<72> I Want Her Back

67 7 0
                                    

Kevin's POV

"Si Maira na ba talaga yun dude?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni CJ.  

"Laki na ng pinagbago dude, mababawi mo pa kaya yun?" dagdag pa nyang tanong. 

Kanina pa akong tulala at iniisip ang mga sinasabi kanina ng Prinsesa ko. 

And of course to let everyone know that I'm better than I'm before. Particularly to that one person. Who broke me once, who played my heart, who let his pride on top so he took revenge on me. Don't worry I won't do the same game you did to me before, it's kinda plain. Just wait for it and let me see how you'll suffer to my revenge game. 

What is she pointing out? What's the revenge game she's saying? 

"Kevin hoy nakikinig ka ba?" pangungulit ni CJ.

"Tinatanong pa ba yan? Obvious na naman" sabat ni Ash. 

Napapakinggan ko naman ang mga pinagsasabi ng isip bata sadyang hindi ko lang iniintindi. Simula ng umalis si Princess kanina sa gym hindi na sya nawala sa isipan ko, at noong pinaalis na kami doon dumiretso na kagad kami sa tambayan namin. At simula ng makarating kami rito nangulit na ng nangulit si CJ sa akin. 

"Hoy, kanina ka pa tulala diyan. Oks ka lang ba?" tanong ni CJ at inihara pa ang mukha nya sa tinititigan ko kanina pa. Kaya dahil doon ay sinamaan ko siya ng tinggin. 

"Okay lang ako CJ wag kang makulit" imik ko rito. 

"Himala may bibig ka pa pala" biglang singit ni Ash. Hindi ko na lang siya pinansin at muling inalala ang mukha ng pinakamamahal ko. 

"Posible bang mawala nag bibig, Ash? Diba hindi naman?" nagtatakang wika ni CJ.

"Tang-" hindi na tinuloy ni Ash ang sasabihin at kagaya ko ay napatampal na lang din siya noo niya. 

Simula ng makaalis si Princess sa bansa na ito, napansin ko ang pagbabago nila. 

Si CJ na dati ay OA lang at minsan lang nagiging childish, ngayon ay nasobrahan na. Palagi na lang siya nag-iisip bata pero nakakausap padin namin yan ng maayos kahit papaano. Sadyang mag-expect ka na, na hindi na mawawala sa kanya ang ganoong anyo. Kung meron mang nagbago sa kanya na mabuti, ay siguro yung hindi na sya babaero. Nabalitaan ko na nagseseryoso na siya sa isang malas na babae. Ewan ko na lang kung anong ganap sa kanila. 

Si Ash naman kung dati paminsan minsan lang umiimik ngayon ay palagi nang nakikisabat sa usapan namin. Hindi padin naman nawawala ang pagiging masipag sa pag-aaral nya, siya padin ang top sa Memorial Prime. At napapansin ko na madalas na siyang pawala wala at paminsan minsan na lang namin nakakausap. Kung sabagay minsan na lang din kami magsama-sama dahil may kanya kanya kaming inaatupag sa buhay namin. Hindi ko na lang din sila pinipigilan dahil buhay naman nila yun. 

Kung sa buhay ko naman ang pag-uusapan. Madami nang nagbago simula ng nawala siya. Kung dati ay paminsan minsan lang ako umiinom ngayon napapadalas na at natutunan ko na din manigarilyo. Nakikipag basag ulo kung saan-saan at kung kani-kanino. Pero syempre ginagawa ko lang ang lahat ng iyon kapag wala sila sa paningin ko. Hindi ko pinapaalam sa kanila ang mga gawain kong iyon dahil alam kong pagbabawalan nila ako. Pero sa mga gawaing iyon natatakasan ko ang sakit na nararamdaman ko at syempre ang mga katangahan kong ginawa sa kanya. Sa paraang iyon nakakalimutan ko panandalian ang mga problemang kinahaharap ko. 

"Oh ngayong nakabalik na ang niloko mo, ano nang gagawin mo?" dire diretsong tanong sa akin ni Ash. 

Sinamaan ko muna sya ng tinggin bago ko sagutin ang tanong niya. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon