<74> Conversation

54 7 0
                                    

Kevin's POV

Hindi ko alam kung anong magiging unang reaksyon ko nang mapagtantong si Princess pala ang nakabangga ko at higit pa roon ay ang nalaglag niyang cellphone ay yung bigay ko pa sa kanya noon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ako mismo ang bumili noon para sa kanya. 

Akala ko iyon lang ang pamilyar na gamit niya para sa akin pero hindi, maging ang relo niya ay ang kapareha ng relo na suot suot ko palagi. 

It's our couple watch. 

Hindi doon nagtapos ang pagkamangha ko sa pangyayari dahil maging ang damit niya ay ang kaunaunahang gamit na binigay ko sa kanya. Hindi naman siguro ako naghahallucinate, dahil iyon talaga ang damit na iyon. Yun ang sinuot niya noong papaalis na kami, kung paano niya sinuot noon ay yun din ang pagkakasuot niya ngayon. 

"Are you done checking my beauty?" wika niya kaya natauhan ako, kanina pa pala akong nakatitig sa kanya.

Wala sa sariling napatango ako, na sana hindi ko na lamang pala ginawa kasi nagmukha akong guilty.

"Can I get my phone now?" tanong niya kaya nagtaka ako. Ito ba ang gamit niya pading cellphone? Bakit hindi niya pa pinapaltan? Kayang kaya niyang paltan ang lahat ng ito, mula sa cellphone na ito, sa relo, at sa damit na ibinigay ko sa kanya pero bakit hindi niya ginawa iyon? Hindi kaya may halaga padin ito sa kanya? Hindi kaya ay may nararamdaman padin siya sa'kin?

"Your phone?" nagtataka kong saad, kung makompirma ko ang nasa isip ko hindi ko na papapalampasin ang pagkakataon na ito.

"Yes, my phone. Give it to me" she demanded, confirmed. I won't waste any time, this is a one-time opportunity so I better grab it.

"Pwede pa tayong mag-usap?" biglang tanong ko. This is the only way I can think right now.

"Nag-uusap na tayo" pangbabara niya sa akin. Okay, I'm stunned about that, ni minsan nung nakasama ko siya ay hindi niya pinagsalitaan ng ganoon. Did I really hurt her that much kaya siya nagkakaganto? She's becoming a Bad Girl, literally.

"In a private place" dugtong ko sa tanong ko kanina. 

"We're already in a Private School, kaya nasa private place na tayo" pangbabara niyang muli.

Napabuntong hininga ako at kinapitan ang bridge ng ilong ko. Pagpasensyahan mo na Kevin. 

Patience, konting tyaga lang.

"You'll talk to me or else I'll kiss you in front of everyone" I suddenly said which made her shock. 

Oh, she didn't change that much, I still know her weakness. 

I smirked at my thoughts.

But it's kinda weird right now because I forgot that we're still in the classroom, our classmates are secretly watching us. So I glared at them, yung iba ay nagpanic at biglang umalis, yung iba naman ay nagkunwaring hindi nakikinig at pasimpleng umalis. 

Mabuti na lang at hindi napansin ni Princess ang ginawa ko kasi halatang gulat padin siya.

"Okay fine!" pagsang-ayon niya sa kagustuhan ko. 

Finally, she agreed. Hindi ko na dapat masayang ang chance na ito. 

"Okay, follow me then" sambit ko at nagsimula ng maglakad bitbit padin yung cellphone na binigay ko sa kanya noon. 

****

School Garden, dito kami mag-uusap. Ito ang napili ko kasi hindi kalayuan sa classroom namin at minsan lang puntahan ng mga estudyante. Kadalasan na kasi silang nakatambay sa mini park ng eskwelahan o di kaya naman ay sa quadrangle. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon