<52> Pagdududa

51 7 0
                                    

Kevin's POV

Pagkagaling ko sa restaurant ay dumiretso muna ako sa tambayan namin paniguradong nandoon pa naman sila, maaga pa naman para magsimula ang panghapon na klase. 

Pagkadating ko ay si Ash na lamang ang nandoon, tahimik siyang nagbabasa ng libro niya.

"Oh dude nasan si CJ?" bungad na tanong ko sa kanya, bahagya naman siyang nagulat dahil bigla akong nagsalita. Pero agad din namang umayos ang postura niya. 

"Umalis eh, pupuntahan ata yung mga babae niya" sagot nito.

Napatango tango naman ako, minsan nga nagtataka na ako kung bakit merong mga babaeng patay na patay sa kanya eh isa lang naman siyang isip bata? Paano niya kaya napapahulog ang mga babae nayun. At isa pa ay paano siya naging playboy kung isa siyang childish person. 

"Sabagay, parang hindi pa ako nasanay" wika ko na lamang, bahagya siyang napailing iling sa sinabi ko. 

"Oh ikaw bakit ka nandito? Diba dapat kasama mo si Scian ngayon?" tanong niya ng makaupo na ako sa tabi niya. 

Sasagot na sana ako ng biglang dumating si CJ, pawis na pawis at hingal na hingal. Hindi naman ako nainform na may marathon pala itong sasalihan ngayon, at bakit dito pa siya dumiretso?

"Oh anyare sayo?" intrigang tanong ko rito.

Hindi siya kagad sumagot dahil hingal na hingal siya inabutan naman siya ng tubig ni Ash at kagad naman niya itong kinuha. 

"Mabuti pa'y sagutin mo muna ang tanong ko Kevin, mamaya pa makakarecover yan, hindi na kasi pang athlete ang katawan niyan" sambit ni Ash. Sinamaan naman siya ng tinggin ni CJ, ewan ko ba kasi kay CJ dati tambak ang mga parangal niya sa iba't ibang laro pero tumigil siya at hindi namin alam ang dahilan. Hindi ko namin siya kaklase ni Ash dati noong elementary, sadyang mabilis lang kumalat ang mga balita tungkol doon. At isa pa kabikabila ang mga poster at tarpaulin na may pagmumukha niya dahil sa mga napanalunan niyang laro. 

"Hoy Kevin, kinakausap kita" tinig ni Ash kaya umayos muna ako ng tayo bago sagutin ang tanong niya kanina.

"Oo magkasama kami ni Scian ni kanina, pero umalis din ako may ginawa kasi ako hehe" nahihiya kong banggit sa kanya.

"Anong ginawa mo?" tanong ulit ni Ash, nung silipin ko si CJ ay nakasilay na ang nakakalokong ngiti niya pero hingal padin. Bastos talaga utak neto kahit kailan.

"Ano kasi ganto yun, diba ipinatanong mo sa akin kung kanino talaga kampi si Scian, sa akin o kay Maira?" tumango naman siya sinabi ko.

"Natuwa kasi ako sa sagot niya" pagpapatuloy ko. 

"Oh tapos anong nangyari?" 

"Sabi niya ako daw kinakampihan niya, at suportado din siya plano ko. Sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko siya. Sa noo lang naman" tugon ko. 

"Teka sinabi mo ang plano mo?" sa wakas ay nakapagsalita na si CJ.

"Oo bakit?" nagtataka kong sagot.

"Bakit mo ba sinabi?" tanong niya ulit.

"Kasi tinanong niya ang rason kung bakit ko natanong sa kanya yun kaya sinagot ko" sagot ko.

"Bakit CJ, may masama ba sa ginawa niya?" usisa naman ni Ash.

"Oo nga, meron ba?" dagdag ko pa.

"Wala naman, kung hindi connected ang nakita ko kanina" sagot nito.

Napakunot naman ang noo naming dalawa ni Ash, anong pinagsasabi nito?

"Anong nakita mo?"

"What do you mean?"

Halos sabay naming tanong ni Ash.

Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.

"Kasi habang kasama ko yung isa kong babae, si Angel? Angelica? Angelie? Angela? Hindi ko tanda ang pangalan" panimula nito.

"We don't care about the names of your girls, just go straight to the point. Ano ang nakita mo kanina?" pagpuputol ni Ash sa pagkwekwento ni CJ.

Napatango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Kasi nakita ko sina Jade at Maira, tapos nagtaka ako kung bakit hindi nila kasama si Scian. Tapos maya maya pa ay nakita ko si Scian tahimik na nakasunod sa kanila at palihim na lumuluha. Nilapitan ko siya at tinanong na 'anong nangyari?' pero hindi niya ako sinagot at lalo lang dumami ang luha na tumutulo sa mukha niya, sinubukan ko ulit magtanong kaso tumakbo na siya papalayo sa akin. Kaya iniwan ko yung kasama ko at dali daling pumunta dito sa tambayan natin" pagkwekwento niya. 

"Oh ano namang connect ng pagsabi ni Kevin sa plano niya kay Scian?" naguguluhang tanong ni Ash.

Napaisip din naman ako, ano bang pumasok sa kukute nitong si CJ at bigla na lang sinabi na dapat hindi ko sinabi ang plano ko kay Scian.

"Oo nga, ano namang connect non?" gatong ko sa sinabi ni Ash. 

"Kasi naisip ko lang na baka sinabi ni Scian sa kanilang dalwa yung plano mo. O di kaya naman ay may nalaman o nakita silang nagdudugtong sa plano mo" tugon ni CJ sa mga tanong namin.

"Paano mo naman nasabi yan?" tanong muli ni Ash. 

"Eh sa tingin nyo bakit hindi sila sabay sabay na pumasok? Eh kadalasan naman nating nakikita na palagi silang sabay sabay sa kahit anong bagay. At isa pa bakit umiiyak si Scian at tahimik lang nakasunod sa mga kaibigan niya" seryosong wika ni CJ.

"Teka nga lang, hindi ba sinabi ko na magkasama kami kanina ni Scian? Malamang hindi talaga sila magkakasabay kasi hindi naman sila magkakasama" sabat ko sa kanila.

"Eh bakit siya umiiyak?" balik na tanong ni CJ.

Bakit nga ba umiiyak si Scian? Ano bang dahilan?

"Oh diba, hindi nyo alam. Baka nga kasi may nangyari na tapos sinabi mo pa yung plano" sumbat ni CJ sa akin.

"Yun lang ba ang dahilan na pwedeng iyakan CJ? Madami pang ibang dahilan baka naman nagkataon lang. Coincidence ganon" pagtatanggol sa akin ni Ash. 

"Oo nga naman, yang ka-OA-yan mo ay sumosobra na, pati kami napapaniwala na sayo" dugtong ko pa.

Napakamot na lamang si CJ sa ulo niya, si Ash naman biglang tumahimik at tila nag-iisip ng malalim. 

"Pero may point din dun si CJ, Kevin" biglaang sambit niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko rito.

"Pwedeng manyari yun, baka may nakita o nalaman nga sila Maira at Jade na may kinalaman sa inyo ni Scian, o di kaya naman ay tungkol sa plano mo" seryosong wika nito.

"Sabi ko naman sa inyo eh" pagmamalaki pa ni CJ.

"Alam mo Ash, nadadala ka lang sa pagiging OA nitong isa. Napaka imposible naman ata niyan, nagkikita kami sa tagong lugar kaya paano naman mangyayari yun at isa ako ang kinampihan ni Scian diba?" sambit ko.

"Maaring sinasabotahe ka na ni Scian, Kevin. Maaring may plano din siya, pwede ding sinasabi niya lang yun sayo kasi pinapaikot ka niya. Madaming posibleng dahilan. At minsan pwede din mangyari ang mga imposible" seryosong banggit ni Ash sa bawat salitang binitawan niya. 

Napatahimik naman kami ni CJ sa sinabi niya, tanging ang paghuni ng ibon at paggalaw ng mga puno ang maririnig. Parang may dumaang anghel sa tambayan namin.

Ako? Sinasabotahe ni Scian? May plano din ba siya? 


Imposible naman ata.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon