<98> DNA Testing

35 4 0
                                    

Kevin's POV 

Nakatanaw lang kami ni Princess sa labas, hindi kami kalayuan kaya naman kitang kita at rinig na rinig namin ang mga pinag-uusapan ni Mommy, Tita Shaina, at Tita Shine. Malamang sa malamang ay alam na nila ang ginawa ni Mommy noon. Nasagot na din ang matagal ko ng katanungan sa isip ko. Kaya naman pala kahit anong gawin kong pakiusap kay Mommy noon, hindi niya tinatanggal si Princess sa Memorial High. Akala ko naman ay dahil sa scholar ito o kaya dahil sa pagiging matalino nito kaya hindi siya pwedeng patalsikin na lang basta basta. Yun naman pala ay dahil anak siya ng matagal niya nang kaibigan. Ngayon maliwanag na sa akin ang lahat, kaya pala palagi akong nagtataka noon dahil napapansin ko na siya lang ang walang kaibigang inuuwi sa bahay. Si Dad meron, paminsan minsan nga lang. At kaya pala may pagkamasungit si Mommy kapag may gustong makipagkaibigan sa kanya ay dahil sa hindi niya kayang palitan ang mga tunay na kaibigan niya, sina tita Shine at tita Shaina. Hanga na ako sa katatagan ng pagkakaibigan nila, kahit na nilayuan na ni Mommy sila tita hindi padin siya kinakalimutan ng mga ito. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay may pagmamahal padin bilang isang kaibigan sa mga puso nila. Bihira lang makahanap ng mga ganoong kaibigan at napakaswerte nila dahil isa sila sa mga masweswerteng iyon. 

At sa nakikita ko isa din sina Princess, Jade at Scian sa mga iyon. Ako na mismo ang nakawitness ng pagiging matatag nila. Minsan ko ng ginambala ang pagkakaibigan nila pero hindi padin sila naging watak watak. Parang napakaimposible pa nga noon eh, lalo na't mayroon silang bagong miyembre. Si Jace, isa pa yun, alam kong nasa tamang circle of friends na siya ngayon kasi noon halos napipilitan lang ang lahat na pakisamahan siya dahil sa pagiging maldita niya. At yung iba naman ginagamit lang siya para makaangat. Naawa nga ako sa kanya eh, kasi gamit na gamit na siya tas ginamit ko pa siya noon, buti na lang at may nagpaintindi sa kanya kung gaano kahalaga ang sarili niya. At nagpapasalamat ako doon dahil tama na ang landas na tinatahak ni Jace. 

Bigla tuloy akong napaisip. Kami kayang tatlo nina CJ at Ash? Matatag na ba ang pagkakaibigan namin? Kung hindi, kaya naman namin patatagin diba? Palagi kaming nandito sa isa't isa kapag may namomroblema ang isa sa amin. Handa naming saluhin ang ibang problema para lamang hindi mahirapan ang isa sa amin. Si CJ laging nandiyan para magpasaya sa amin, oo isip bata siya pero yun ang paraan niya para pasayahin palagi ang isa sa amin. Si Ash naman ang magaling magsolusyon ng mga bagay bagay, oo cold siya pero may dahilan ang lahat ng iyon. At ako naman, ano nga ba ang ambag ko sa pagkakaibigan namin? Basta ang alam ko lang gwapo ako, bukod doon ay handa akong tumulong sa mga problema nila. Si CJ, problemado yan sa pamilya niya pero sa tuwing naglalabas siya ng saloobin sa akin, sa amin, nagiging okay naman siya. Oo playboy siya, pero nawala ang lahat ng iyon ng muling bumalik ang tunay na minamahal niya. Si Ash, problemado din yan sa family niya dahil siya lang ang nag-iisang anak, siya ang magmamana kaya naprepressure siyang mag-aral ng mabuti para lang maabot niya ang standards ng mga magulang niya. Problemado din siya dahil sa unang pagkakataon, nagkamali siya sa mga desisyon niya at dahil doon nawala ang taong iniingatan niya. Pero nandito ako, kami, para alalayan siya sa pinagdadaanan niya, sinusubukan niya naman ayusin ang lahat at handa kaming tumulong sa kanya. 

Si Kurt? Yan kakambal ko yan, pero parang kaibigan ko na din yan. Magkaiba man kami ng eskwelahan, hindi naman kami nawawalan ng oras sa isa't isa. Wala siyang circle of friends sa school na pinapasukan niya dahil wala na siyang oras para doon. Pero kahit wala siyang kaibigan doon, nandito naman kami nina CJ at Ash para maging kaibigan niya. Si Kurt ang magaling magpaintindi ng mga bagay bagay sa amin, handa niyang ipaliwanag ang mga hindi namin naiintindihan. Pang eskwelahan man yan o pang personal na buhay. Inaalam niya muna ang mga side ng magkaibang panig bago siya magsalita. Wala akong masabi, mahusay siya, napakahusay ng kapatid ko. 

****

"Guilty or Not Guilty, hindi na virgin?" makahulugang tanong ni Jace sa aming lahat. Nandito kami sa ospital at naglalaro ng Guilty or Not Guilty. Hindi kami dumayo sa hospital para maglaro, naririto kami para magpa DNA testing na, para magkaalaman na. Nagkataon naman ng dumating kami ay saktong kakaalis lang ng doctor na naka assign sa amin kaya ito ang naisip naming paraan para patayin ang oras sa paghihintay. Kaming walo ang naririto, hindi ko nga alam kung bakit sumama pa sila dito eh, hindi naman sila ang itetest. Pero ayos nadin dahil parang nagiging isang ganap na grupo na kaming walo. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon