may bibig pa pala ang isang ito, akala ko tuluyan na siyang naging hangin. 

"At dun na papasok ang pagpapakilala ni Kurt" dagdag ko pa. Sa totoo lang hindi ko din alam kung saan tutungo ang pinaplano kung ito pero bahala na basta makaganti ako kay Maira ay ayos na sa akin iyon, that's my goal, to hurt her, to hurt her feelings.

"At huwag mo nga munang alalahanin yun! Saka na natin problemahin kapag napasagot ko na siya" dagdag ko pa.

"Oo nga panira ka ng moment ng may moment eh" malokong sabat ni Kurt.

"Hindi ko alam kung saan papunta yang plano basta susuportahan pa din kita" sabi ni Ash na nakakunot na ang noo. Halatang hindi siya masyadong kumbinsido sa plano ko. Hmmm? Parang ngang may kulang sa plano ko Eh. Pano kaya kapag...... 

Hayst bahala na nga. Bahala na si Kurt dun. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang magtiwala sa kanya para makaganti sa manang na si Maira. 

Hindi naman siguro mabibigo ang plano ko, detailed na ito kung titinggnan. Walang nakakaalam sa school na may kapatid ako. Kaming tatlo lang nina CJ at Ash ang nakakaalam na may kakambal ako na si Kurt. 

"Ay ikaw lang?" biglang reklamo ni CJ kay Ash, kaya napabalik ako sa ulirat. Ito talagang si CJ! Nako para talagang bata. 

"Syempre tayong lahat!" sabat muli ni Kurt. At sabay sabay silang naghiyawan.

Ito na ang simula ng lahat.

Well be prepared Shamaira. My revenge is near. And I'll make sure you'll be bursting in tears sisguraduhin kong ako padin ang mananalo, hinding hindi mo ako matatalo, Maira, hinding hindi ko papayagan, Bad Girl.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon