<34> Day 3: Museum ft. Park

53 5 0
                                    

Maira's POV

Today is the third day of our sembreak vacation, hay ang bilis naman ng araw, parang bitin pa ako sa nangyari eh, ang landi kase namin kahapon sa resort para kaming magjowang naghaharutan at walang pakialam sa buong mundo, eh yun pala lahat ng tao ay nasa amin na ang atensyon, hiyawan pa ng hiyawan at parang nanonood ng libreng movie, sa bagay sino ba naman ang hindi malilipat ang atensyon sa amin? Para kaming nagshoshoot ng bagong pelikula, parang romance and comedy lang ang peg. Hay atleast naging memorable ang araw na iyon para sa amin,  ikwekwento ko na nga lang.


Flashback:

Nadulas ako at inaasahan ko na ang pagbagsak ng katawan ko, ngunit may bisig na sumalo sa akin.

"Be careful, next time" wika niya.

"Baka hindi na kita masalo sa susunod" dagdag niya pa, natameme naman ako kasi masyado akong nabigla sa mga sumunod na nangyari.

Unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Akala ko hahalikan niya na ako pero sa noo lang pala. Ayyy assuming ka talaga Maira. 

"Uhmm salamat" nahihiya kong saad bago unti-unting umalis sa mga bisig nya, syemays nakakahiya. 

"At least I got my kiss" nakangisi niyang sabi, syemays sa noo lang pala mangkikiss tumakbo takbo pa ako, muntik pa akong mabasagan ng ulo. Buti na lang at nasalo ako ni Kevin, kaso nakakahiya talaga. 

Akala ko matatapos na doon ang kahihiyan ko, ngunit may biglang tumili na babae.

"Yiiiieeeeee, kainggit naman" 

Tili nung babae, at doon ko napagtanto na madami nang tao ang nakatingin sa amin noon. 

Lupa kainin mo'ko now na, urgently, please laaaaaangggg.

"Ang swerte naman ni ate girl" 

"Kuya, sakin ka na lang!!!" 

"Sanaol" 

At talagang sinundan pa ito ng iba pang hiyawan, syemays, nahihiya na ako. Nang tumingin ako sa gawi ni Kevin, tuwang tuwa pa at pangisi ngisi, mukhang proud pa siya sa nangyari. Ako lang ba ang nakaramdam ng kakahiyan dito? Sabagay ako lang naman ang muntikan ng mabasagan ng bungo. 

"May shooting ba dito ng pelikula? teleserye? o kung ano man?" biglang sigaw nung isang beki. 

"Wala namang mga camera kaya paano magkakaroon ng shooting dito?" nagtatakang tanong nung lalaki. 

"Mukha kasi silang mga bida sa isang palabas, kyaaaahh nakakakilig" biglang hiyaw nung beki, ang kyuut mas babae pa yung boses niya kesa sa akin. 

"Hindi kami bida sa isang palabas, pero ako ang bida sa puso niya" sigaw ni Kevin sabay turo sa akin, kaya lalong kinilig yung crowd, wow may live audience pa kaming nakuha. 

"Eh kuya, sinong bida sa puso mo?" excited na saad nung isang babae. Hindi pa ba obvious? 

"AKO!" biglang sigaw ko, huli na para bawian ko pa ito kasi lahat sila ay nakatingin na sa akin. Syemays dapat sa isip ko lang yun isisigaw bakit ko naman nasigaw ng literal? 

"You heard her, she's right" hirit pa ni Kevin kaya lalong lumakas ang hiyawan nila. Kung kaya't ako'y lalong kinain ng kahihiyan. Tulungan nyo po ako!

Akala ko hindi na titigil ang kahihiyan ko kaso nadinig ata ang paghingi ko ng tulong, may dumating na guard at sinita ang mga nasigaw kaya naman kahit papaano ay nabawasan ang kahihiyan ko. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon