Hello hehe, nabitin ba kayo kanina? Oh eto na at magpakabaha kayo sa mga luha niyo! De jk. Hindi kasi ako makakapag update bukas kasi may pupuntahan ako kaya eto ipopost ko na ang last chapter. Sa Monday na yung epilogue!
Play nyo yung kanta para mas lalong masakit :)
Iyak well!
Maira's POV
Natigil lang ako sa pag-iyak ng may tumawag sa'kin. Si Mommy.
"M-Mommy?" pahikbing pagsagot ko sa tawag niya.
[Anak please don't cry] pag-aalo niya kagad sa'kin. Sa halip na tumigil ay lalo akong napaluha.
"Mommy mali yun di'ba? Mali yung results di'ba? Hindi yun totoo di'ba?" nagbabakasakaling tanong ko.
"Mommy kasi hindi pwede eh. Mommy boyfriend ko yun eh. Impossibleng maging kapatid ko yun! Mahal namin ang isa't isa eh. Mahal na mahal. Ang saya-saya nga namin kanina eh tapos magiging ganito lang? Mommy hindi pwede, hindi pwedeng maging ganito. Hindi pwedeng ganoon ang resulta" nagmamakaawang sambit ko rito.
Ayoko, hindi pwede. Hindi pwedeng magkapatid kami.
[A-Anak, totoo yun. Yun na ang results] halos hindi niya masabi nang diretso sa'kin. Lalo naman akong napahikbi at napaupo na sa sahig di alintana kung madumi ba ito o hindi.
"M-Mommy m-matatanggap k-ko n-nama-man k-kung ma-may -kapa-patid a-ako e-eh, b-basta-ta wa-wag la-lang s-si Ke-Kevin! W-Wag lang s-siya!" patuloy ang pagmamakaawa ko sa kawalan. Iniisip ang mga pinagsamahan naming dalawa at ang mapait doon ay magtatapos kami sa wala. Magtatapos kaming talunan, magtatapos kami ng lumaban pero natalo.
Iniisip ko pa lang na magtatapos na kami masakit na eh, ayokong mangyari yun, yun ang pinakakatakutan kong mangyari sa buhay ko. At hindi ko akalain na ang pinakakatakutan kong bagay mangyayari din pala.
[A-Anak I'm s-sorry k-kung w-wala ako d-diyan, s-si t-tita Kelsea m-mo ka-kasi m-muntikan na magsuicide k-kanina. Sinisisi niya ang sarili niya sa lahat ng pangyayari, I'm sorry anak. Wala pa'din kasi ang nanay mo dito madami pa silang inaasikaso sa simbahan] paghingi niya ng tawad sa'kin. Pero natuon ang atensyon ko kay tita Kelsea. Kasalanan niya ba ang lahat ng ito? Nagmahal lang din naman siya katulad ko, kaso siya maling tao lang ang namahal niya, kaya niya nagawa yun nung nakaraan. Ibig bang sabihin maling tao din ang minamahal ko ngayon? Paano mo ba masasabing mali o tama na ang taong minamahal mo?
"Mommy wag nyong iiwan si tita ha? Siya na lang meron sina Kevin at Kurt, hindi siya pwedeng mawala. I can take care of myself naman" pagsisinungaling ko sa kanya. Ayoko kasing dumating sa punto na mamimili siya sa aming dalawa ni tita, kung sinong aaluhin niya. Si tita suicidal, at hindi siya pwedeng mamatay kasi siya na lang ang nandiyan para alagaan ang mga anak niya.
[Thank you anak, but don't worry, bukas na bukas aalis tayo para masimulan mo ng magmove on] nanlumo naman ako sa salitang binitawan ni Mommy.
Move on
Banggitin pa lang ang hirap na, paano pa kaya kapag ginawa ko na?
"Sige po" na lamang ang tangging nasabi ko bago ko ibaba ang tawag. Nagamot na naman ako ng New York noon siguro nama magagamot niya muli ako diba?
Inayos ko ang sarili ko bago ako muling lumabas para ienjoy ang huling araw ko rito sa Pilipinas.
Ang huling araw na makakasama ko siya.
Pagkalabas ko ng restroom ay nagpanggap akong walang nangyari. Pero ang tunay unti-unti nang dumadami ang mga krayom na tumutusok muli sa puso ko. Lalo na kapag naalala ko na magkapatid pala kami. Gusto kong sisihin at awayin ang Daddy ko kasi kahit saang anggulo ko tinggnan siya ang may kasalanan. Pinagsamantalahan niya si Mommy kaya ako naririto, at pinaikot niya lang si tita Kelsea kaya naging magkapatid kami ng boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...